Balik sa dating gawi si Dr. Lopez sa panliligaw sa akin. Pinalipas lang niya ang dalawang linggo para magpamiss kuno siya at may ma-realize ako sa feelings ko. Tinanggi ko sa kanya na may nararamdaman ako sa kanya. Hindi pa iyon ang oras para malaman niya ang nasa loob ng dibdib ko. I want to challenge him more. I want him to prove to me that he is serious and he really loves me. Bumabaha na naman ng bulaklak, chocolates at kung ano-ano pang regalo sa table ko man o sa locker ko. Ako na naman ang usap-usapan ng mga tsismosa at marami na naman ang gusto akong kalbuhin sa sabunot at patayin sa tingin. Bahala sila sa buhay nila. I gave them a chance to have his heart. But sadly, ako lang talaga ang gusto ni Dr. Lopez at wala silang magagawa para rito. "Nurse Helena…" "Yes, Nurse Grace