Tinotoo nga ni Dr. Lopez ang pagdistansiya sa akin. Hindi niya ako nilapitan at halos isang linggo ko na siyang hindi nakikita. Hindi nagkukrus ang mga landas namin kahit saan ako mapadpad dito sa ospital. Na noon ay halos bawat sulok ng ospital na puntahan ko ay naroon siya. Tingin ko ay umiiwas talaga siya nang sabihin kong tigilan na niya ako dahil hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya kahit ano'ng gawin niya. Natuwa ako nang tuparin niya ang sinabi niya sa akin na hindi na niya ako kukulitin at hindi na niya ako lalapitan. Isang linggo ng tahimik ang mundo ko at masaya akong nagtatrabaho na wala akong iniisip na doktor na sunod nang sunod sa akin. Walang mga regalong bumabaha, sa locker ko man o sa table ko man sa quarter's area namin. Kaya hindi na ako usap-usapan ng mga kasama ko