"D-Doc? May sasabihin ka ba? Kung wala ay aalis na ako." Napakurap ako ng aking mga mata nang marinig ko ang tinig ni Helena. Takang nilingon ko siya habang dinuduyan pa rin ang aking pakiramdam dahil sa tamis ng kanyang mga halik sa akin. Pero laking gulat ko nang makita ko ang sitwasyon naming dalawa. Tila walang naganap na halikan sa pagitan namin dahil sa layo namin sa isa't isa. I saw her looking mad at me. Malayo ang distansiya namin sa isa't isa at tila kanina pa siya naiinip sa pagkakatayo malapit sa likuran ng kanyang kotse. Nananaginip lang yata ako ng gising? "f**k!" Napahawak ako sa labi ko. Pinakiramdaman ko itong mabuti kung may naganap ba na halikan sa pagitan namin. But it seems wala, nananaginip lang yata talaga ako ng gising. Ang layo namin sa isa't isa at imposible