Today is their Allottees Year End Gathering at hindi niya alam kung bakit tamad na tamad siyang um-attend sa gathering party nila gayong importante na makita ang presenya niya doon dahil bukod sa isa siya sa mga Kapitan ng Vito Maritime Incorporation eh isa din siya sa mga hinahangaan dahil sa pagiging isang magaling niyang photographer.
Maaga pa naman at may oras pa siyang mag handa kung gugustuhin niya talaga na pumunta.
May isang linggo na siyang nakababa galing sa barko simula no'ng sumampa siya tatlong taon na ang nakakalipas.
Kahit ang kaibigan niyang si Janessa at ang Asawa nitong si Quinn ay hindi makapaniwala na sobrang tagal niya palang pumalaot. Simula kasi no'ng nakapag-graduate sila ni Janessa eh pinagtuonan niya agad ang pagiging trainee sa VMI dahilan para mabilis siyang makasampa.
Kakamot-kamot siya sa kanyang ulo ng marinig na sunod-sunod na tumunog ang doorbell.
Mumukat-mukat siya habang naglalakad palabas ng kanyang kuwarto.
Kung bakit ba kasi inabot na naman siya ng madaling araw sa pag tambay sa club! Gano'n na ba siya ka uhaw sa mga alak para tumigil sa club ng gano'n katagal? Kung tutuusin naman ay nakakatikim rin naman siya ng alak kahit nasa barko siya. Nakakapunta din siya sa mga iba't-ibang bar dahil bawat daong nila sa isang bansa nag liliwaliw din muna sila do'n. O' baka naman iba talaga ang puyat kapag nasa sariling bansa.
“Oh, bakit hindi kapa nakakapagbihis?” gulat na bungad sa kanya ni Janessa nang tuluyan na itong makapasok sa kanyang unit.
Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa maka-upo na ito sa sofa. Nakita niyang may dala itong naka-hanger na tuxedo at nakabalot pa sa plastic na malaki.
“Anong ginagawa mo dito?” diretsong tanong niya ng maisara na ang pintuan.
Janessa looked at him with one eyebrow raised. Parang nirerebisa nito ang paghihitsura niyang galing sa puyat.
“Nag abala pa akong dalhan ka ng tuxedo eh parang wala ka naman palang balak na um-attend ng party niyo.” tila dismayadong saad ni Janessa habang binabaling ang paningin sa kuwarto niyang nakabukas ang pintuan. Lalo nang nahalata na kakagising niya lang.
Nanatili siyang nakatayo habang nag-iinat ng katawan.
“Tinatamad akong pumunta sa mga gano'ng bagay, Paks.” sagot niya na agad siyang binalingan ni Janessa.
“Eh anong gusto mo? Matulog lang dito maghapon kaysa sa makihalubilo? You need to be there, Riki.” gigil na sabi nito sa kanya.
Parang narindi siya kaagad dahil literal na kagigising niya lang pero dakdak agad ni Janessa ang narinig niya.
“Nasaan ba si Quinn at ako ngayon ang pinupunterya ng bait mo?”
Janessa glared at him. Siya naman ay napa-upo sa armrest ng sofa.
“Nasa baba,” sagot nito na labas sa ilong. Napa-ismid siya bago sinuklay paitaas ang bagsak niyang buhok.
“Nag-away kayo no?” nakangisi niyang panghuhuli sa kaibigan niya.
“Ayaw niyang dalhin ko 'to sa'yo pero dahil gusto ko kaya ayon, si tampururot do'n sa kotse.” nakangusong kwento ni Janessa na ikina-iling niya nalang.
Nagkatampuhan pa tuloy ang mag-asawa dahil sa kanya tapos wala rin lang pala siyang balak na pumunta sa party.
“Stk!" Naiiling niyang tiltik.
“Akin na nga 'yan!” suplado niyang turo sa tuxedo na nakalatag sa sofa.
Ura-urada namang lumiwanag ang hitsura ni Janessa dahil sa narinig nito.
“Pupunta kana?”
“Alangan? Konsensya ko pa kung hindi ako pupunta.”
Biglang humalakhak ng tawa si Janessa dahilan para makapag-isip siya ng kung ano.
“Alam kong may kapalit 'to eh.” aniya.
Janessa covered her mouth with her hands.
“Ang galing mo talaga manghula, Rik.” ngiting-ngiti na sabi nito sa kanya.
Inabot ni Janessa ang tuxedo na dala nito kaya tumayo na rin siya para dalhin iyon sa kanyang kuwarto nang bigla ulit nagsalita si Janessa.
“Alam ko kasi na binabalak mong mag bakasyon sa Isla.”
Binalingan niya ito at supladong tinignan.
“Oh ano naman ngayon? Are you going with me?”
Tumango-tumango na parang bata si Janessa. Because of that he tss.
“Isama mo si Quinn para hindi sumakit ang ulo ko sa'yo. May asawa kang tao pero sa'kin ka dikit ng dikit.” pilosopong bilin niya.
Dahil do'n bigla siyang binato ni Janessa ng throw pillow dahilan para mapangisi siya.
“Gago! Hindi ba pweding gusto ko lang talaga maranasan na sumakay sa bago mong yate? At saka...gusto ko lang i-rate kung gaano ka kagaling magmaneho bilang isang sea captain. Ang dami-dami mong dada, kupal ka naman!” supladang anas nito sa kanya bago ito padabog na tumayo bago nag martsa palabas ng kanyang unit.
Siya naman ay napahalakhak nalang nang sobrang lakas dahil sa malutong na sinabi sa kanya ni Janessa.
Sadya naman ako magaling mag maneho, lalo na sa ibang bagay. Maloko niyang type sa kanyang cellphone bago ipinadala iyon kay Janessa.
Tawang-tawa parin siya habang hinuhubad isa-isa ang mga saplot niya.
Halos mawala na ang mga mata niya dahil sa pag tawa!
Janessa:
Kupal ka!
Reply ni Janessa kung kaya't halos maluha-luha ang kanyang singkit na mga mata dahil sa pagtawa.
After how many hours nakatapos din siya ng pag-aayos ng kanyang sarili.
The tuxedo that Janessa lent to him suits him very well.
Para siyang kagalang-galang na nilalang kung titignan maige. Though in other parts it is like he is respectable because in the class of his status in his work.
”Captain, Nishimura!” masiglang bati sa kanya ng second mate niyang kasamahan sa barko.
Ngumisi siya bago ito nilapitan at kinamayan.
“Kamusta?” aniya matapos makipagshake hands.
“Okay naman. Akala ko talaga hindi kana pupunta, sayang kako kung wala ka.”
Nagtaka siya kung bakit pero bago siya magtanong nilagok niya muna ang alak na kakakuha lamang sa waiter na dumaan sa harapan nila.
Napangiwi siya at basta pinahid sa bibig niya ang likurang bahagi ng kanyang palad.
“Sayang ang alin?”
“Sayang at hindi mo sila makikita.” ininguso ng kasamahan niya ang mga seksing babaeng naka-upo ngayon hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan. Nasundan niya rin iyon ng tingin kaya agad siyang napa-iling at ibinalik ang paningin sa karamihan. Patay malisya siyang ngumiti sa mga bumabati sa kanya habang sini-set up ang dala niyang camera.
“Hindi ako babaero kagaya mo,” natatawang bulong niya sa second mate niya bago ito tinapik-tapik sa balikat.
It's true because as far as he knows, he retired long ago from that kind of behavior.
At sa pagkaka-alam niya rin ay hindi naman talaga siya gano'ng klase ng lalaki noon dahil simula't-sapul iisang babae lang naman ang minahal niya.
Sinulyapan niya ang suot niyang relo nang aksidente niyang mai-untog ang kamay sa pader dahil sa ginawang pag-ayos ng kanyang pagkakatayo nang kuhanan niya ng litrato ang kabuuang gayak ng kanilang gathering party.
Mabuti nalang at hindi naman nagasgasan ang bubog dahil bahagya lang naman itong napa-untog sa semento.
May isang oras din siyang panay-panay ang pag click ng kanyang Canon na camera. Tamang-tama pa nga dahil kakabili niya lang din nang latest brand na 'yon.
Inisa-isa niyang tinignan ang mga shots niya at hindi niya sukat akalain na mapapahanga din ang mga kasamahan niyang nakamasid din pala sa kanya.
“Kung ako ikaw, gagawing career ko na din yang pagiging photographer.”
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at basta tinignan si Troy.
Mukhang nababasa din kasi nito ang mga naiisip niya. May punto naman ito pero syempre bilang hindi naman talaga siya totally photographer at parang natitipuhan niya lang din ang kumuha ng mga scenic shots sa tuwing nasa barko siya kaya unti-unti niya na rin nagugustuhan ang gano'ng klaseng pagkakalibangan.
“Saka-saka nalang kapag nag retired na ako.” nakangisi niyang sagot kay Troy.
“Sus, kailan pa kaya 'yon?”
“Malay mo next year na pala 'yon.”
“Imposible. At saka huwag naman muna, bro. Nakasanayan kana namin at mahirap mag adjust ulit at makatagpo ng kagaya mong nuknukan ng bait.” tatawa-tawang sabi nito dahilan para hindi niya paniwalaan.
“Baka nuknukan ng ligasyo?”
Sabay silang napatawa bago inuntog sa bawat isa ang bote ng beer na hawak nila.
“Pero seryoso, bro. You have a high potential to be known in the world of photography because of your low-key talent. Magaling ka at deserve mong makilala. Kung hindi ko ba naman alam na gusto palang bilhin ng isang banyaga ang isang picture frame mo na may shot nang relo mo na yan eh, hindi ko rin sasabihin na may potential ka.”
Lihim siyang napangiti at iniwas bigla ang paningin. Idinako niya ang singkit niyang mga mata sa suot niyang relo.
Back then no'ng nasa barko pa siya dala ng kainipan naiisipan niyang kuhanan ng litrato ang mga bagay na natitipuhan niya at hindi niya alam na marami-rami narin pala siyang nako-collection niyon at yo'ng isa nga nga nag pa-antig sa kanya eh yo'ng relo na kinuhanan niya. Binibili 'yon ng isang banyaga kahit sa magkanong halaga na gusto niya kaso tinanggihan niya 'yon.
“Basta hit me up bro if you want to pursue
your photography. Marami akong kakilala na naghahanap ng mga photographer and I will definitely recommend you.”
“Sure, man. Pag-iisipan ko 'yan.” sagot niya bago ulit nilagok ang natitirang beer.