Halos madaling araw na nang maka-uwi ako sa Mansion at hindi ko alam kung naka-uwi narin ba si Don Gregorio.
Kaya bilang pag-iingat at gustong manigurado na hindi ako mahuli ni Lola Mery at ni Don Gregorio, sinusubukan ko talaga ang aking sarili na hindi makagawa ng ingay habang naglalakad ng tiid na tiid.
Pakiramdam ko tuloy parang dudugo na ang ibabang labi ko dahil sa mahigpit kong pagkakagat.
Nasa ika-apat na akong baitang nang bigla akong matigilan at nag mura ng sobrang hina dahil biglang tumunog ang aking cellphone dahil may nag chat!
Gigil na gigil tuloy ako habang dinudukot ang cellphone ko sa bag!
We need to go to the Philippines as soon as possible, Tin. Inimbitahan tayo para mag guest sa isang fashion show!
Pagkatapos kong basahin ang chat ni Jelain hindi ko muna pinag-abalahan na sagutin dahil mas uunahin kong makarating sa aking kuwarto bago paman ako mahuli dito at matadtad ng buhay.
“Hooo!” buga ko sa hangin nang maisara ko ang pintuan ng aking kuwarto. Parang pinagpawisan ako ng sobrang dami dahil sa ginawa ko.
Hindi naman sa hindi alam ni Don Gregorio ang bawat galaw ko dahil unang-una siyang nakaka-alam ng mga pupuntahan ko at kung nang mga business meetings ko. I respected him because he is my grandfather kaya wala akong rason na hindi ipalaam sa kanya ang bawat galaw ko though ayos lang naman daw sa kanya.
Kaya lang din naman ako nag-iingat dahil ayaw ko lang na madismaya siya sa akin dahil lamang sa pagiging suwail ko minsan.
Pagkatapos kong maligo hindi muna ako humiga dahil naisipan kong bumaba muna. Naisipan ko kasing mag bake ng mga cookies na paborito laging kainin ni Don Gregorio. It's my way to give him my peace offerings kahit hindi pa naman niya ako nasisita. Hindi naman siguro masama kung uunahan ko na ang sitwasyon.
Bigla akong napatawa na parang tanga dahil sa mga naiisip ko.
Alas dos na ng madaling araw pero heto ako at na'y mo'y ulaga dito dahil mag-isang natatawa dahil sa mga kalokohan kong naiisip sa takot na hindi mapagalitan ni Don Gregorio.
I bake so many cookies. May isang tupper ako na itinabi para kina Jelain at Rhett tapos may tatlong tupper pang tira. Ang isa ay para kay Don Gregorio at ang dalawa ay para na dito sa mga taohan at gwardiya. Tumikim lang ako ng ilan habang sinasawsaw ko sa gatas.
Parang biglang nawala ang antok ko dahil hindi na ako hikab ng hikab kaya nang maka-akyat na ako sa aking kuwarto eh hindi ko parin nagawang matulog dahil naisipan ko bigla ang chat message ni Jelain kanina.
Ngayon lang ulit sumagi sa aking isipan kaya mabilis kong hinalungkat sa aking bag ang cellphone ko. Binuksan ko ulit ang convo namin at binasa ko ulit ng paulit-ulit.
Seryoso ba siya? Siguro oo dahil bakit siya mangangahas na mag chat kung hindi. It's been years since I left in the Philippines at ang totoo sariwa pa rin sa akin ang mga mapait na nangyari do'n sa akin.
Feeling ko hindi ko pa kayang bumalik doon pero minsan tama din si Don Gregorio. If I want to heal all the wounds which have not yet recovered it's better to face my fears so that they heal quickly.
Napabuntong hininga ako bago binalewala ang chat ni Jelain. Hindi na ako nag reply dahil alam kong bukas ay uulitin niya rin 'yon sa akin.
Pabagsak kong inihiga sa malambot kong kama ang aking likuran habang tuwid na nakatingin sa kisame ang aking mga mata.
Suddenly medyo nagtatalo ang antok at ang mga palutang-lutang na mga katanungan sa aking isipan.
In the silence bigla akong napatanong sa aking sarili kung kamusta na ba si Papa. Kung buhay pa ba siya? Kung sila parin ba ni Tita Lucia? Kung maayos na kaya ang buhay nila? Kung...hinanap niya rin kaya ako?
So many questions popping up in my head and no one can answer them but also just me pero paano ko masasagot ang mga 'yon kung hindi ko pinapahintulutan ang aking sarili na bumalik sa bansa kung saan ako nawasak ng husto.
To be honest, every time I hear the Philippines it reminds me of all the hurtful memories I had there. It feels like I'm in a trauma.
Ayaw ko man sila isipin pero minsan hindi talaga maiiwasan dahil kusa naman silang sumasagi and by that wala narin akong magawa kundi ang isipin nalang din ang mga nakaraan kong pilit kong kinakalimutan.
Lalo na si Riki!
At this point, I have the guts to say that I am so brave to think of him. Siguro matagal-tagal narin at dahil do'n napatawad ko na siya. Hindi talaga kami para isa't-isa and I am thankful dahil naagapan agad ni kupido ang puso ko.
Namalayan ko nalang na may mainit na likido na palang lumandas sa aking pisngi and before I wipe it tuluyan na akong nilamon ng antok.
Kinabukasan maaga parin akong nagising dahil nag alarm ang cellphone ko para sa schedule ko mamaya. May pictorial shoot na gaganapin sa Jus-Thins Corp at ako ang ako gagawing bagong mukha ng magazines. Siguro dala ng excitement kaya hindi narin ako nakapagpatanghali ng gising kahit madaling araw na akong nakatulog kanina.
“Good morning po.” malumanay kong bati kay Don Gregorio nang makarating ako ng hapag. Sumimsim siya ng kape habang nakatuon ang mga mata sa diyaryo na binabasa. Hindi niya ako nagawang sulyapan kaya bigla akong naging kabado. Alams na!
Dahan-dahan akong umupo habang lihim na kinakagat ang aking ibabang labi. Para akong pumasok sa isang paaralan na may ginawang kasalanan at hahatulan din agad ng principal. Sa puntong ito kabado na ako habang dahan-dahan na inaabot ang ham spread at tinapay. Napalunok pa ako dahil nasa harapan ni Don Gregorio ang tinapay.
Tumikhim siya kaya naka-hang sa ere ang kamay kong dadampot sana ng tinapay.
Tuwid siyang napatingin sa akin kaya tipid akong ngumiti sa kanya as if nothing happened na hindi ko kuno alam.
Umupo ako ng tuwid bago inayos ang sarili kahit ayos naman ang paghihitsura ko.
Tinanggal niya ang suot niyang salamin at hinayaang nakalambitin iyon sa kanyang leeg. Sumimsim siya ulit ng kape bago pinunasan ng puting panyo ang palibot ng kanyang bibig na nabasa ng likido.
“Sorry po kung madaling araw na ako nakarating kanina. Nag...kasarapan lang po ng kuwentuhan kaya hindi ko po namalayan na nag-uumaga na po pala.” simula ko.
Naglakas loob na akong dumiga at hindi na hinintay ang tanong niya dahil alam kong do'n lang din naman patungo ang pagka-istrikto niya.
“That's why you bake these cookies?” seryoso niyang tanong.
“Opo,” kagat ang labi matapos kong sagutin ang tanong niya. Napayuko ako at lihim na nakikipagdebati sa aking sarili but I immediately raised my head when I heard him laugh softly.
“Okay then, apology accepted.” aniya sabay subo ng cookies at parang sarap na sarap pa. Bigla akong nabunutan ng tinik nang marinig ang sinabi niya at makita ang reaksyon niya.
“By the way, Hija.” umpisa niya ulit kaya minabilis ko ang pag-inom ng tubig.
“Ano po 'yon, Lo?” magalang kong sagot sa kanya. Ayaw niyang tinatawag ko siyang Don Gregorio kaya sa halip na gano'n eh mas nag mamatapang akong tawagin siyang Lolo dahil 'yon naman ang nararapat.
He is a respectable man behind her screaming white hairs. He is a powerful old man behind his status in life. Kaya gano'n na lamang ang taas ng pag respeto ko sa kanya dahil wala ako sa kung nasaan man ako ngayon kung hindi dahil sa kanya.
“About the invitations for you.” he is referring to the guessing thing.
“Ah, opo. Nabanggit na rin po 'yon sa akin ni Jelain kagabi at pinag-iisipan ko po kung tanggapin ko ang invitations nila.”
“Accept it, darling. Walang mawawala and maybe this is the right time.” nakangiti niyang pangungumbinse sa'kin. Hindi siya tutol at first time na mangyari 'yon. And I think tama siya. Maybe this is the right time to face my fear. Hindi habang buhay ay kukulungin ko ang aking sarili.
”Sige po, Lo. I will tell Jelain to book a flight as soon as possible.”
“Good to hear that, Hija.” aniya bago ulit sumimsim ng kape. “At saka Hija, I give you now a permission to live there for good. May kumpanya akong naiwan doon at sa'yo ko ipagkakatiwala 'yon. You can change the name of the company to Jus-Thins like you have here.”
“Pero Lo...sapat na po sa akin na pinamana niyo sa'kin ang Jus-Thins dito—”
“No buts, Hija. You're my one only granddaughter at lahat ng meron ako ay magiging sa'yo na din. Hindi 'yon kakasya sa aking hukay, I know you know.” natatawa niyang biro. Bigla akong nanglambot at dahil do'n emosyonal ko siyang nilapitan at mahigpit na niyakap.
“Maraming salamat po sa lahat-lahat Lo. Isa kayong milagro sa lumulubog kong pagkatao kaya lahat ng pasasalamat ay ibinibigay ko sainyo.” maiyak-iyak kong sabi na naging dahilan ng pagtawa ng niya ng mahina. He tapped my head and hugged me from behind.
“All the kindness you have, you got from your Mother, and I always remember her, especially when you do this thing. Thank you because you showed me how simple and beautiful to stay alive in this world, Apo.” emosyonal niyang bulgar habang yakap-yakap parin namin ang isa't-isa. Lalo na akong napaiyak at hindi na nagawang sumagot sa kanya dahil nag-uunahan nang lumandas ang aking mga luha.