S q u a r e S i x ( S H E )

2109 Words
Nagpatuloy lang ang singkit na kidnapper sa pangungumbinsi sa'kin na kapatid ko daw siya habang ako, tulalang nakikinig. Nang matapos siyang magsalita, hindi ko alam kung saan ko nakuha 'yung lakas para matawa at mukhang napikon siya do'n. "Alfred Mariano knows about this and if you're not convinced, go ahead and ask him," sabi niya bilang pagtatapos. Napalunok na naman ako. Sa kaba, sa pagkabigla, ewan ko. Tae, pakiramdam ko may camera sa kung saan at pina-prank lang ako ng mga tao. Pero hindi. Masyadong malalim 'to para masabing prank. "Bakit kailangan niyo 'kong kidnapin? Teka. Kahit 'di na lang 'yon, e. Ito na lang. Bakit ngayon ko lang nalaman 'to?" I manage to ask. "'Wag kang mag-alala. Hindi ka nag-iisa. Lately ko lang din nalaman na may kapatid pala ako at babae pa." Nanliit ang mga mata ko lalo. "Ano namang ibig sabihin niyang 'at babae pa' na parang may ibang tono?" "Sabi ko kay Dad, hindi ko kayang i-handle lahat ng businesses dahil ikakasal na ako. That's when he told me na may kapatid ako at sa Fuentebella Empire ko siya matatagpuan. I ran an investigation on all employees na nasa Fuentebella Empire and I came across your profile. I knew then it was you." Irony? Hindi. Sa panahon na magkasama kami ni Eric at bawat kibot sa paligid ay iniimbestigahan niya, napagtanto kong ganito ang mga control freak. He's just another version of Eric na sobrang conscious. Either may OCD din siya o talagang ganito na ang mga mayayaman na 'yan, violation against human rights to privacy pa rin 'to. "But I have to admit that I would rather have a brother than a sister running the other businesses," dagdag pa niya. "Wala talaga kasi akong tiwala sa controlling power ng mga babae lalo na, girls tend to get emotional than rational in all aspects." Napa-snort ako. "Sino naman ang nagsabing gusto kong panghawakan ang mga business niyo? I'm the head in Fuentebella Empire's mortgage and it's enough headache for me. Hindi ko na kailangan ng pangalawa o pang-ilan pang problema," iritadong sagot ko. "You see, this is exactly why I think being the boss is not a job for women. But you don't have any choice as much as I do. Ikaw at ako lang ang nakalagay sa Will ni Dad na magiging tagapag-mana. And just about three weeks ago, we found out... Sandali na lang ang itatagal niya. He has stage four Cancer." Kahit pa sabihin natin na technically ay hindi ko kilala ang tatay ko daw na sinasabi niya, nalungkot pa rin ako para sa kaniya. I know how much it hurts to lose people you love. "I'm sorry to hear that," awtomatikong lumabas sa mga labi ko. Bahagya siyang yumuko na parang tinatago rin niya sakaling may emosyon man akong makita sa mukha niya. "Sure. But at the moment, what he really wants to happen is for him to see you. I hope you can make time for him sooner before it's too late." "Look, I'm sorry about your Dad but in case you didn't notice, I'm pretty much overwhelmed about all of this and it's not that easy for me to say I understand. Ginoo, kung sino ka man, nagkamali ka lang ata ng na-kidnap. Hindi ako ang kailangan mo," mahabang dahilan ko habang pilit na pinakakalma ang sarili. Tae naman kasi. Sigurado ba siyang magkapatid kami? Bukod sa mata, wala nang parehas sa'min. Okay, parehas kaming maputi pero hindi pa rin patunay 'yon na magkapatid kami. Pucha namang buhay 'to. Ano bang nangyayari? Konti na lang maniniwala na ako, e. "Princess—" "Stop calling me 'Princess'. There's only one person in the world that I'll allow to call me that and he's my fiancé." "How would you like me to address you, then?" iritadong tanong niya. "Inoue." "I would rather call you Ariel." Sinuklian ko siya ng matalim na tingin pero hindi siya nagpatinag at nagpatuloy pa rin. "If you need time, I'll give you time. But please hurry up on your decision because our father's dying," sabi niya habang tumatayo. "If you want to eat, just go to the kitchen. But if you need to go, just find your way out because I'm tired of hoping for things to miraculously happen. The driver can get you back to BGC in no time." Minasdan ko na lang siyang lumakad palabas ng malaking kwarto. Una, natulala pa ako. Ewan ko rin kung ano ba ang dapat na maging reaksyon ko. Madalas akong sabihan ni Eric na nago-overreact sa mga bagay-bagay pero siguro naman this time, normal lang na matakot. Oo, takot. Natatakot ako kasi baka totoo ang sinasabi niya. Natatakot ako kasi baka hindi totoo tapos maniwala ako. Ang gulo. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad. Una kong hinanap ang switch ng ilaw at nang lumiwanag ang paligid, at saka ko lang napansin na pang-babae ang kwartong 'to. May sariling banyo, may outdoor coffee table sa terrace, study area. Ang pinaka-creepy dito... I feel at home. Sa desk ng study area, may isang framed photo na familiar sa'kin ang itsura. Paanong hindi? E, Mommy ko 'yung nandoon at saka isang baby. Oo, ako 'yung baby. Nabigla din ako pero mas nakakabigla naman 'yung sasabihan kang hindi ka anak ng tatay mong ilang beses kang napag-buhatan ng kamay matapos ang ilang taon ng buhay mong naniwala ka. May isang picture din ng isang lalaki at may buhat na baby. Oo, ako ulit 'yung baby pero hindi ko kilala 'yung lalaki. Base sa background ng picture at sa suot ko, masasabi kong kinuha ang mga litratong 'to sa parehas na lugar at araw. Siya ba 'yung sinasabi no'ng lalaking 'yon na tatay daw namin? Tae baka na-hypnotize ako ng mestisong hilaw na 'yon. Nagmadali akong lumakad palabas ng kwarto. Dalawang beses akong naligaw bago tuluyang makababa mula sa second floor sa laki ng bahay. O mansyon. Ano na ba ang tawag dito? Ewan ko. Bukod sa bahay ng mga Fuentebella, ito lang ang napasukan kong nakakaligaw sa laki. Nang marating ko sa wakas ang pinto palabas, napatigil ako. Talaga bang hindi ko ikukunsidera ang sinasabi niya? Bahala na. Pagdating sa labas, napansin ko agad 'yung dalawang SUV sa garahe at isang itim na Fortuner. Tama si Eric. Putek. Mahirap magtiwala basta sa mga nangyayari sa paligid mo. Kagaya nito. 'Yung sasakyan na lagi kong nakikita sa gilid ng building namin ay ang parehong sasakyan pa ata na gagamitin para ihatid ako doon. Ibig sabihin ba nito, 'yung Mr. San Juan ang tinutukoy no'ng hilaw na 'yon na ama daw namin? Dahil dalawa lang naman daw kaming magkapatid. Malabo rin na Uncle niya 'yon o pinsan. "BGC, ma'am?" Tumingin ako sa driver mula sa rearview mirror dahil sa likod niya ako pinasakay. "May pakiramdam ako na alam mo na kung saan ako ihahatid, kuya." Hindi ko naitago ang mapang-asar na tinig ko kaya napangiti si kuyang driver. "Pasensiya na, ma'am. Protocol, e." Ngumiti na lang ako sa kaniya. Kahit ang driver ng mga Fuentebella ay hindi ko pa nakakasalumuha sa ganitong paraan dahil palagi namang si Eric ang nagmamaneho ng sasakyan. Wala talaga siyang tiwala sa iba minsan. "Kuya, si Mr. Michael San Juan, anak ba niya 'yung... nag-sundo sa'kin?" Gusto ko sanang sabihing 'kumidnap' pero baka maalarma 'tong si kuya at isiping magde-demanda ako tapos hindi na ako ihatid. Ewan ko. Nagiging paranoid na ako. "Nag-iisang anak na lalaki po, ma'am." "May kapatid siyang babae, ibig sabihin?" "Opo, ma'am. Pero hindi pa po namin nakikilala." At may pakiramdam akong malapit niyo na siyang makilala. "Ano bang mga business ang mayroon ang mga San Juan, kuya?" Sinulyapan niya ulit ako sa rearview mirror. Nang tagumpay na mailabas ang sasakyan sa matataas na gates, at saka niya ako sinagot. "Marami, ma'am. Pero bawal po namin pag-usapan ang mga nalalaman namin." "NDA," payak na sabi ko. Alam na alam ko na 'to. Bigla tuloy nag-flashback sa'kin 'yung first day of work ko sa malaking office ng Fuentebella Empire kung saan ako pinapirma ni impakto ng isang diksyunaryo ata ng NDA. OMG. Time flies. Parang last month lang 'yon. Nanahimik na lang ako hanggang makarating kami ng BGC. Buti pa ang mga driver, naiintindihan ang salitang 'privacy'. All along, iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Eric ang tungkol dito. For sure, magpa-panic 'yon. Baka nga ngayon pa lang, kung naisipan niyang i-check ako sa opisina pagkatapos ng pag-uusap namin, nag-aalala na 'yon dahil wala ako. Tae hindi tuloy ako mapakali. "Salamat, kuya," paalam ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. Hindi masyadong matagal ang naging biyahe pero pakiramdam ko, nilalamon ako ng oras. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay ang mayakap at maamoy si Eric. Kung siguro iba ang kumidnap sa'kin, patay na ako ngayon. Dito ko lang na-appreciate ang buhay. Indeed, we must live life like every second's the last. "Ma'am, pinabibigay ng senyorito," inabot ni kuyang driver sa'kin ang isang paper bag at nakita ko agad na pagkain ang laman nito. "Baka hindi pa daw po kayo kumakain, e, nalaglag na daw po 'yung hotdog sandwich niyo kanina sa daan." Nagkamot pa siya ng ulo nang napangiti ako. "Salamat dito. Pakisabi sa amo niyo, next time, yayain na lang niya nang maayos ang gusto niyang kausapin. Baka makasuhan siya sa ginagawa niya," pabirong sabi ko. Tumawa lang si kuya at umalis na rin. Nawala agad ang ngiti ko. Tangama, ano na ba ang sasabihin ko sa opisina? Hindi ko naman sigurado kung paano magpapaliwanag sa mga tao. Ang gusto ko lang sa ngayon, kay Eric muna ako magku-kwento pero hindi ko rin alam ang sasabihin ko. "Madam!" Halos sabay-sabay na reaksyon ng mga tao nang makarating ako sa building. "Where's Eric?" tanong ko kay Regis na mukhang pinaghahanap din ako. "Sa taas, Madam. Saan ka galing? Kanina pa nag-aalala mga tao dito..." Pero hindi ko na sila pinansin. Ganoon din pagdaan ko sa hallway mula elevator. Diretso lang ako sa opisina ni Eric dahil nararamdaman kong nandito siya. Wala na akong ibang gusto kundi makita siya ngayon na. Kagaya ng inaasahan ko, nandito siya at balisang may sinisigawan sa telepono sa opisina niya. Hindi na nakaayos ang necktie niya, naka-bukas din ang unang dalawang butones ng longsleeves niya. Nilapag ko lang sa table katabi ng pinto ang hawak kong paperbag at tumakbo agad palapit sa kaniya para yakapin siya. Tae talagang impakto 'to. Ewan ko ba kung bakit kulang na lang ay isilid ko siya sa ilong ko kakaamoy sa kaniya. Naramdaman ko na lang din na umiiyak na ako habang mariin na nakabaon ang mukha sa dibdib niya. "What the hell happened? Are you alright? Jesus, Ariel! I'm dead worried." Wala akong masagot sa mga tanong niya. Nabitawan na rin niya ang teleponong hawak niya nang pumasok ako at sugurin siya ng yakap. Now, I feel okay as he drapes his arms tightly around me. Ganito na lang ako forever. Ayos lang sa'kin at hindi ako masasakal. "Where have you been? I can't believe I'm happy to see you right now after putting me in hours of misery," narinig kong sabi niya habang mahigpit na nakayakap. "I can't believe I missed your shouts and curses," halos hindi maintindihang sagot ko. "Jesus, Ariel. I don't know what I'd do to myself if something happened to you. Thank goodness you're okay." Kumalas ako sa pagkakayakap para matingnan ang mga mata niya. Hinawakan ko ang mukha niya. "Pinag-alala ba kita?" "You have no idea how fvcking worried I am. I can still feel my blood pressure," seryosong sagot niya. Tumingkayad ako at hinalikan siya nang mabilis sa labi. Yumakap ulit ako sa kaniya. Parang ngayon lang nag-sink in sa'kin na muntik na akong mapahamak. Ngayon ko lang naramdaman 'yung sobrang takot dahil kanina, mas na-overwhelm ako sa information. At ngayon ko lang na-appreciate 'yung level of security measures na ginagawa ni Eric para sa'kin. Why does he have to be always right about what's best for me? Natatakot tuloy ako na baka hindi na 'ko mabuhay nang wala siya. "You wanna talk about it?" tanong niya habang hinahagod ang likod ko. Naramdaman ko rin 'yung paghalik niya sa ulo ko. "Later. I just want to go home now," sabi ko. "That's a first." Everything's a first with Eric. Wala namang bago diyan. I just smile as he tries to ease my fear by putting a little humor to his remark. Oo, ngayon lang nangyari na ako mismo ang nagyaya sa kaniyang umuwi sa oras ng trabaho. And for the first time in my life, too, I'm glad to be in a relationship with a bossy, domineering, and OC impakto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD