S q u a r e T e n ( S H E )

2547 Words
Pinanuod kong makatulog si Eric. Tae sabi ko na nga ba at mase-stress na naman siya sa mga nangyayari kaya hindi malayong may tumakbo na namang kalokohan sa isip niya. Buti na lang at sinundan ko siya. Ang talino ko talaga. A++ for Effort. Tracker? No. Hindi ako kasing techie niya para maintindihan kung paano gumagana ang bagay na 'yan. Sinundan ko siya kasi narinig ko ang lahat kanina. Hindi ako lumabas. Mula sa mga hinanakit niya sa mga magulang niya hanggang sa pagpapakumbaba niya para magsabi ng sorry na hindi niya naman kadalasang ginagawa. Tae, grabe 'yung kaba ko. Buti na lang din, nasa poolside lang si Cash no'n at nasamahan niya akong sundan ang siraulo niyang kapatid. At saka nag-kwento si Cash ng problema niya which is none other than the girl he fell in love with, 'yung bestfriend niyang si Michelle. And Cash was right, kung mayroon mang makakatulong sa kaniya, 'yun ay ang hayaan namin siyang solusyonan ang problema niyang mag-isa. Hindi namin kailangang makisawsaw. Mula sa Beatz Tavern hanggang sa train station ng Magsaysay, minamasdan namin si Eric. Tahimik lang. Nakikisama din naman si Cash kaya naging mas madali ang pagmamanman. Oo, mas masaklap pa 'to sa stalking skills ni Eric na pangta-track lang ng phone kasi literal na sinundan namin siya. Pero may magagawa ba ako? Nag-aalala ako. Alam kong sa emotional outburst na ginawa niya kanina, may kasunod na kalokohan. And I was right. Nagpaiwan na ako kay Cash sa Magsaysay kasi ayokong makita niya 'yung weakest point ni Eric, that would be a huge step on his ego. At sakto lang na patawid na si impakto para ulitin ang katangahan niya. SINASABI KO NA NGA BA'T GAGAWIN NA NAMAN NIYA 'YON. IMPAKTO TALAGA. "Ariel?" Hinawi ko 'yung loose strands ng buhok niya. Mas mahaba na 'yung buhok niya ngayon but it's always neat. No sh*t, gwapo talaga 'tong impakto ko. Mainggit kayo, please. "I'm here," banayad na sabi ko. Naramdaman ata ni impakto na iniisip ko siya kaya naalimpungatan. Nakasandal ako sa headboard habang nakaupo at hinayaan ko siyang yumakap sa'kin. Medyo mainit siya, may sinat na naman ata. Ganito rin siya kagabi. Nadadala na talaga siya sa mga stress na pinagdaraanan namin. Pakiramdam ko, dumadagdag pa ako sa problema niya. Madaling araw pa nang magising ako. Phone call? Unregistered? "Who's this?" mahinahong pagsagot ko habang naglalakad palabas ng kwarto. Baka magising pa kasi si Eric. "Ariel, it's urgent. I need to see you now. Please tell me you can make time." Nakapikit pa ang isa kong mata. Tiningnan ko ang screen ng phone ko and the time says it's just 3:57am. Taebelles. Ibig sabihin, wala pang isang oras ang tulog ko. "What? Who are you?" "It's Ichiro, your brother. Si Dad, Ariel. He needs you. Please? Just this one time. Titigil na ako if that's what you want. Just... Just give this one to us." Napapikit ako at huminga nang malalim. Hindi ko na itatanong kung paano niya nakuha ang number ko dahil alam naman nating lahat ang diskarteng imbestigador nila ni Eric. And I have to remind myself that this is the same man who kidnapped me a few days ago. It's not safe to just trust people, alam ko 'yan. But there's something in his voice that makes me feel like attending to his request is a must. And that little something is agony. "Nasaan ka ba?" I finally ask. Pagdating ko sa St. Luke's Medical Center kung saan naka-confine si Mr. San Juan, nakita kong balisa at stressed na stressed na si Ichiro na nakaupo sa labas ng kwarto niya. Pagkakita niya sa'kin, bahagyang nagliwanag ang mukha niya. Oo tae umilaw parang stars mga ganoon. Alam ko namang pilosopo ang iba dito, e. "Y-you came." Tumango lang ako at naglakad palapit sa kaniya. Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin. "Nag-flat line si Dad kanina. Before that, he said he wanted to see you." Kumalas ako sa yakap namin hindi dahil sa nasasakal ako or what. For some reasons, kinilabutan ako kasi pakiramdam ko, parang isa siya sa mga kapatid ko galing sa foster homes. Mga tipo nila Fernandez, ganoon. Na walang lukso ng dugo pero parang kapatid na kapatid 'yung yakap. Hangga't maaari sana, ayokong magtiwala muna sa kaniya. Pero ang nangyayari kasi parang nakalimutan ko na lahat ng kasalanan niya sa'kin tapos napapalitan 'yon ng pag-aalala. "Magpahinga ka na kaya muna? You look tired. Wala ka man lang bang kasama?" tanong ko. Naka-office shirt pa rin siya. Medyo disoriented pero mas agaw-pansin 'yung mga mata niya na may mga maleta na sa lalim. Nakabukas ang unang tatlong butones ng damit, nakasabit na lang 'yung necktie, nakatiklop ng uneven 'yung mga sleeves. Naaawa tuloy ako sa kaniya. "I'm fine, really," may kasamang matipid na ngiting sagot niya. "Do you want to... Uhm... I don't know. Get inside, perhaps?" Siguro awkward din sa side niya na bigla kaming naging ganito. This time, it's not just about taking over the business. It's more like, taking over the responsibility of bringing comfort to someone who needs it the most. "Okay. Let's see him," nakangiting sabi ko. Binuksan niya ang pinto at sumalubong sa'min ang malaki ngunit malungkot na kwarto ng isang lalaking nakahiga sa kama sa gitna nito. Maraming mga tubo na parang here and there ang turok sa kaniya. Natutulog siya. Siya 'yung lalaking may karga sa'kin na nasa picture do'n sa kwartong pinag-taguan sa'kin ni Ichiro. Only that he looks years older than what I remember. Lumapit ako and unconsciously, may naramdaman akong moist sa ilalim ng mga mata ko. Tae, bakit naiiyak ako? Hinawakan ko 'yung malinggit na libreng espasyo sa braso niya. Sa dami ng nakasaksak na tubo sa katawan niya, halos imposible nang mayakap siya kaya humawak na lang ako. And in that instant, naramdaman ko, nasiguro ko, na totoo ang sinasabi ng kidnapper ko. This is my real father. My biological father. "I... I'll be outside if you need me." Napalingon agad ako kay Ichiro na halos hindi makatingin sa tatay niya. Namin, rather. "Are you okay?" Matagal siyang natahimik. Nakipag-laban muna siya ng titigan bago nagsalita in a cold voice... "Daijobu ja nai." (Hindi, hindi ako okay.) OMG. He speaks Japanese! Obviously, pangalan pa lang niya, Hapon na. Alam kaya niyang naiintindihan ko siya? "Ja arimasen," dagdag pa niya sabay sandal sa pader habang nakayuko at naka-tiklop ang mga braso sa dibdib. (Hindi maayos ang pakiramdam ko.) "Nande?" mahinang tanong ko. (Bakit?) Umiling-iling lang siya. Hindi pa rin siya makatingin. Do I really need to ask again? "Donna riyuu-de?" pagpupumilit ko pa. (Bakit nga? Anong dahilan?) "Watashi wa tsukaremashita." (Medyo napapagod na ako.) Lumapit ako sa kaniya. At last, nag-angat din siya ng tingin sa'kin. Hinawakan ko siya sa dalawang balikat kahit may katangkaran siya. "You can tell me about it, you know that, right?" Tumango naman siya kasabay ng buntong-hininga. "I just find it odd how in all the number of people he helped, why is there nobody else to accompany him in his toughest struggle?" Natahimik ako sa sinabi niya. The way his eyes bore into mine as he says this, parang pinasa niya sa'kin 'yung same amount ng agony na nararamdaman niya. Tae. "Nasaan 'yung mga taong nagsasabing kaibigan sila ni Daddy? Dad's a great and a helpful man, Ariel. You may not have known him to agree or disagree but he deserves to at least have someone by his side at times like this." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Let's stick to the uplifting notes that I hope will work. "Ganoon naman ang mundo, Ichiro. Minsan, mahalaga ka, minsan hindi ka kilala. You should find this amusing, though. Na sa kabila ng mga taong nagpapanggap na nagpapahalaga sa kaniya, nandito ka ngayon para patunayan na ikaw ang pinakamahalagang kayamanan niya. You stayed by his side and someday, someone will do the same for you. Because you've been a great son to your father." Matagal kaming natahimik. Nakatitig lang sa isa't-isa na parang mga tangang nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Finally, he decides to break the silence with... "Thank you for being here." "You're welcome. At thank you din. I'm your sister, remember?" You read that right, people. Tinanggap ko na ngayon lang na kapatid ko nga ang mokong na 'to. And one thing is for sure, the smile I see in his face as I say those words is worth the life-long acceptance. "He's asking how you look like now. I told him you look more like your Mom." Nakaupo kami ni Ichiro sa tabi ng kama ng daddy namin, kumakain ng cup noodles. Kinukwentuhan niya ako ng mga tungkol sa adventures nilang dalawa. Hindi siya nagbabanggit about sa business, sa pera, o kahit ano pang alam naming pareho na magpapa-awkward sa atmosphere. He's sensitive in good way, I'll give him that. At nalaman ko rin sa wakas na hindi siya kasing sungit ni Eric sa kadaldalan niya. Close sila ni Daddy. As in super close that they tell each other secrets and stuff. Until one day came that the bond was broken by a gap he says they can never mend. Naka-relate agad ako diyan dahil minsan na rin akong sumampa sa lugar kung saan kailangan kong mamili kung side ba ng mga kuya ko o side ni Eric ang pipiliin ko, and I'm guessing that the situation is almost the same for Ichiro. Ang kaibahan lang, my brothers and I are okay now. Dito na daw inatake ng kung anu-anong sakit si Daddy. Because Ichiro fell in love with a girl he can never approve of, pinili ni Ichiro 'yung babae. At ngayon nga ay engaged na rin siya, just like me. The news of his engagement reached our father and that brought him to a struggle against emotional pain. Nasaktan daw si Daddy, alam niya 'yan, dahil pinagpalit siya ni Ichiro sa isang babaeng kakakilala lang niya halos. "Bakit nga ba ayaw niya kay girl?" May mapait na tawang kumawala kay Ichiro. Oo, natikman ko. "Because of her social status. You know. Typical of a rich man not wanting his kid to end up with someone who's just after money." "But is she? I mean, after money, that is." Natulala si Ichiro sa Daddy namin. Siguro inaalala din niyang mabuti. "At first." Maingat ako sa mga reaksyon ko. Ayokong isipin niyang hinuhusgahan ko 'yung babae o kung ano pa man kaya poker-faced lang ako. Salamat na lang talaga at natutunan ko 'yung talent na 'to kay impakto. "She needed a job. I needed a girlfriend. Dad has been bugging me for a life partner because he knew then that he was... dying." Nase-sense ko naman na nahihirapan siyang sabihin ang salitang 'yan pero tinuloy pa niya. "Then you hired her as your girlfriend?" pangunguna ko. It sounds cliche pero nakikini-kinita ko nang ganoon nga nangyari. And my thoughts are confirmed by that small smile I see on his face. "And you fell for the act?" sabi ko. "Kasalanan ko rin naman kung bakit siya nawalan ng trabaho. She was working, as a coffee shop barista somewhere in Makati. I guess she was intimidated by how I asked for my order. She gave me a slice of Blackforest Cake instead of a Blueberry Cheesecake. And I asked the manager to fire her for that." Nanlaki ang mga mata ko. "Paano ka naman nagkaroon ng karapatang gawin 'yon?" "Well, first and for most, I waited fifteen minutes only to get the wrong product. Second, I was having a bad day..." "That doesn't give you a right to—" "And third, I own the coffee shop. It was her first time serving me because it should always be the guy barista who was unfortunately not around that time. Naniniwala talaga kasi ako na ladies couldn't do their jobs when intimidated. And a lot of people are pretty intimadated by me. 'Yon ang iniiwasan kong mangyari. Kaya nga naaalala ko siya lagi sa Blackforest Cake." Truth is, may mga private jokes din siguro ang mga lalaki na sila lang ang nakakaintindi. Kagaya na lang ng kung paanong naihahambing ako ni impakto sa Triple Chocolate Mousse na ni minsan ay hindi ko naintindihan, para kay Ichiro, si girl, Blackforest naman. "Masyado kang mysoginistic." "I'm a realist, Ariel." "Dapat lang talaga na Blackforest ang ibigay sa'yo." Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit naman?" "Para malaman mo naman na kahit mayaman at intimidating ka, hindi pa rin dahilan 'yon para makuha mo lahat ng gusto mo sa mundo." "Malinaw naman sa'kin 'yan. Parang kagaya ngayon. I can't have both Dad and Mickey in my life. Simula nalaman ni Dad na binabayaran ko lang si Mickey para magpanggap na girlfriend ko at magpanggap na nanggaling sa mataas na pamilya, he immediately ordered his men to keep an eye on us. It could've been the end of it for me. Pero no'ng binalik ni Mickey lahat ng binayad ko sa kaniya nang buo, that's when I knew that she fell for me, too." Saktong itatanong ko pa lang, biglang bumukas 'yung pinto. Isang pamilyar na babae ang pumasok at nagpabalik-balik ang tingin niya sa'min ni Ichiro. Promise, kilala ko 'to. Parang nakita ko na siya. "Anong ginagawa mo dito?" matahimik na tanong ni Ichiro. May LQ siguro ang dalawang 'to. "'Di pa ba obvious? Syempre nag-aalala ako." "Ngayon nag-aalala ka? Anong sabi mo sa'kin kanina? 'Di ba, hindi mo kayang makipag-relasyon sa taong may psychological defect na nga, Daddy's boy pa." "Hindi ganiyan ang ibig kong sabihin, Kitkat. Lahat na lang mini-misinterpret mo. Hindi mo man lang—" "Kung nahihirapan ka, itigil na muna natin. Ganoon lang. Nasasakal ka sa ginagawa ko, okay, I get it, medyo territorial talaga ako at lumaki akong kung ano ang sa'kin, sa'kin lang dapat. I don't share. Alam mo 'yan, Mickey. You of all people." "Paano kung ganoon din ako?" Hindi nakatakas sa paningin ko 'yung pamumula ng mga mata niya at pangingilid ng luha. So this is Mickey. She really looks familiar. "Ayoko rin ng may kahati, Kitkat. Pero tingnan mo naman? May kasama ka ng iba. Parang ako pa rin 'yung nakikihati sa atensyon mo kahit fiancé mo na ako." "Whoa. Wait lang. I feel like I'm interrupting something. Iwan ko muna kay—" "No. You stay right there. You're not going anywhere," pag-pigil ni Ichiro sa'kin. Okay. Naiipit na ako sa sitwasyon na 'to. Hindi ko naman alam kung ano ang pinag-awayan nila, e. "Look. Babae din ako. And I hate it when guys display attitude like this towards women. Kapag ginaganiyan ako ni Eric, alam mo bang gusto ko siyang dukdukin sa ulo? Ayaw namin ng hindi kami pinapakinggan. Kaya kung hindi mo kayang gawin 'yon para sa fiancé mo, ayokong manuod sa away niyo." "What? Pinagtutulungan niyo 'ko?" "Hi, I'm Ariel. Ichiro's sister. Pleasure to meet you," I say to her, extending a hand, completely disregarding Ichiro. Inabot naman niya ang kamay ko. "Sandali..." Sa paraan ng tingin ni Mickey, parang napapamilyaran din siya sa'kin. "Ma'am, kilala ko kayo. Ang a-akala ko po... Caramel ang pangalan niyo." And that's when it hit me. My brother's fiancé is none other than that barista from Tiffany's.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD