S q u a r e T w e n t y - T w o ( S H E )

2791 Words
Tama talaga ako sa desisyon kong puntahan si ate Yomi. Wala man lang siyang kasama sa malaking bahay na 'to. Kakalbuhin ko talaga 'yang si Jace kapag nakita ko 'yan, e. "Hayaan mo na, Fishy. Napaaga lang ang uwi ko. May pinabibili rin kasi ako kay Jace kaya nagtagal 'yon." Buti na lang at mahal na mahal ni ate Yomi si Jace. Kung si Eric siguro ang gumagawa sa'kin nitong ibabahay ako tapos hindi ako sasamahan, naku! Tss. Syempre, hihintayin ko rin siya. Mahal na mahal ko kaya 'yon. Ano ba naman kayo? Akala niyo naman diyan iiwan ko na agad si Eric. Char! "Sasama kayo sa BME?" tanong ko kay ate Yomi habang nagbubutingting ng mga dress sa closet niya tapos siya naman, may hinahanap na kung ano sa drawer. "Pinapapunta ko nga si Jace, e. Ang sama kasi kanina ng pakiramdam ko. Kaso itong asawa ko naman ayaw daw magpunta na walang date," umiiling na sagot niya. Natawa ako bigla. "Ewan ko ba sa magkapatid na 'yan. Si Eric din, ayaw daw pumunta nang walang date. Feeling teenager." Tumigil din siya sa ginagawa niya at nagkatinginan kami. "Pustahan, kinilig ka," pigil-tawang akusa niya. "Leche! Anong kinilig? Nabwiset kaya ako. Ang daming tao kanina no'ng niyaya niya ako," pag-tanggi ko naman kahit alam kong tinatraydor na ako ng mukha ko dahil siguradong namumula na naman ako. TAE NAMAN KASI 'TONG IMPAKTONG 'TO. ANG DAMING TAO KANINA SA ELEVATOR, E. GAAAAH! "O, baka hindi ka na makahinga sa kakiligan diyan," pang-aasar pa ni ate Yomi. Umupo ako sa kama niya at minasdan ko lang siya sa ginagawa niya. "Ate Yomi, buntis ka ba?" Tumigil siya ulit at tumingin sa'kin. Ang tagal niyang nakatitig lang, as in walang imik. Ako naman, si tangang naghihintay lang sa sasabihin niya. I'm beautiful in my way 'Cause God makes no mistakes I'm on a right track, baby I was born this way Nagulat kaming pareho sa pag-ring ng phone. I'm like, really? Born This Way? "O, si Cash," nagtatakang sabi ni ate Yomi bago sagutin ang tawag. "Hello?" Na-curious din ako kaya nag-abang ako sa susunod na sasabihin niya kasi may iba sa expression ng mukha niya. "ANO?! SAAN?!" OH MY GOD. AYAN NA. Sabi ko na nga ba, may kakaiba. Kinabahan ako bigla at hindi ko naiwasang magtanong... "Ate Yomi, bakit daw?" Sumenyas si ate Yomi ng 'sandali' tapos napatingin ako sa phone ko. Nagtext na ako kay Eric na in one hour, aalis na ako dito. Iniisip ko kasing baka wala na akong battery mamaya, 5% na lang 'to, e. Manghihiram na lang siguro ako ng charger kay ate Yomi. Tumayo ako at lumapit kay ate Yomi. Balisa siya habang nakikinig sa kung sino man ang nagsasalita. "Tapos?" At nakinig ulit siya. Nangingilid na ang mga luha niya kaya lalo akong kinabahan. Ano kaya ang nangyari? Sana naman okay lang si buko. "Bakit kasi..." Napahawak si ate Yomi sa dibdib niya. Akala ko matutumba siya kaya inalalayan ko siya paupo sa kama niya. "Nasaan kayo? Pupunta kami diyan. Hindi pwedeng hindi malaman ng mga magulang niya 'yan," narinig kong sabi ni ate Yomi. "Kahit na! Hintayin niyo kami." "Ano daw?" nag-aalalang tanong ko agad nang ibaba niya ang tawag. Napapikit si ate Yomi na parang may masakit sa kaniya. "Si Cash na-ospital." "ANO?!" ako naman ngayon ang sobrang maka-react dahil narinig kong malinaw, NA-OSPITAL. Ibig sabihin, may nangyari kay Cash. "Hindi makapagpaliwanag nang maayos 'yung bestfriend niya sa phone," kalmado nang sagot ni ate Yomi habang nagsasapatos. "Tawagan mo nga si Jace." Pagtingin ko sa phone ko, off na pala. "Battery empty ako, ate Yomi," kinakabahang sagot ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, sobrang kinakabahan ako kasi wala akong idea kung malala ba o anong nangyari. Tae. "Ito na gamitin mo," inabot niya sa'kin 'yung phone na ginamit niya. "Kay Jace 'yang phone na 'yan. Hanapin mo 'yung number ko, 'yon ang tawagan mo. Magba-bra lang ako." Nanginginig ang mga kamay ko habang tumatawag kay Jace pero unattended siya. Kaya sinubukan kong tawagan si Eric. TAKTENG MGA CELLPHONE 'TO. Kung hindi lowbat, unattended. Kung hindi unattended, ayaw naman sagutin! Kung phone ko siguro 'to, naibato ko na, e. Mga ilang beses kong sinubukan na tawagan si Eric, at least malaman man lang niya na someone is trying to reach out in here. Pucha, pakiramdam ko nga, hihimatayin na ako sa bilis ng kabog sa dibdib ko, e. But to no luck, hindi talaga niya sinasagot. Pagbaba namin ni ate Yomi, saktong kararating lang ni Jace at nagmadali naman siyang ilabas 'yung sasakyan nila para mapuntahan namin agad si Cash. Pagdating sa ospital na hindi naman kalayuan sa BGC, nakasalubong na namin ang isang pamilyar na babae sa lobby pa lang. Si Michelle. Umiiyak din siya at napayakap siya agad kay ate Yomi. Niyakap niya rin ako pero hindi naman ako nakapalag kahit nailang ako. "Doktora, ayaw niyang magpagamot. Oh my gosh, hindi ko na alam gagawin ko," umiiyak na sabi niya kay ate Yomi. Hindi ko alam kung tama ako na may nakita akong hint ng galit sa mga mata ni ate Yomi habang nakatingin kay Michelle. "Nasaan siya?" tanong ni ate Yomi sa seryosong boses. Sinundan namin si Michelle at lahat kami, kinakabahan man ay nananahimik lang. Pagkarating sa ER, sumalubong sa'min ang imahe ng duguang pasyente habang pilit na nilalayo 'yung mga kamay na gustong gumamot sa kaniya. Si Cash. "Cash!" halos sabay na sigaw namin ni ate Yomi at nilapitan namin siya agad. May dugo sa noo niya, marami, at tumulo na 'yon sa suot niya, naka-uniform pa siya. Meron din sa gilid ng labi at may malaking pasa siya sa panga. "Hindi niyo 'ko kailangang lagyan ng emergency sedation. Bakit ba ayaw niyong maniwala na hindi ko kailangan niyan?" narinig kong pag-angal ni Cash habang pinipigilan ang isang nurse na lumapit sa kaniya. "Cash naman, kung ayaw mong ma-sedate, please lang makisama ka. Ipalinis mo 'yang mga sugat mo," sagot no'ng nurse na sa tingin ko ay kakilala niya rin. "Sino ba'ng nagsabing kaladkarin niyo 'ko dito? I told you, I'm fine. Doc, alam mo 'yan," tumingin siya sa isang doktor na nakatitig lang sa kaniya at mukhang mainit ang ulo sa katigasan ng ulo niya. "Hindi ako nahihilo, I'm fine. Really. I can feel the pain and we both know that it's a good sign of consciousness," pagdadahilan pa niya sa doktor. "Mamili ka, gagamutin ka namin dito ngayon o isusumbong kita sa Papa mo?" may halong pagbabanta na sagot ng doktor. Biglang napa-buntong hininga si Cash. "Kahit naman pumayag ako o hindi," tumigil siya saglit para kunin ang injection na hawak no'ng nurse na kanina pa niya pinipigilan at binawasan ang content nito. Nagulat ako nang isaksak niya 'to sa sarili niyang pulso. "...sasabihin niyo pa rin sa Papa. O, sige na, Doc. Basta ayusin niyo 'yung tahi para hindi makabawas sa pogi points." Nagawa pang magbiro ng baliw na 'to! Lumapit na sila sa kaniya at nag-umpisang gamutin ang mga sugat niya. Tatlong nurse na babae at isang doktor na lalaki ang nakapalibot kay Cash. Pinagmasdan ko silang mabuti sa ginagawa nila. Hindi ko alam kung anong nangyari pero ang mahalaga, pumayag na siyang magpagamot. Nakatayo lang ako sa isang sulok habang nanunuod kasi hindi ko rin naman masyadong makita dahil nga nakapalibot sila kay Cash. "Naomi!" narinig kong sigaw ni Jace kaya napalingon agad ako. "Ate Yomi!" sigaw ko rin. Feeling ko, mamamatay ako sa atake sa puso ngayon. Pagkatapos ng nasaksihan kong itsura ni Cash nang dumating kami, ngayon naman, nandito ang walang malay na si ate Yomi habang buhat-buhat ni Jace. "Doc, ako na dito. Pakiuna na lang si buntis," kalmado lang na sabi ni Cash at salamat naman dahil pinakinggan siya ng doktor. Inalalayan ng doktor si Jace na buhatin si ate Yomi sa isang hospital bed. "Okay lang po ba siya?" nag-aalalang tanong ko sa doktor. "Ariel, can you keep an eye on Cash? 'Wag kang mag-alala kay Naomi. Normal lang 'to sa kaniya, sa stress siguro dahil na rin buntis siya. Ang mahalaga, magamot ang isang 'yan at pagtatakpan pa natin 'yan sa Papa," mahinahong sabi ni Jace. Hindi ko maintindihan kung paano nila nagagawang kumalma habang ako, ito, konti na lang mahihimatay na rin ako. Naglakad ako pabalik sa kung saan naka-pwesto si Cash at kahit anong pilit kong panuorin ang ginagawa niya, ako na 'yung kusang nag-iiwas ng tingin dahil bawat dampi ng bulak sa sugat niya, pakiramdam ko ay sobrang sakit. Paano niya nagagawa na siya pa mismo ang nag-gagamot sa sarili niya? At dahil nga hindi ko na nakayanan ay nagpaalam na ako sa kanila para maghintay sa labas ng kwartong 'yon. Stressed na stressed akong naupo sa upuang katabi ni Michelle na nasa labas lang din ng pinto. "Kumusta siya, ate?" "Maliban sa mga pasa, pumutok na labi, sugat sa mga braso, duguang ulo, at hindi ko alam kung saan pang pinsala sa katawan ay sa tingin ko naman, mabuting-mabuti ang lagay niya," walang emosyon na sagot ko. Narinig kong lalong umiyak si Michelle kaya tumingin ako sa kaniya. May pasa din siya sa kaliwang braso niya at may cast sa kanang kamay. "Ano bang nangyari?" tanong ko. Hindi na rin akong nag-abalang patahanin siya kasi sa totoo lang, baka pati ako mag-breakdown. "K-kasi si Alistair... Nakita kasi ni Cash na napisikal ako ni Alistair. Kasalanan ko rin naman, ate. Ayan. Sila tuloy ang nag-pang-abot." Gusto ko pa sanang magtanong kasi may mga gusto akong malaman. Kaso nawalan ako ng boses. Parang tae lang akong nakatingin sa kaniya. Ewan ko kung saan pa dinadampot ni Michelle 'yung lakas para magpaliwanag kasi kung ako lang, baka nahimatay na rin ako kanina pa. "Gusto na ni Alistair na layuan ko si Cash. I can't do that..." Tinaas ni Michelle ang mga binti niya at niyakap ang mga ito. Kahit naka-subsob na ang mukha niya sa mga braso niya, malinaw pa rin ang pagkakarinig ko sa mga hikbi niya. "I can't do that to him. It will break him. Not with the MCAT coming and all, baka parehas na maapektuhan ang examinations namin ni Cash kapag nag-layo kami..." Finally, nahanap ko rin ang lakas para magtanong. "Ikaw bang babae ka, mahal mo ba ang bunso naming 'yan?" Inalis niya ang ulo niya sa pagkakasubsob. Ngayon ko lang napansin na ang payat pala nitong si Michelle. "As bestfriend lang po talaga," mahinang tugon niya. "Alam mo kasi Michelle, hindi naman na tayo elementary para mawalan ng muang sa paligid natin. You know damn well that he's into you. Kung hindi mo naman mahal si Cash, then don't lead him on. Ayaw kitang sermunan pero nakikita mo ba ang epekto sa kaniya?" Siya naman ang hindi nakasagot pero mas lumakas pa ang iyak niya. "Naisip mo ba 'yung boyfriend mo? Naisip mo ba si Cash? Syempre kahit sinong boyfriend maiirita kapag may bestfriend na lalaki ang girlfriend nila kaya ang ending, sila't sila rin ang laging mag-aaway." "Buko, tama na 'yan. Okay na ako, o." Sabay kaming napalingon ni Michelle sa pinto kung saan nakasandal si Cash at nakangisi na akala mo, wala siyang sugat at pasa sa lahat ng posibleng paglagyan sa katawan niya na nakikita namin. "Buko!" Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya agad. Narinig kong parang nag-wince siya, siguro kasi may natamaan akong sugat o ano. Kaya napalayo ako agad at nag-aalalang tumingin sa kaniya. "Okay lang. Halika nga dito, natatawa ako sa pag-aalala niyo," tumatawang sabi niya sabay yakap sa'kin. At ito na naman akong mukhang engot na umiiyak. Nakakainis naman kasi siya, lahat ng sakit, dinadaan niya sa tawa. "'Wag ka na ngang umiyak, buko. Baka si James naman ang sunod na bumugbog sa'kin niyan." Kumalas ako at pinunasan ang mukha ko. "Ikaw talagang bata ka. Nakabawi ka naman ba, ha?" Lalo tuloy siyang tumawa sa tanong ko. "Nasa private room na si Alistair. Walang malay. Ako pa ba?" Lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinagot niya. "ANO!?" "Uhm... Cash, uuwi muna ako. Mukhang... m-mukhang okay ka na naman. Maiwan na muna kita," pag-singit ni Michelle at nagmamadaling tumalikod na para umalis. "Wait lang, ha," mahinang sabi ni Cash sa'kin at saka sinundan ang babaeng nagmamadaling maglakad. "Che, sandali lang," pagtawag sa kaniya ni Cash. Pakiramdam ko ay nakakaistorbo ako sa kanila kaya kahit nag-aalala pa rin ako sa huling sinabi ni Cash, naglakad ako pabalik sa ER para tingnan ang lagay ni ate Yomi. "Si Cash?" bungad ni Jace pagkatapos ibaba ang phone na parang may kinausap. "Kausap 'yung kaibigan niya," simpleng sagot ko. "Kailangan nating umuwi sa bahay ng Papa," parang kinakabahang sabi ni Jace at biglang nagdatingan ang dalawang nurse na may dalang wheel chair. Habang nasa likod ng sasakyan at nakaunan sa lap ko si ate Yomi na wala pa ring malay, kinakausap ni Jace si Cash. Natuwa naman akong hindi niya sinermunan 'yung bata pero sinabihan niyang maghanda na daw dahil nakarating na sa Papa nila ang balita. Naalala ko bigla si Eric. Sa tingin ko, nag-uumpisa na ang function ngayon kaya tiyak na nag-aalala 'yon. Tae, hindi pa pala ako nakakapag-paramdam pero sigurado naman akong maiintindihan niya 'to kapag nalaman niya. 'Di bale, charge ko na lang agad 'yung phone ko pag-dating. After texting Eric na male-late ako, I plan on changing my clothes at ate Yomi's dahil konting lakad lang naman 'yon mula dito. Iniwan ko muna ang phone ko sa kwarto ni Eric. Pero pagkababang-pagkababa ko, una kong nasaksihan ang commotion sa first living room ng mga Fuentebella. "What the hell did I tell you about minimizing your publicity?!" Walang laban na sinapak ni Mr. Fuentebella ang anak niya sa mukha at nakita ko rin na nagbukas ulit ang mga sugat ni Cash kaya dumudugo na naman. Nagmadali akong maglakad pababa, muntik pa akong madapa. Nasaan na ang ibang tao dito, jusmiyo?! "Tito!" sigaw ko at saka dumiretso para itayo si Cash. "Nakakahiya, Jack Ervin. I am the Mayor of this City and people are starting to talk about my son being blottered for Serious Felony Assault, Battery, and Grave Threat. Papatayin mo ba talaga kami ng Mama mo sa konsumisyon, ha?!" Hindi kumikibo si Cash at nakita kong susuntukin siya ulit ng Papa niya kaya gumitna ako, and he ends up hitting my shoulder instead. Napa-aray ako sa sakit pero hindi ko na masyadong naisip 'yon kasi si Cash, parang hindi na makatayo at nakapikit na siya habang nakahawak sa ulo niya. Kung ako nga nasasaktan na, what more si Cash? "What the hell, Ariel?!" Lumapit naman agad 'yung Papa niya sa'kin at inalalayan ako. Ako. As in wala siyang paki kung mapatay niya ang anak niya sa pambubugbog. Hindi niya ata inaasahan na bigla akong papagitna sa kanila. "Cash? Cash, wake up!" umiiyak na pag-tawag ko sa kaniya. Ngumiti lang si Cash bilang sagot and he passes out then, at saka lang dumating si Jace at ang mama niya para tulungan akong ibangon si Cash. "Romulo, ano ka ba naman!" umiiyak na sermon ng Mama nila sa Papa nila. Hindi nakasagot ang Papa nila kaya sinamantala ko 'yon para magsalita. "Next time po bago niyo saktan 'yung anak niyo, magtanong muna kayo sa sarili niyo if being the youngest but getting the least attention isn't punishment enough." Nagpunas ako ng luha, we're standing in the middle of the living room, supporting Cash. "Alam niyo po bang napa-away ang anak niyo for caring too much? Dahil naka-witness siya ng isang lalaking nanakit ng babae kaya pinagtanggol niya? If you had a daughter and it happened to her, wouldn't you rain Cash with glorious gratitude for being your daughter's hero?" "Buko..." pagpigil naman ni Cash habang nakapikit pa rin. Kaya pala hindi siya ganoon kabigat, gising pa pala siya. "Just for your information, Mr. Fuentebella, Cash has been worried that he's not enough for you as a son. When will you see his efforts to impress you? Because I have plans of marrying a Fuentebella, and I sure do hope that my son doesn't get a treatment like this from his father. Sana lang ho, hindi nakuha ni Eric 'yang ganiyang side niyo. No offense meant." Kung nandito si Eric, alam kong siya ang magsasalita para kay Cash because Jace is too terrified to do that. At dahil wala si Eric, someone has to stand up for Cash. And I wouldn't mind if it cleans his reputation. "Salamat, ha?" garalgal ang boses na sabi ni Cash nang maingat namin siyang ihiga sa kama niya. Bago pa ako makatayo, niyakap niya ako and he starts telling me about the pain he's going through. Hindi ko rin napigilang maiyak lalo sa mga emotional outburst niya. My poor little brother.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD