"No... I have to be really quiet because my fiancé's sleeping... Just temporarily closed... No, just the bank... Until I find another worthy manager, of course."
Hindi rin kinaya ng pride ko. Kailangan kong kumain or else mamatay ako sa gutom. Dahil hindi ko rin ginalaw 'yung dinala ni Eric kaninang pagkain, lumamig na lang 'yon at kinuha niya ata ulit habang tulog ako. Marahan akong lumabas sa kwarto at saktong nasa kitchen si Eric. Kahit nakapatay ang ilaw, naaaninag ko siyang nakaupo sa metal stool, may hawak na wine glass at may kausap sa phone. Nakatalikod din siya sa'kin.
"Just let them know about it tomorrow. Double your efforts in researching, okay? Thank you, Pamela."
Si Pamela pala ang kausap niya. At sa narinig ko, parang temporarily, isasarado pa ata nila ang bangko. Feeling ko, kasalanan ko 'to. Pero syempre hindi ako dapat na makonsensya dahil nasaktan din ako sa nalaman ko.
Naglakad ako papunta sa fridge at nagpanggap na hindi siya nakikita tutal madilim naman. Tae, ang lamig ng sahig dito. Lalo na pagbukas ko ng fridge para kumuha ng gatas, mas gininaw ako.
"Why are you still up? It's 2am."
Kahit pa alam kong nandito siya, nagulat pa rin ako na bigla siyang nagsalita. "Nagugutom ako." There. I said it.
Inaasahan kong sesermunan niya pa 'yung katigasan ng ulo ko. Na masyado kasi akong ma-pride at pati pagkain, hindi ko pinapansin kanina. Pero tumayo siya at lumapit sa'kin. "Anong gusto mong kainin?"
Nahiya tuloy ako bigla. Pero kasi kapag sikmura ko na 'yung nagreklamo, nahihirapan akong tanggihan. "Iinom na lang ako ng gatas. Wala rin naman akong ganang kumain ng kahit ano. Gusto ko 'yung madali lang kainin. Baka mabigla kasi ang tiyan ko, e."
"Just sit right here. I have an idea."
Hindi na ako pumalag no'ng hinawakan niya ako sa kamay at dinala sa pinag-upuan niya. Narinig ko siyang nag-sniff. Yumuko siya para isuot sa mga paa ko 'yung indoor slippers na hinubad niya. Minamasdan ko siyang naglalabas ng kung ano sa fridge, sa cupboard, tapos binuksan niya 'yung ilaw sa burner. Ang sexy talaga nito ni Eric kapag nagtatrabaho sa kusina. Tapos naka simpleng tshirt na puti lang siya at boxer shorts. And bare feet, too. Feeling ko tuloy, I'm no longer hungry for food.
This is frustrating. Humarap na lang ako sa mesa bago ko pa siya manyakin at napansin kong may upos din ng sigarilyo dito. Napukaw agad nito ang atensyon ko. "Nag-yosi ka?" wala sa loob na tanong ko.
"Kay Cash 'yan. He was here. I called him for counseling."
'Yung galit ko kay Eric kanina, parang nawala bigla dahil sa narinig ko. Totoo ba 'to? Lumapit siya kay Cash? He's finally taking advice from his brother and considers him as his counsel. "What did he say?"
"That I was wrong. That I should've asked you first. That it's just reasonable of you to be mad at me."
"And?"
"He asked me to do the things that will make you feel secure."
Nakaamoy ako ng chocolate. Ewan ko kung ano'ng niluluto na naman nito ni Eric but I'm definitely drooling. "Ano naman ang naisip mo?" I ask nonchalantly.
"For starters, I apologized to Cash for everything that I did. And a lot more plans in my mind to surprise you."
Hindi na ako nagsalita hanggang sa lumapit na siya sa table para ihain ang ginawa niya. Isang bowl ng strawberries, tapos isang bowl din ng melted milk chocolate. Tumingin ako sa kaniya.
"Dip the cold strawberry in melted hot chocolate then eat," maikling paliwanag niya.
Nang hindi ako kumilos, siya na mismo ang gumawa no'n at sinubo sa'kin 'yung strawberry. Pucha para akong nagayuma agad sa lasa. Kung hindi ako nagkakamali, 'yung Cadbury Milk Chocolate 'to na nasa cupboard tapos tinunaw niya.
Nawala na naman 'yung hiya ko. Nag-umpisa na akong kumain. I'm not even halfway through nang linisin niya 'yung upos ng sigarilyo sa mesa at kunin ang phone niya.
"If you need me, you know where to find me. Good night," sabi niya sabay halik sa noo ko. Naglakad na siya palabas ng kusina.
So ganoon na lang 'yon? Tae, akala ko pa naman susuyuin pa niya ako ulit! Naiinis ako kapag ganito ako. Ginagawa na nga ni Eric 'yung sinabi kong 'leave me alone' pero nababanas naman akong ganito kami.
Sa asar ko, hinalo ko na lahat no'ng chocolate sa strawberries at binitbit ito sa kwarto namin ni Eric. Naka-earphones siya no'ng pumasok ako kaya medyo nilakasan ko 'yung pagsara ng pinto para marinig niya at mapadilat siya.
"Can I help you?" pagtataka niya.
"Yes. Lumayas ka sa pwesto ko. Diyan ako sa kanan, 'di ba?" pagtataray ko pa.
Nagtatakang napatingin naman si Eric sa kama pero nag-adjust din siya. Leche iniwan talaga niya ako sa kusina? Ngayon dito ako kakain. Prenteng-prente akong umupo sa kama at sumandal sa headboard.
"Do you want me to... get out or something?" alanganing tanong niya.
"Ba't ka lalabas? Sinundan na nga kita dito nag-iinarte ka pa?" pasigaw na sabi ko.
Nanahimik naman siya bigla tapos tinabi na niya 'yung phone at headset niya sa bedside table. Umupo rin siya at sumandal sa headboard. Kumain lang ako at kahit hindi ko siya tingnan, alam kong tinititigan niya ako.
"Kulang pa ba 'yan? Gusto mo magluto pa tayo ng iba naman?"
Hindi ko siya pinansin kasi paubos na rin 'yung pagkain ko. Ayokong maistorbo at pinaninindigan ko pa rin 'yung inis ko sa kaniya.
"I'll be right outside," sabi niya bigla sabay akmang tatayo na.
Hinawakan ko 'yung laylayan ng tshirt niya bago pa siya tuluyang makatayo at nalagyan 'yon ng chocolate. MARAMING-MARAMING CHOCOLATE. Halos isawsaw ko pa naman 'yung kamay ko sa malaking bowl kaya tila patay-gutom akong kumain tapos mapupunta lang pala sa damit niya 'yon.
Kaya naman napalunok ako nang malakas nang mapansin ang matalim na sulyap niya. Napatingin si Eric sa pinag-hahawakan ko. Patay. Ayaw na ayaw pa naman nito sa messy things. Tapos naka-puti pa siya.
"Saan ka ba pupunta? Iiwanan mo na naman ako?" pangunguna ko bago pa siya mag-umpisang mag-sungit.
"Kanina gusto mong iwanan kita. Ngayon ayaw mong magpaiwan pero hindi mo naman ako kinakausap. Where am I suppose to stand, Ariel?"
"Dito ka lang."
"Fine. Let me at least change my shirt."
"Ayoko. Dito ka lang." Hindi ko binitawan 'yung damit niya. Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak kaya napaungol siya sa sobrang inis. Nagkatitigan kami. Ewan ko rin kung anong problema ko.
"What do you want me to do?" iritadong tanong niya.
And it's time to get even. Nilapag ko 'yung bowl na hawak ko sa table at saka lumapit sa kaniya. I place my knees on either side of his lap, straddling him. I hold him in between my hands kahit may chocolate 'yung kamay ko, and I kiss him deeply on his lips, taking him by surprise. Kanina ko pa gustong gawin 'to simula halikan niya 'ko sa parking. Sa sobrang inis ko, hindi ko na napigilan. Nakaka-frustrate, nakakawala ng p********e. But this is what's happening now and I'm not sorry for taking the first move. Tama sila, na kahit anong kasalanan pa ang ginawa sa'yo ng isang tao, basta mahal na mahal mo, mapapatawad mo agad.
"Ariel..." he murmurs against my lips.
Tinulak ko siya kaya napahiga siya sa kama. I kiss him again and I can feel my own body shivering in sensation. His low groans and the way he runs his fingers through my hair to keep me close is enough to turn me wild on. OMG. I'm such a flirt.
I feel his tongue invading my mouth. Mahihirapan akong tumigil lalo't pinapatulan niya na 'yung ginagawa ko. This is the first time we've been this intimate and agressive. At hindi siya pumalag nang tanggalin ko 'yung tshirt niya. Juicecolored. Ayan na naman ang yummy abs ni Eric. Ito 'yung resulta ng working out every week. Ano pa kaya kung araw-araw?
"Jesus, Ariel. Are we really doing this now?"
Hindi ako sumagot. Ngumisi lang ako at nagtanggal na rin ng pang-itaas ko.
"Oh my God. We're really doing it," narinig kong sabi niya bago ako lumapit ulit sa kaniya for another hungry kiss that starts our first ever one plus one is equal to one.
And now we're beyond the square one.