Aware akong nandito ang best friend kong si Cyrene at kumbaga sa isang mahalay na mag-jowa na nagp-PDA, andito kami ni impakto ngayon at naghahalikan sa harapan niya.
OMG. Harutin mo lang ako impakto.
Tae. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko mailayo ang sarili ko. I'm lost, like literally. Parang first time ko siyang mahalikan ulit. Parang naiwan sa bahay 'yung mga iniisip namin. Parang...
"OMG. Do you really have to do that in front of me? You guys are disgusting!"
I smile against Eric's lips and carefully pull myself away. Nagtinginan pa kaming dalawa na parang mga ungas tapos nagngingitian na parang mga gago.
"Did you really just kiss me in front of my bestfriend?" pabulong na tanong ko habang hindi pa rin maalis ang ngiti.
"Hey, you kissed me back," sagot naman niya na may kasamang ngiting nakakaloko.
"Touché," malanding sagot ko.
Halos mamaga ang balat ko sa tagiliran buong umaga, pag-alis ni Eric sa opisina, sa kakakurot ni Pusheen sa'kin. Kunwari lang daw na naiinis siya pero ang totoo, kinikilig daw talaga siya sa ginawa ni Eric. Lalo na nang i-kwento ko ang surprise proposal. Nagtatampo nga si gaga na wala siya sa proposal ni impakto. E, kung ako nga, wala ring alam.
"Monday ang start mo, ha? Ingat ka. 10am na, medyo traffic. Text mo 'ko kapag nakauwi ka na," paalam ko kay Pusheen bago siya makasakay ng taxi.
Yumakap siya sa'kin. "Ang swerte mo, Pusheen. Sana si kuya Calvin mo mag-surprise proposal din sa'kin."
Nagtawanan kaming pareho at sumakay na siya paalis. She really likes my kuya Fernandez. I wave her goodbye and watch as the cab drives away. Medyo makulimlim at mahangin ngayon. Sakto naman na napalingon ako sa gilid ng building at nahagip ng paningin ko ang itim na Fortuner. Teka, kay Ichiro 'yan, ah?
Hindi ko alam kung bakit parang excited pa akong naglakad papunta sa Tiffany's. Nai-kwento ni Ichiro na kaya siya laging nandito lately, kasi nga, inaabangan niyang lumabas lagi si Mickey. Nagkataon naman na namataan nila ako isang beses na walang kasama kaya sinamantala na nila ang pagkakataong 'yon para makausap ako. Masyado nga lang daw naparami ang nilagay nilang gamot dahil ang balak nila, sa sasakyan lang ako kakausapin ni Ichiro pero tuluyan akong nakatulog no'n. Tinawanan pa nga ako ni Ichiro kasi hindi na raw para pagplanuhan pa ng ilang araw kung kikidnapin lang daw nila ako dahil napakadali ko daw makikidnap kung wala si Eric. Hinampas-hampas ko siya sa braso no'ng sinabi niya 'yon. Ang lagay, e, mukha akong walang kalaban-laban, ganoon?
"Bulaga!"
"What the... Ariel?!"
Gusto kong humalakhak nang halos mapatalon si Ichiro sa panggugulat ko sa kaniya. Sa labas siya nakaupo, may Blackforest Cake sa table at coffee cup, habang nagbabasa sa laptop ng kung ano.
"Grabe 'yung pagkabaliw mo kay Mickey, ah? Hindi kaya mabwiset sa'yo 'yan?" pang-aasar ko pa sabay upo sa upuan na nasa harap niya.
"Shut up." Binalik niya ang atensyon niya sa binabasa niya.
"Alam mo, para mong pinapakita kay Mickey na wala kang tiwala sa kaniya."
"Ariel, please. I know what I'm doing. Kahit magalit na siya, bahala siya sa buhay niya. Wala akong tiwala sa manager niya. Hindi ako titigil hangga't hindi umaalis si Mickey sa coffee shop na 'to. Kung ayaw niyang tumigil sa pagiging barista, sana bumalik na lang siya sa Makati. Hirap na hirap na akong i-balanse 'yung schedule ko."
Hinawakan ko siya sa kamay. "This is the Fuentebella Empire Tower, brother. Lahat ng establishment na nakikita mo sa building na 'to na hindi sa Fuentebella nakapangalan ay either franchise ng Fuentebella o pinangalan lang nila sa iba. My point is, if you're worried about Mickey, let me take care of her for you."
Nakipagtitigan muna si Ichiro. "Busy ka sa company ng fiancé mo. Paano mo gagawin 'yon?"
"Well, it's easier than taking over a business that I don't understand, right? Nasa teritoryo namin si Mickey. I can watch her every move, if it makes you feel any better."
"Alam mo, nagmana ka sa pagiging wager-master ni Daddy, e."
"That or nahawa lang talaga ako sa pagiging wager-master din ng fiancé ko."
Nagtawanan kaming dalawa. Who would have thought na magiging okay din pala kami? We might have just started off with the wrong foot.
"Sige. Akong mamahala ng mga business. Temporarily. Pero hindi ko pwedeng alisin ang pangalan mo do'n, okay? At saka... Nasabi mo na ba?"
"Kay Eric?"
Tumango siya.
"Hindi pa nga, e. Ang dami din niyang pinoproblema ngayon. Mga mayayaman talaga panay business ang iniisip. Kaya 'yon, hindi ako makakuha ng tamang oras para sabihin kay Eric."
"Para sabihin sa'kin ang alin?"
Napatayo ako bigla nang marinig ang boses ni Eric sa likuran ko. Tae. OMG. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba umalis na siya?
"You must be James Eric Fuentebella," sabi ni Ichiro habang tumatayo rin sabay abot ng kamay kay Eric.
Tinitigan lang ni Eric 'yung kamay niya. "And you are?"
Imbes na mainis, napangisi pa si Ichiro habang binabawi ang kamay niyang hindi tinanggap ni Eric. "I have a feeling you already know."
Spell awkward. Hindi ko malaman kung paano magre-react. For starters, gusto kong lumayo dahil nasasakal ako sa tensyon sa pagitan nilang damang-dama ko. Oh s**t naman. Wrong timing.
"Clearly, you don't understand how deep of a trouble you're getting yourself into by being close to my fiancé," seryosong salita ni Eric.
"Oh, please, don't throw off the jealous bones on me. You only know like two percent of the story," seryosong sagot din ni Ichiro.
May kumawalang tawa. Kay Eric pala 'yon. Sa itsura niya, alam kong any moment now, mapipisikal na niya si Ichiro at ayokong mapilitan siyang gawin 'yon sa lugar kung saan kilalang-kilala siya. "Two percent of the story is enough for me to know that your father actually stole you from your biological mother and it's the same thing that he's planning to do to my fiancé. I'm not gonna let that happen."
"I voluntarily left my mother, for your information."
Hinawakan ko sa braso si Eric pero parang hindi niya ako napansin. Nagpatuloy pa siya. "Is that why you've been reported to be missing all these years? Oh come on, Prince Katsuo Ichiro. Mr. Michael San Juan wanted you to be bethrothed to Ariel, that's why he made you the prince of his empire so you can get married to his princess when the right time comes."
"WHAT?!" sigaw ko. Pero deadma lang sila.
"Listen. You know nothing about my family or your fiancé's. So I suggest, if you don't want me to say something that Ariel wouldn't want to hear, stop meddling and pretending you know everything when you're not even halfway done reading the first page," may pagbabanta ring sabi ni Ichiro.
Make that two. Dahil pakiramdam ko, parehas silang nagkakapikunan sa mga palitan nila ng salita. Oh gosh. What's happening?
"Excuse me?" si Eric.
Napangisi ulit si Ichiro. "You and I both know what's going on in your bank, Mr. Fuentebella."
"Let me be clear on this, Mr. San Juan." Akala ko, sasapakin na ni Eric si Ichiro kasi bigla siyang humakbang palapit. 'Yun pala, para face-to-face sila. Tae. Pinagtitinginan na kami ng mga tao at ang iba, may hawak pang phone na tila kinukuhanan sila ng video.
"Can someone please tell me what's going on?" I quietly say.
"I don't freaking care what you told my fiancé is your business with her," Eric continues, disregarding me, "but I don't feel comfortable with you, being close to her, when you're not at all even blood-related to each other. Stop. Stalking. My. Fiancé."
I feel like I'm about to faint. "Is that true?" halos hindi makapaniwalang tanong ko kay Ichiro.
"You know that's not my intention, Ariel," Ichiro says.
"Would you trust this guy you just met over me, Ariel?" may halong pangungonsensyang tanong ni Eric.
"Over you?" Ichiro interrupts in disbelief. "I'm sorry, Ariel. I can't keep my mouth shut about this anymore." Tumingin ulit siya kay Eric. "You know the tension going on between Ariel and her step-sister, Aurora. Have you told Ariel about your decision in making her beloved sister the head of your bank?"
Tumigil ang t***k ng puso ko pagkarinig ko nito. At kasabay ng pananahimik ni Eric na nag-kumpirma ng mga sinabi ni Ichiro, halos gumuho ang mundo ko. Napatitig ako sa kaniya. "Eric?"
Nakatitig sila sa mga mata ng isa't-isa. Walang nagsasalita. Naramdaman ko na lang na may tumutulong luha mula sa mga mata ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa nasasaktan ako o dahil nagagalit ako. At hindi ko rin alam kung kanino.
Unconsciously, naglakad ako palayo sa kanila. Narinig kong tinawag nila akong pareho pero hindi ako lumingon. Instead, tumakbo ako. Papasok sa building at palayo sa mga taong sinusubukang kontrolin ang buhay ko. I can't have two control freaks in my life. Mababaliw ako. I can't believe how naked I could get in the eyes of these people. Like in a snap, they can see what I'm doing. Pero ako, ano? Walang kamalay-malay sa mga totoong pangyayari. Like the fact na hindi kami blood-related ni Ichiro ayon kay Eric matapos akong magtiwala sa kaniya na parang totoong kapatid. And how Eric hired Aurora as the head of his bank which I never approved off. Now I know, doon ako nasaktan sa part na 'yon.
Tahimik akong umiyak sa loob ng bathroom ng LMD floor. Anytime now, mahahanap na ako ni Eric. What will I say to him? What will I ask? Do I need to apologize for not telling him about my situation? Or do I need to punch him for keeping the truth about Aurora?
May nalalaman pa siyang pagtanggi sa phone no'ng kausap niya si Pamela. Siguro dahil nandoon ako kaya hindi siya maka-oo. Kaya pala ang sweet ng hayop na 'to ngayong umaga. Kasi alam niyang may kasalanan siya.
+639178887445 (Unregistered)
Where are you? I'm sorry, Ariel. Please know that I don't even have any intentions of ruining your trust. It's just... It would have been easier to make you believe I'm your brother. And you know I'm engaged, too. Dad wanted me to convince you into marriage, Ariel. We both know we can't do that. I'm so sorry. Please give me another chance.
Another chance. What for? Tinanga nila ako ni Eric. Ang dami nilang nalalaman tapos tinago nila sa'kin. Alam nilang masasaktan ako pero nagsinungaling sila.
Lumabas ako sa cubicle na pinag-iyakan ko at humarap sa malapad na salamin. "Aja, Inoue. Kaya mo 'yan. Umuwi ka sa mga kuya mo and spend some time away from these people. Spend some time with the normal, uncomplicated ones," sabi ko sa sarili ko.
Inayos ko ang damit ko at nagmartsa palabas ng bathroom. Nakita ko agad 'yung nagkukumpulang grupo sa hallway.
"Boss, I swear, we didn't notice her anywhere here."
"Then find her! The CCTV will never lie, you ninnies. Iisang tao, hindi niyo mahanap?" boses ni Eric.
Nang may isang makapansin sa'kin, kinalabit niya ang kasama niya at lumingon din. Hanggang sa maging chain reaction at makaabot kay Eric. Making way for him, nakita kong una 'yung pag-aalala sa mga mata niya and this is what I hate. Ayokong makitang nag-aalala siya matapos niya akong pagsinungalingan.
"Where have you been?"
Nang tangkang sasalubungin niya ako ng yakap, umiwas agad ako at sa tingin ko, na-gets niya 'yon agad kaya napatigil siya.
"The show's over. Get back to work or you're fired," sabi ko sa mga empleyadong nakatanga na tila ba nag-aabang ng glorious scene sa muli naming pagtatagpo ni Eric. Sorry, guys. Walang forever ngayon. Balik kayo bukas.
Tila nagitla din ang lahat sa sinabi ko. Na para bang naging female version ako bigla ni Eric sa pagiging masungit sa kanila ngayon.
"Ariel..."
"I have to leave the office to Regis today. I have an emergency to attend to," maikling paliwanag ko sabay lakad paalis.
Pero syempre hindi na niya hahayaang may maganda akong walk out sa pangalawang beses kaya hinarang niya ako sa tiyan sabay yakap. "No. We're going home, and we'll talk about this."
"I would rather stay at work than get in an enclosed room with you right now." Tinulak ko siya nang maingat palayo. Ayoko na rin kasing umiyak dahil parang tanga. Naglakad na ako papunta sa elevator.
"Fine! Mas gugustuhin ko nang nandito ka sa trabaho kesa hindi ko alam kung saan ka hahanapin. If I get off of your shoulders now, can you promise me you'll be staying here in the office?"
Humarap ako para titigan siya. "And if I don't? What's the worse you could do?" I taunt.
"Ariel naman. Pwede bang pakinggan mo man lang muna 'yung side ko?"
"I have heard enough, Eric. If we're done talking shits here, I have work to do."
Sarado ang station ko the whole day habang sinusubsob kong pilit ang sarili ko sa trabaho. Kahit pa sa kabila ng pagiging claustrophobic ko ay natiis ko ang ganitong sitwasyon kesa makakita ng impakto. Literal na naglagay na ako ng walls sa paligid ko. Tahimik sa opisina at tanging taps lang sa keyboard ang maririnig. Mukhang ang parehong epekto ni impakto sa kanila ay nagiging epekto ko na rin. We only communicate through InstaChat, a chat room for all employees, to avoid unnecessary noise. Kahit sa lunch break, nanatili akong nasa station ko para makaiwas sa mga tao.
It's 6:30pm nang may kumatok sa station ko. Napansin ko ngang madilim na. Sa sobrang sakit ng ulo at mata ko, imbes na matakam sa pagkain ay parang mas gusto ko na lang magpahinga kasi lipas na lipas na rin naman ang gutom ko. At kagaya ng inaasahan ko, si Eric ang una kong makikita sa oras na buksan ko ang station ko.
"Let's go home," maingat na sabi niya sabay abot ng kamay sa'kin.
Hindi ako kumibo, hindi ko hinawakan ang kamay niya. Pero naglakad ako papunta sa elevator at sinabayan siya. Sumakay na kami sa sasakyan, hindi pa rin ako nagsasalita. Magpasalamat na lang siya at hindi ako gumawa ng eksenang tumatakbo sa kalsada para lang takasan ang pagiging control freak niya.
"Ariel, talk to me. Please."
Para ipahiwatig na ayoko siyang makausap, sumandal ako sa pinto ng sasakyan para mas malayo ako sa kaniya at saka pumikit. No talking, you asshole.