"Pag-isipan ko muna ang isasagot ko sa iyo, sana maintindihan mo ako." "Huwag kang mag-alala, naman ako nagmamadali. Hindi rin ako magiging hadlang o pabigat sa iyong pag-aaral. At pangako, susuportahan kita," mula sa puso niyang tugon. "Salamat sa pag-unawa mo, Alvin." Ngumiti siya habang pinagmasdan ang maamong mukha nito. LUMIPAS ang mga araw at unti-unti ng gumaling si Alvin Angelo. Nagsimula na rin ang pasukan ni Monica, pagkatapos ng kaniyang klase ay diretso na agad siya sa condo. Ang panliligaw ni Alvin Angelo, ay inilihim pa rin ni Monica kay Lorence. Sapagkat alam niyang tutol ito at ayaw niyang pag-initan niya ito. Ngunit kalaunan ay ipinagtapat rin niya rito ang tungkol sa panliligaw nang kaniyang boss. "Think first, bago mo siya sagutin. Alam mo naman na playboy ang