Chapter 17 CRYSTAL Tulak-tulak ko ang strolly ni Princess, habang palabas na kami sa airport. Sa wakas ay nakarating na rin ako sa France. Kasama ko si William. Siya na ang nadala ng mga maleta namin. Ang sabi niya may susundo sa amin sa airport. Hindi ko nga inaasahan na makarating ako rito sa France. “Marami ba akong trabaho na puwede kong pag-aplayan rito, William?’’ baling ko kay William. “Marami kang trabaho na puwede pag-apply-an rito, Beauty. Lalo na at tapos ka naman sa pag-aaral,’’ sagot naman niya sa akin at ngumiti. “Huwag ka mag-alala dahil dito na ako magta-trabaho. Magkasama pa rin naman tayo. Hindi ko kayo pababayaan ni baby Princess,” dugtong pang niyang sabi sa akin. Natutuwa talaga ako dahil nakilala ko si Dr. William. Baka kung hindi ay tuluyan na akong nasiraan