Chapter 28 REYNOLD Hindi ko inaasahan na makikita ko sa parking lot ang asawa ko kasama ang mga anak namin. Hindi ko rin alam kung bakit kasama niya si Elleana. Hindi ko inaasahan na umalis siya upang sumama sa lalaking iyon. Alam ko na may balak siyang itakas sa akin ang mga anak ko. At iyon ang hindi niya magagawa dahil hindi ako makapapayag na kunin niya sa akin ang mga bata at magsama sila ng lalake niya. Narito na kami ngayon sa bahay. Pinapasok ko na muna ang mga bata sa silid nila dahil gusto ko pang sermonan itong mga Yaya ng aking mga anak. “Sapat na halaga ang pinapasahod ko sa inyo at minsan pa nga ay sobra pa. Tapos hindi niyo man lang mabantayan ng maayos ang mga alaga ninyo?’’ Nag-alala lang talaga ako dahil paano na lang pala kung hindi ako pumunta sa lugar na iyon? Bak