CHAPTER 29 CRYSTAL Nababagot kami ni Princess sa hotel, kaya nagtungo kami sa dalampasigan. Ayaw ko rin dumalo sa opening ng Precious Beauty Supply. Naglalaro kami ng hagisan ng tsinelas. Hindi ko naman akalain na ang tsinelas ni Princess ay tatama sa lalakeng nakaupo. At ang masaklap pa ay si Reynold, pala ang lalaking iyon. Napang-abot na nga kami nila Franko at ang lalake na kasama niya. Nagtataka ako kung bakit tinawag niyang Elleana si Princess. "Franco, sino si Elleana? Bakit mo tinawag mong si Elleana si Princess?" muli kong tanong kay Franco. "Ibig sabihin hindi si Elleana, ang batang ito?" Nagtataka rin na tanong ni Reynold. "Sabi na nga po na ako si Princess at may kakambal ako si baby Precious, kaso namatay ang kambal ko. Kulit-kulit mo naman, Daddy! Ayan kasi mahilig ka sum