Chapter 31 REYNOLD Wala yatang balak si Crystal na ipakilala ako sa anak namin kay Precious, kaya ako na ang lumapit sa bata. "Elleana, ako ang Daddy mo. Ang tunay mong ama," sabi ko sa bata na parang nalilito pa. "Kayo po si Tito Reynold, hindi po ba? Paano ko po kayo naging Daddy?" tanong ni Elleana sa akin. "Siya ang Daddy natin na nalunod sa dagat dahil sisid niya talaba!" sabat ni Princess sa usapan namin ng kaniyang kambal. Nabubulol na nga ito. "Sinisisid po ba ang talaba, Mommy?" inosenteng tanong ni Elleana kay Honey. "Paano ba nasabi ni Princess na nalunod ang Daddy niya dahil sa pagsisid ng talaba? Iba yatang talaba iyon, bro," nakangisi na tanong sa akin ni Franco. Tumingin naman ako kay Crystal, subalit inirapan niya lang ako. Hindi na nga nakasagot si Honey sa tanong n