CHAPTER 32 REYNOLD Alas-tres ng hapon ng dumating ako sa Racing Road kung saan ginaganap ang karera ng motorbike. Alas-tres imedya pa naman magsisimulaang racing. Naghiyawan sina Raydin at Daniel, nang tinanggal ko ang aking helmet. "Akala ko hindi ka sisipot. Kumusta na?" bati ni Gabriel sa akin. Medyo nagulat pa ako nang makita siya. "Oh, nandito ka rin pala? Akala ko hindi ka mahilig sa racing?’’ nakangiti kong tanong kay Gabriel. “Syempre, hindi ako mawawala dahil ako ang sponsor ng karerang ito," nakangiti naman nitong sagot sa akin. ‘’Iba ka talaga,’’ tipid kong sabi sa kaniya at napapailing naman ako. "kumusta ang pagkikita ninyo ng asawa mo?" tanong naman ni Daniel sa akin. "Nakita mo na si Crystal?" tanong agad ni Gabriel sa akin. Tumango-tango ako sa taning ni Gabri