CHAPTER 3

1635 Words
Napakunot-noo si Caridad nang tumunog ang cellphone niya. It was her father calling. Nakapagtataka dahil biglaan ang tawag na iyon. Kung gusto siya nitong kumustahin ay nagpapadala muna ito ng mensahe sa kanya. “Dad?” “We received an email, Caridad. A complaint letter against you. What have you been doing, sweetie? Bakit inirereklamo ka ng customer?” Malumanay lang ang boses ng ama niya. Hindi pa ito nagalit sa kanya kahit minsan. Ganoon din ang Mommy niya. They were always gentle to her. “What complaint letter? Galing kanino, Dad?” May ideya na siya kung kanino galing iyon pero gusto niya pa ring makumpirma mula sa kanyang ama. “The young CEO, Cazcoe Vizcarra. What could you have done to offend him?” Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone nang marinig ang pangalan ng binata. So, he filed a complaint against her, huh. “I’ll forward the email to you. Can you handle this, sweetie? Or should I send someone to fix this for you?” “I can handle this, Dad, thank you.” Tinapos na niya ang tawag at binuksan ang laptop. Naroroon na agad ang email na pinadala ng ama niya. 'To the Management, I would like to formally file a harassment complaint against Ms. Caridad Arinque. She has repeatedly put me in a situation where I felt threatened and intimidated. My privacy has likewise been constantly breached. I hope that the Management will look into this. Thank you.' Kung papel lang ang laptop ay nilamukos na iyon ni Caridad. Nagkiskisan ang mga ngipin niya. Alam naman nito na anak siya ng may-ari subalit nagpadala pa rin ito ng ganoong reklamo laban sa kanya. He deliberately wanted to escalate the issue to her parents! Kuyom ang mga kamaong sumugod siya sa bahay na nirerentahan ni Cazcoe. Sa kanila iyon. Marami silang pinarerentahang bahay pero ang inookupa ng binata ang pinakamagara at pinakamalaki. Dalawang palapag iyon na gawa sa solidong kahoy. Sa pangalawang palapag ay may balkonaheng nakadikit sa master bedroom. Gawa rin sa magandang uri ng kahoy ang barandilya at mga balustre. Malaking pera ang inilalabas ng kung sino mang ookupa sa bahay na iyon. But the amount of money for the rent didn’t even hurt Coe’s pocket. Kaya ang lakas ng loob nitong magreklamo dahil kung tutuusin ay VIP talaga ito. Ilang hakbang na lang ay nasa tapat na siya ng pinto pero nahagip agad ng mga mata niya ang matikas na pigurang nakatayo sa balkonahe. Tiningala niya iyon at naghugpong ang mga titig nila ni Coe. He stood their comfortably. He was proud. Nakasuksok ang mga kamay nito sa magkabilang bulsa ng pantalon. May mapang-inis itong ngiti sa labi. “Hoy, Cazcoe, buksan mo ang pinto at magtutuos tayo!” “Mainit yata ang ulo mo ngayon, Miss? Bad day?” patay-malisya nitong tanong. “Open the goddamn door!” she screeched, pissed off. “Why would I open my door to a crazy woman?” Napabuga siya ng hangin. “Huwag mong ubusin ang pasensya ko, Mr. Vizcarra!” He c****d a brow at her, and painted his lips with a teasing smile meant to annoy the hell out of her. “So, it’s Mr. Vizcarra now? Good.” “Buksan mo na ang pinto! Gusto lang kitang makausap!” “Tungkol saan?” Eksaherado itong suminghap. “Oh! Is it about the email I sent to your parents?” Nanggigigil siya. Gusto niyang lamukusin ang mga labi nito. “That’s what you get for ruining my dates, Miss.” Buong simpatiko pa nitong hinawi palikod ang buhok. Sumilip sa mga hibla ng buhok nito ang liwanag mula sa sikat ng araw. “You will regret this!” “I am not one to regret, Miss.” “Tignan lang natin,” she grumbled then walked away, fuming mad. _____ GUMUHIT ang malapad na ngiti sa mga labi ni Cazcoe nang matanggap ang tugon ng manunulat na si Pablo Ibarca sa ipinadala niya ritong mensahe. Mahigit isang linggo na niya itong pinapadalhan ng imbitasyon sa pakikipag-usap subalit wala itong itinutugon. Pero ngayon ay may natanggap na siyang tugon dito. Pumayag itong makipagkita sa kanya. Oo nga at ito ang nag-imbita sa kanya sa Lansing, West Virginia subalit mahirap pa ring makakuha ng baķanteng oras nito. 'Let’s meet at Castle Tavern. 6PM.' Gusto sana niyang umapila at ibahin ang lokasyon pero hinayaan na niya dahil baka magbago pa ang isip nito. He’ll just have to try his hardest to ignore the she-devil, Caridad Arinque. Baka naman nahimasmasan na ito dahil sa ipinadala niyang reklamo at marahil nga ay napagsabihan na ito ng mga magulang nito. Stalking isn’t just acceptable. And, Dear Lord, the woman was a walking red flag! Hinding-hindi siya papatol sa katulad nito. The woman was obsessed and possessive! He went rafting around 9 in the morning. Hindi nagpakita ni anino ng dalaga. Nakapag-almusal at pananghalian siya nang matiwasay. Halos buong araw ay wala si Caridad. Good. It was a good sign. Dapat pala ay inireklamo niya agad ito. Sayang si Chloe at Sophie. Tsk. Bandang alas singko ay handa na siya. He wore a formal polo and a pair of black corporate slacks. Kulay ginto ang mamahaling relo niya. He combed his brown hair back and applied a little hair spray to keep the style in place but not losing that extra shine. On his feet, he wore a pair of black socks and leather shoes. Kinse minutos bago mag-ala seis ay nasa Castle Tavern na siya. Dumating naman agad si Pablo Ibarca. Sa opinyon niya ay mas mukha itong atleta sa suot nitong puting T-shirt at itim na pantalon. Pablo also wore a cap. He was a freelance writer. Marami ang naghahangad na makuha ito. Paano bang hindi? Lahat ng libro nito kahit saan pa iyan ay palaging dinudumog ng mga mambabasa. Aside from Pablo being undeniably talented, the man can also be very charismatic. Sa totoo lang ay nakikita niya ang sarili niya rito. Charisma and talent can make people gravitate towards you. “Hi! Did I make you wait?” tanong nito. “I’m sure I’m not late.” Sinulyapan pa nito ang relong pambisig. Ngumiti siya. “No, maaga lang akong dumating.” “I see.” Naupo na ito pagkatapos makipagkamay sa kanya. “Nagkita rin tayo sa wakas. Kukumbinsihin mo pa rin ba akong pumirma ng ekslusibong kontrata sa inyo?” “Well, that’s the plan.” Tumawa lang ito at itinaas ang kamay upang sumenyas sa serbidor na dalhan sila ng inumin. “So…” Inilapag niya ang leather briefcase at kinuha mula roon ang kontrata. “Before I read that, let’s wait for my friend first.” Gusto niyang magprotesta. Why did they have to wait for his friend? Ano ang kinalaman nito sa pinag-uusapan nila? Bakit hindi na lang nito pirmahan ang kontrata para makaalis na siya? Huminga siya nang malalim. He didn’t want to appear like an arsehole especially when he needed him to sign the papers. So, fine, they’ll wait for his friend. He faked a smile. “What time will he come here?” pasimple niyang tanong para mabilang niya kung ilang minuto o oras ang kailangan niyang aksayahin sa paghihintay. Irritated, he checked his watch. He’s not the type to wait. He didn’t have that much patience. Kung hindi lang mahalaga sa ikauunlad ng kompanya niya ang talento ni Pablo ay nuncang kakausapin niya ito. “He?” Napangiti si Pablo at kumislap ang mga mata nito. “Babae ang kaibigan ko.” “Oh.” God! Nagsisimula nang uminit talaga ang ulo niya. Magde-date pa yata ang dalawa. Why can’t he just f*cking sign the contract now before his ‘friend’ arrives? “What if you sign the contract now so the two of you can spend more time together?” suhestiyon niya, nakaplaster ang pilit na ngiti sa mga labi. “We have to wait for her because she’s the only reason why I contacted you in the first place.” Nabura ang ngiti niya. Agad siyang kinutuban. Tila may humatak bigla sa mukha niya at napaharap siya sa dako ng pinakapinto. And there he saw a woman in sultry red tight-fit dress with her killer high heels. “O, nandito na pala siya,” ani Pablo, tunay ang pag-aliwalas ng mukha nito habang nakatitig sa dalaga. Wala sa loob na inisang lagok niya ang alak sa basong inilapag ng serbidor sa mesa nila. Tumayo si Pablo at sinalubong ang bagong dating. Inalalayan nito ang dalaga patungo sa mesa nila at pinaghila ito ng upuan. The woman was hot. Yes. Hindi niya itatanggi iyon. But she got a few screws loose in the head. “Hello there, Mr. Vizcarra.” “Hi.” His gaze fell on her hand when Pablo held it possessively. “This is Caridad Arinque. Hanga siya sa abilidad mo. At hindi madaling kuhanin ang paghanga ng isang Caridad Arinque. She said you’re a genius when it comes to handling the business. She has followed your social accounts and bought several books written by your contract writers. Pinabasa na niya sa akin ang karamihan sa nakolekta niyang libro galing CoeWrite, and I couldn’t find anything bad to say. Tunay na dekalidad ang mga ubra nila.” He was speechless. Hindi niya inaasahang pinupuri at hinahangaan ni Caridad ang talento at abilidad niya. Akala niya ay mukha lang niya ang nakikita nito. She wasn’t that shallow after all. “I’m willing to sign the contract,” ani Pablo. “You're making the right decision—” “Only if you stay in Lansing, West Virginia for a few more weeks.” “What?” Sumulyap siya kay Caridad. Nakangisi ito. And then she mouthed in a discreet manner, “You can’t escape me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD