Ikaw ay liwanag sa dulo ng madilim na lagusan. Ang puso ko ay iyo, ikaw na nagbigay kabuluhan sa buhay ko. Kanina pa nakatingin si Cazcoe sa pahinang iyon ng libro ni Magnolia, subalit hindi niya pa rin magawang itiklop ang libro. Sa kung anong kadahilanan ay tila may nadarama siyang kakaibang emosyon habang binabasa ang mga katagang isinulat nito. “Sir,” lapit sa kanya ni Zaldy. “Did you find her?” Hindi siya nag-abalang tignan man lang ang lalaki. “Negative.” Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Cazcoe bago siya nag-angat ng mukha upang matignan sa mga mata si Zaldy. Zaldy knew that his smiles weren’t always real. When he was mad, he would smile, when he’s disappointed or disgusted, he would smile. He would also allow women to flock around him and smile at them, but Zaldy knew that he n