Hindi pa nakuntento at bumaba ng entablado si Cazcoe. Naglakad ito palapit sa kanila ni Pablo. Nakaplaster ang magaang ngiti sa labi nito. Para talaga itong banyagang mananakop na nagbabalatkayong kaibigan. He walked sexily with easy confidence. And only the great Cazcoe Vizcarra would ever have the guts to pause the flow of event like a real VIP. “Please, stay you two. Nagmamadali ba kayong umuwi?” Ngumiti ito kay Pablo, bago bumaling sa kanya upang ipamalas ang makahulugang ngiti. It was the kind of smile that shouldn’t be trusted. “Or is Ms. Arinque avoiding me?” Natilihan siya. “Nagkakamali ka, Mr. Vizcarra. Walang dahilan para iwasan kita.” Nalukot ang ilong ni Pablo at napatingin sa mga taong nakatuon ang atensyon sa kanila. Naiilang ito sa mga matang nakaantabay sa bawat kilos