CHAPTER 5

1663 Words
Hindi si Caridad ang klase ng taong iiyakan ang masasakit na salitang ibabato sa kanya. Nasaktan siya sa mga sinabi ni Cazcoe, pero hindi siya iiyak. Kaya ngayon ay nasa Raft Trips siya at tinatanaw ang binata na nakasakay sa inflatable raft. Coe liked rafting. Kung siya ang tatanungin ay hindi siya pabor sa hilig nitong iyon, kahit pa negosyo nila ang Raft Trips. But who could tame the wild beast Cazcoe Vizcarra? He had a carefree and strong soul. “Coe!” tawag niya sa binata. He was wearing an all black, full wetsuit; exposing the shape of his muscles. Basa na rin ang buhok nitong hinagod nito palikod. Tumingin ito sa dako niya, pero kaagad ding binawi ang mga mata, saka sumimangot. Napangisi siya. Hindi talaga niya matukoy kung ano ang labis na ikinaiinis sa kanya ng binata. Bahala itong mainis sa kanya, basta hindi siya ang tipong basta na lang nasisiraan ng loob. Pinalaki siyang matibay ng mga magulang niya. And although she was pampered all her life, that didn’t make her weak. Her first crush was when she was in fifth grade. Kaklase niya. Sa edad na iyon ay may karibal na siya. So, she gave the other girl a can full of worms. Pumalahaw ito ng iyak at ilang araw na hindi pumasok sa eskuwela. Pinatawag siya ng principal, kasama na ang mga magulang niya. Wala siyang makapang takot. Una, hindi siya ang nagsimula. She gave her a can full of worms, because that crybaby tore a page from her notebook where she wrote the name of her crush. Noong nasa third year highschool na sila ay siya naman ang niligawan ng crush nila. He was her first kiss and the many kisses that followed. Pero hanggang paghahalikan lang sila. She thought they would be together forever. Pero nagsimula itong magloko sa pag-aaral. Ayaw na raw nitong tapusin ang natitirang taon nila sa kolehiyo. They were together from third year high school to third year college, and he didn’t want that life anymore. So, they broke up. After that, she dated a few times, but didn’t work out. Hanggang sa pumasok sa eksena ang isang Cazcoe Vizcarra. “Cazcoe, enjoy!” Umiling lang ito pero hindi man lang bumaling sa direksyon niya. Ang ngisi niya ay napalis nang makita niyang kinausap ng binata ang katabi nitong Filipina. Player! Lahat na lang ba ng makakatabi nito ay popormahan nito? Buong simpatiko pa itong nakikipagngitian sa babae. Iyong babae naman tuwang-tuwa. Nagngingitngit ang kalooban niya, subalit hindi siya umalis sa kinatatayuan. Bago nagsimula ang rafting activity ay kumaway pa siya kay Cazcoe dahil alam niyang sa gilid ng mga mata nito ay nakikita siya ng binata. “Bye, Coe! Make sure you don’t fall and get hurt!” _____ MAKE SURE you don’t fall and get hurt. Ito ang mga katagang sinabi niya kay Cazcoe na tila may kalakip yatang sumpa dahil ngayon ay nasa ospital sila na pagmamay-ari ng tiyuhin niyang Amerikano. Ito ang napangasawa ng tiyahin niya sa ama. Tumaob ang infalatable raft nila Cazcoe at nahulog ito sa ilog. Napakalakas ng agos ng tubig at humampas ang mga binti nito sa malaking bato. Wala itong ulirat ngayon at inaagapan ang napinsalang mga binti. Nakausap na niya ang doktor, ang sabi nito ay baka mahirapang makapaglakad agad ang binata. Tukod-langit ang pag-aalala niya. Hawak ng nanginginig niyang mga kamay ang lahat ng tarheta at ID ni Cazcoe. Malaking dagok sa negosyo nila ang nangyaring aksidente, kaya pinaggalaw ng ama niya ang mga koneksyon nito upang hindi lumabas sa media ang nangyari. Especially because Cazcoe Vizcarra was no ordinary person. Pagdating nila sa ospital kanina ay derecho na sa Operating Room si Coe. Piling mga nurses at doktor lang ang pinayagang pumasok ng OR. Iyong mga pinagkakatiwalaan lang ng tiyuhin at daddy niya. “Caridad.” Tinapik siya ng kanyang ama sa balikat. Bahagya pa siyang napakislot at blangko ang tingin nang bumaling siya sa kanyang ama. “Are you okay?” Mabagal siyang tumango, hindi rin sigurado kung okay lang ba siya. “You like this man, right?” tanong nito na sinundan ng malalim na buntong-hininga. “Y-yes, Dad…” “I know how you feel right now.” Pinisil nito ang kamay niya at inakay siya paupo sa pahabang upuang nasa magkabilang gilid ng tahimik na pasilyo. “Mag-usap tayo sandali.” “Tungkol saan po?” “What happened was not an accident.” Marahas siyang napatingin sa kanyang ama. “A-anong—” “Ang tauhan nating si Ryan sa raft na siyang dapat ay nagbabantay sa seguridad ng bawat isang nakasakay doon ay siya mismong tumulak kay Cazcoe. Coe was caught off guard. Hindi ito nakapaghanda kaya hindi nito naprotektahan ang sarili. Ang pagkakasabi sa akin ng mga hiningan ko ng pahayag ay pinopormahan daw ni Coe ang pinay na girlfriend ni Ryan.” Natutop niya ang bibig. Iyon ang pinay na nakita niyang kinausap ni Coe. Ang pagiging babaero talaga nito ang magiging dahilan ng pagtawid nito sa kabilang buhay. Magkaganoon pa man ay hindi pa rin tama ang ginawa ni Ryan. Unti-unting nanlisik ang kanyang mga mata sa umahong galit sa kanyang dibdib. “Nasaan na ang Ryan na iyan, Daddy? Fire him!” “Well, I already did but… my concern is the effect of this incident to our businesses. Lalo na at labis na napinsala ang mga binti ni Cazcoe. He won’t let us get away with this, for sure. Idagdag pa natin ang ginawa mong pangha-harass sa kanya, Cari.” Lumaylay ang mga balikat niya. Tama ang daddy niya. May kopya pa man din ito ng reklamo nito laban sa kanya. “Why don’t you try to change his mind, Cari?” “H-ha? How?” “Bring him home. Sa bahay mo.” Madalas ay nasa bahay siya ng mga magulang niya kasama ang yaya niya, pero ang totoo'y may sarili na rin siyang bahay. She bought a house right after she turned 18. Hindi siya tumatanggap ng bisita sa bahay niya. Pribado siyang tao at kakaunti lang ang nakakaalam ng address niya. “Bakit sa bahay ko? Ang gusto mo bang sabihin ay itago natin si Cazcoe pansamantala? Makukulong tayo sa pinaplano nating ito, Dad.” “I know but I’m willing to take the risk. Please, do your best to soften him up. Make him change his mind about us. Maabilidad ka sa bagay na iyan, anak. And he can’t walk anyway… at least for a few weeks. Gamitin mo ang panahong iyon para mabago ang damdamin niya sa atin.” Hindi siya nakaimik. Matagal niyang tinitigan sa mata ang kanyang ama. He was distressed. Patung-patong ang mga gatla nito sa noo. Kung namomroblema ang daddy niya, di mas lalo na sigurado ang mommy niya. And she didn’t have the heart to say ‘no.’ Kahit alam niyang puwede niyang ikapahamak iyon. “Okay, Dad, I’ll do it.” _____ MADILIM NA MADILIM ang mukha ni Cazcoe habang nasa kama niya ito at nakasandal sa headboard. Hindi nito maigalaw ang mga paa dahil sa pinsalang tinamo ng mga buto nito sa binti. His disability wasn’t permanent though, but he needed time to heal. “I need to call my family, Caridad.” Nagtatagis ang bagang nito at madiin ang pagkakabigkas ng bawat katagang namutawi sa mga labi nito. Tatlong araw na ito sa poder niya. From day 1, he was already telling her that he needed his phone to call his parents but she ignored him. Hindi niya nilingon ang binata at patuloy lang na tinuyo ang basa niyang buhok dahil kakatapos niya lang maligo. “Hey! Are you deaf or f*cking stupid? You’re deliberately ignoring me, aren’t you? Ikukulong mo ako rito? Hanggang kailan? Kapag nakatakas ako rito, ipapakulong kita!” hiyaw nito. Napabuga siya ng hangin. Nagpahid siya ng lotion sa kanyang mga binti at walang abog na hinubad ang tuwalya. Dinig niya ang pagmumura ni Coe. Paano’y nakahubad na siya sa harapan nito. “What the f*ck is wrong with you?” Dumagundong ang boses nito, pulang-pula ang mukha. Humarap siya sa binata, suot ang inosenteng mukha. “Bakit ba? Ngayon ka lang ba nakakita ng hubad na katawan ng babae? Hindi ba palikero ka naman? Marami ka nang nakatalik, ‘di ba? Kaya ano ang inaarte mo riyan?” “Magdamit ka!” sigaw nito. Napailing na lang siya at nagsuot ng bra at panty. Nagsuot din siya ng dilaw na bestida at naupo sa kama, nakangisi nang matamis habang matiim na tinititigan ang binata. “You are f*cking creepy!” Natawa siya. Pagkatapos ay gumapang siya palapit dito. Nakita niya kung paanong eksaheradong nanlaki ang mga mata nito. “Lumayo ka sa akin!” “Takot na takot ka sa akin, ano ba sa tingin mo ang gagawin ko sa iyo?” She straddled him, moved her face closer to his ear. She stuck out her tongue then licked Coe’s earlobe. Nanulak ang kamay nito, at hindi maipinta ang mukha. Sunud-sunod itong nagpakawala ng malulutong na mura. Imbes na magdamdam ay nginisihan niya lang ito. “Relax, peck, I don’t do premarital sex.” Pumalatak ito. “Bakit kaya hirap akong paniwalaan iyan?” Puno ng sarkasmo ang tinig nito at puno ng talim ang mga mata. “Totoo. I may be liberated, but I don’t do premarital sex.” Kinindatan niya ang binatang hindi nasikil ang pagsimangot bilang reaksyon nito sa sinabi niya. “You don’t? Yeah, right.” “I really don’t. That’s why…” Ibinitin niya ang litanya. Pinukol siya nito ng nagbabantang tingin. Ang klase ng tinging nagpapahiwatig na huwag na huwag siyang gagawa ng kahit anong ikakapahamak o ikakainit ng ulo nito. “I know you don’t want to hear this but I’ll tell you anyway.” “Caridad, ano na namang pinaplano mo?” “You will marry me first whether you like it or not, then we do the s*x after that.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD