Malakas na sampal sa kaliwang pisngi ni Cazcoe ang gumulat sa kanya. Ang babaeng sumampal sa kanya ay kay lapit lang at malinaw niyang nakikita ang naniningkit nitong mga mata na matalim ang tinging ipinupukol sa kanya, habang ang mga kamay nito ay nanginginig. “What the hell? You f*ckin’ slapped me?” He was gnashing his teeth so hard. “Dapat ka naman talagang sampalin! You are an arsehole! Ano’ng tingin mo sa sarili mo? Akala mo ba ikaw lang ang nag-iisang taong gugustuhin ko? I’m sorry but aren’t you so full of yourself? Well, let me tell you this, you are nothing but an arrogant, ruthless bastard! God help your sh*tty soul!” Sinapo ng mga kamay niya ang magkabilang braso ni Caridad, mariing bumabaon sa balat nito ang kanyang mga daliri. “You do have a foul mouth, don’t you? Makes me