Napatili ako ng biglang niyakap niya ang isang braso sa baywang ko sabay hila sa akin palapit sa kanya. Agad na naramdaman ng likod ko ang malapad niyang dibdib. Patalikod niya kong niyakap, sinubukan kong kumawala ngunit mas humigpit lamang ang braso niya sa baywang ko at mula sa isang brasong nakayakap ay dinagdagan niya ng isa pa. Nakakulong na ako sa dawalang braso, para akong batang kalong niya. “I’m sorry…” bulong niya sabay kintil ng halik sa leeg ko, sa tenga ko, sa pisngi ko, ang suyo ng mga halik niya, nang-aamo, nanunukso. Bumaba ang isip ko sa likuran ko ng sinadya niyang idiin ang kanya at gigil na mas hinigpitan pa ang yakap niya sa akin, kasabay ang mahinang pagkagat niya sa tenga ko. Naiinis na ako sa sarili ko, naiinis na ako sa karupukan ko. Unti-unti na namang nadada