WALANG tigil sa pagtawa si Kris nang madinig ang kwento niya. Kasalukuyan silang nasa kwarto niya at ginawa ang kanilang night skin care routine. Nasabi niya lahat dito mula sa kung paano siya tingnan ni Mr. Morales hanggang sa nangyari kanina sa study room nito. Tawa lang tawa ang kapatid niya kaya naman nahampas na niya ito. Umayos ito ng upo saka nilagay na sa mukha niya ang korean face mask na binili nila sa isang korean shop sa SM Megamall. Pareho nilang hilig ang mga korean skin care products. Hiyang naman sila doon dalawa at hindi pa nila nararanasan yung mga nababasa nila online tungkol doon. Sinusunod kasi nila ng mabuti ang instruction bawat product. Sa mall na sila nagkita nito matapos nito manggaling sa MSC para ipasa ang requirements nito for scholarship application. Pagkabi