NANGUNOT noo ni Klarissa ng may maulinigan siyang maliliit na tawa sa loob ng bahay nila. Nagtataka siyang pumasok agad upang masino ang bisita na iyon. Matagal nang walang nadalaw na bata sa bahay nila kaya bigla siya na-excite baka naroroon ang mga pinsan niya at dala ng mga ito kani-kanilang anak. Sa family reunion kasi, ang role niya tiga-alaga at tiga-habol sa mga bata habang nakikipag-bonding sa mga pinsan. Ang sabi nga sa kanya, maari na siya mag-asawa dahil maalam pa siya mag-alaga kaysa sa mga ito. "Nandito na po ako," aniya saka hinubad ang kanyang sapatos at sinuot ang pangbahay na tsinelas. "Miss Hernandez!" Muntik na siya matumba nang makita ang nakangiting si Kit sa harap niya mabuti na lamang ay napasandal siya sa pader. Sinugod siya nito ng yakap at mahigpit iyon. "Miss n