FOR the first in her entire existence ngayon lang niya nadinig ang pangalan niya sa mga tsismisan kanilang mga kapitbahay. Mula umaga hanggang ngayong gabi na siya pa din ang sentro ng usap usapan. Sabi ng mama niya, huwag na lang pansinin dahil mapapagod din naman ang mga iyon kapag lumaon. Pero hindi siya mapakali dahil pakiramdam niya ay nahusgahan na siya ng buong compound nila. Marahas siyang napabuntong hininga. "Ate, nandyan na yung boss mo," wika sa kanya ng kapatid niyang si Kris. Agad siya tumayo at tinawag si Kit na kasalukuyang nanonood ng cartoon sa TV. Hindi niya ito napatayo dahil masyadong aliw aliw ito sa pinapanood nito. Siya na lamang ang lumabas at sumalubong kay Mr. Morales. Hindi na ito naka-three piece suit ngayon. Simpleng t-shirt, navy blue shorts at running sho