Ilang sandali pa kaming nanatili doon bago bumalik sa sasakyan dahil tanghali na at pareho na kaming nakakaramdam ng gutom. We ate lunch at the nearest restaurant before we decided to go back to Manila. Sa kalagitnaan ng byahe ay may tumawag pa kay Sven kaya nang nasa Manila na kami ay dumaan pa kami sa isang shelter for animals at nalaman ko sa isang rescuer doon na may mga pagkakataon na nag vovolunteer si Sven para magpakain ng mga aso at pusa doon. Hindi ko na naman tuloy mapigilang maisip kung paano n’ya pa napagkakasya ang oras n’ya sa sobrang dami n’yang activities at idagdag pa ang trabaho. Hindi naman kami gaanong nagtagal doon at umalis din kaagad. Ang sabi ni Sven ay simula noong nagsimula ang Urban Housing Project ay bihira na s’yang nakakapunta sa shelter kaya nag-uutos na la