NINETEEN "Anong sabi mo?" gulat ito sa ikwinento ko rito ng tawagan ko ito. Pagkauwi namin galing sa park ay nagpaalam itong magpapahinga muna. Kaya naman umakyat muna ako sa silid at naisipan ngang tawagan ito. "Kung ayaw mong maniwala nauunawaan naman kita, ako rin eh! I think I'm going crazy, dude! She's not my type but I can't resist---oh f**k!" ikwinento ko lang naman dito ang pinaggagawa ko with my maid. "Dude, maawa ka naman doon sa babae! Kung sa'yo walang mawawala sa kanya marami! Paano kung mahulog ang loob n'yan sa'yo? Kaya mo bang saluhin? Siguradong kapag nangyari 'yon, dude, itatapon mo lang s'ya kagaya ng mga ginawa mo sa ibang babae!" bumuntonghininga ako tsaka napaisip sa sinabi nito. Tama naman ito, gano'n naman kasi ang nangyayari kapag nahulog na ang babae sa akin. P