Chapter 11

2090 Words
"Nathen, hindi ka ba talaga sasama sa may ilog?" paninigurado ni Keanna sa'kin nang habulin niya pa ako mula sa pagmamadali ko palabas ng silid-aralan. Maliligo ngayon ang buong barkada sa ilog na karugtong ng dagat dito sa Cagayan Valley. Gusto ko mang sumama at makipagsaya sa kanila ngunit hindi maaari. Hindi naman 'yon ganoong kalayo sa bahay namin ngunit nagmamadali na talaga akong umuwi. Nilingon ko naman siya at saka umiling. "Kailangan ko na talagang umuwi, Keanna. Pakisabi na lang kina Erin na hindi ako makakasama at sa susunod na lang," sabi ko naman. "Nagsabi kasi si Riley na tatawag siya ngayon sa'kin. Magvi-video call kami kaya kailangan ko nang umuwi." Halos mag-aanim na buwan na mula nang nakaalis si Riley mula sa bansa patungong England upang doon na mag-aral ng kolehiyo habang ako nama'y nanatili sa Cagayan Valley para magtapos ng huling taon ng senior high school. At syempre, dito rin ako sa Cagayan Valley mag-aaral ng kolehiyo. Kung saan ako iniwan ni Riley, ay doon ako mananatili dahil doon niya ako babalikan. Sumimangot naman si Keanna. "Hindi ba pwedeng ipagpabukas nalang 'yan, Nathen?" Muli naman akong umiling. "Pasensya na talaga, Keanna, pero alam mo namang madalang nalang kaming nagkakausap ni Riley," pahingi ko ng pasensya. "Huwag kayong mag-alala, sa susunod ay ako mismo ang mag-aaya!" Keanna just rolled her eyes at me and I laughed at her. "Sige na! Alis na ako. Bye!" sunod-sunod kong sabi habang kumakaway. Pagkatalikod ko ay agad akong nabunggo sa isang matipunong katawan. At nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Danzel na nananaliksik ang mga mata sa'kin. "Hindi 'yan sasama, Danzel," rinig kong sabi ni Keanna kay Danzel. Napalunok naman ako habang tinititigan si Danzel. Sa aming barkada ay siya talaga ang pinaka-seryoso at misteryoso na dahilan kung bakit hindi ko siya masyadong nakakausap. Ngumisi naman ako kay Danzel kahit na nananatiling matalim ang kanyang tingin sa'kin. "Next time talaga, sasama na ako. Pangako 'yan!" sabi ko at itinaas ko pa ang aking kanang kamay. He c****d his head to one side before crossing his arms at me. "Go," he simply said before walking towards Keanna. I smiled widely as Danzel let me go home. Habang tumatakbo ako palayo ay naririnig ko ang mga reklamo ni Keanna kay Danzel dahil hinayaan lamang ako nitong umalis. Napangisi na lamang ako ulit. Pagkarating ko sa bahay ay hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit. Dali-dali na akong tumakbo patungo sa may kubo sa dalampasigan dahil mas malakas ang signal doon kumpara sa loob ng bahay. Pagka-online ko sa aking Faceboök messeger ay agad akong nakatanggap ng tawag galing kay Riley na sa palagay ko'y kanina pa hinihintay ang aking pagbukas. As soon as his handsome face flashed on the screen, I smiled like an idiot admiring his enticing facial features. My eyes travelled down to what he was wearing since I could see half of his body on the screen, and I smiled widely when I saw the hoodie that I gave him. "Hello, beautiful..." he greeted me with a husky voice and smiled. I bit my lower lip and moved my face closer to the screen so that I can see him properly. Hindi pala talaga sapat ang makita mo lang ang taong mahal mo na malayo sa'yo sa screen. Napakalaki ng kulang sa pakiramdam. He chuckled before he shook his head . "This kinda sucks..." Bahagya namang napakunot ang aking noo saka ngumuso. "Ang alin?" "This kind of set-up..." he trailed off before also moving the camera closer to him. "Seeing you on the screen makes me feel so frustrated. I want to kiss you, hug you, hold you... But, I can't." Our yellowish mood suddenly shifted into something blue. Hearing him say those things makes me miss him so badly. My longing for him is already to the point of exceeding my threshold. Tuwing nararamdaman ko ito ay para bang gusto ko siyang pabalikin dito sa Pilipinas. Pakiramdam ko'y mali ang ginawa kong pagtulak sa kaniya palayo at unti-unting pumapasok sa aking sistema ang pagsisisi. "It has been almost six months already, but I'm still not used to it," he said. "I don't think I'll ever get used to it." "You have to," sabi ko naman sa kaniya. I heard him mutter a curse. "Hindi ko alam kung bakit parang ang dali-dali lang para sa'yo na malayo sa'kin," he suddenly said. "I mean... You're the one who pushed me away. You're the one who put us into this kind of frustrating situation. How were you able to do it, baby? Just thinking about me, pushing you away already seems so impossible." Hindi ko maiwasan ang masaktan sa kaniyang binibitawang mga salita. Alam kong kahit pumayag na siyang umalis para sa ibang bansa mag-aral ay may hinanakit pa rin siya sa'kin. Ang marinig na sa'kin niya isinisisi ang aming paghihirap ay sobrang sakit para sa'kin. Nasasaktan ako dahil kahit naibigay ko na ang lahat-lahat ko para sa kaniya para maiparamdam kung gaano siya kamahal ay parang hindi pa rin sapat. Parang may kulang pa rin dahil para sa kaniya ay napakadali nang pagbitaw na ginawa ko sa kaniya. Hindi niya naramdaman ang higpit ng huling pagkakahawak ko sa kaniya bago siya umalis dahil ayaw ko siyang bitawan, ngunit kailangan. It hurts because he always thinks that my love for him isn't enough. Ginawa ko 'yon para sa kaniya ngunit tila sarado pa rin ang kanyang isipan. At ito rin ang gusto ng kaniyang mga magulang. Kung ako ang mabigyan ng oportunidad katulad niya ay hindi na ako magdadalawang-isip. "I'm sorry..." iyon na lamang ang lumabas sa aking labi habang namumuo ang luha sa aking mga mata. His lips parted before he closed his eyes amd turned away from the screen. Kitang-kita ko ang mabilis na pagtaas-baba ng kaniyang balikat. "It wasn't easy for me, too, Riley." I told him as my lips began to quiver. "Please, stay... Please, don't go... Please come bcak... Please, be here..." I bit my lower lip once again, when a sob escaped from me that made him look at me again. "Hindi mo alam kung gaano kagusto lumabas ng mga salitang 'yan bago ka pa umalis, at hanggang ngayong malayo ka na sa'kin, pero pinipigilan ko dahil gusto kong makita mong okay ako. Dahil kapag okay ako, akala ko magiging ayos ka rin. Pero ang maramdaman mismo galing sa'yo na parang napakababaw ng pagmamahal ko dahil pinipilit kong kayanin na malayo ka, nasasaktan ako." "Nathen..." he cooed, saying my name. "I'm sorry." Umiling naman ako at pinilit ang sariling ngumiti. "Mag-usap na lang tayo ulit sa susunod," sabi ko na lang. "I still have so many things to do." Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at agad ko nang pinatay ang kaniyang tawag. Itinabi ko ang cellphone sa aking bulsa at saka nagpasyang patahanin muna ang sarili bago bumalik sa loob ng aming bahay. "Nako, ang dami mo namang dalang pasalubong," rinig ko ang boses ni Mommy pagkapasok ko sa loob ng bahay. "May dapat pa nga pong ipapadala si Mama pero hindi na po kasya sa bagahe ko," natatawang sabi ng isang pamilyar na boses. Binilisan ko naman ang akin paglalakad upang makita kung tama nga ba ang aking hinala. Nang makarating ako sa tanggapan ng aming bahay ay nanlaki ang aking mga mata at napangiti nang makita kung sino ang nandidito ngayon sa aming bahay. "Kuya Nixon!" I exclaimed before I ran towards him to give him a hug. "I missed you, Kuya!" He chuckled and tapped my back lightly. "Hindi naman halatang miss na miss mo na ako, Nathen," he said while laughing. I haven't seen him for five years. He is a year older than me. He is my cousin in my mother side. Dati ay dito rin sa Cagayan Valley nakatira ngunit nang mag-high school siya ay lumipat na sila sa Norte upang doon na mag-aral hanggang ngayong kolehiyo na siya. "Bakit naman bigla kang napauwi, Kuya?" tanong ko sa kaniya. "Sembreak ko kasi at gusto ko munang magbakasyon malayo sa Norte. Naisipan kong umuwi muna nga Valley," sagot niya. "Dalawang linggo nga lang ako rito. Hindi naman kasi matagal ang bakasyon ko." "Kaya ayusin mo na ang kuwarto mo, Nathen," pagsabat naman ni Mommy. "Malaki naman ang kama mo at paniguradong magkakasya kayo ng pinsan mo." "Sige po!" masaya kong sabi at hinatak ko na si Kuya Nixon paakyat sa kuwarto ko upang tulungan niya akong ayusin ang kama. Madalas na rin kaming matulog magkatabi noon tuwing makikitulog ako sa kanila o sa amin. Siya lang kasi ang aking pinsan na nakalakihan ko. Ang pinsan ko sa father side ay sa Norte lahat pinalaki. Tanging si Kuya Nixon lang ang nakakasama ko rito sa Cagayan Valley noon..Sayang nga lang ag lumuwas na rin sila sa Norte para roon tumira. Nabenta na rin ang kanilang bahay dito sa Cagayan Valley nang lumipat sila ng Norte. Pagkatapos naming mag-ayos ng kaniyang gamit sa kuwarto ay inaya niya akong kumain sa labas. Hindi naman na ako tumanggi dahil ililibre niya raw ako. "Kuya, nakakahiya naman at dito pa tayo kakain,"nahihiya kong sabi habang lumilinga-linga sa paligid habang patuloy lamang kami sa paglalakad. "Ano ka ba, Nathen. Huwag kang mahiya , kakain lang naman tayo." sabi niya habang hatak-hatak pa rin ako patungo sa Balsa na nasa loob ng The Seacoast na pagmamay-ari ng pamilya ni Riley. Bantay na bantay ko ang aking bawat pagkilos nang makaupo na kami sa Balsa. Hinayaan ko si Kuya Nixon na siya ang mag-order para sa aming dalawa ngayong gabi. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin ang aming pagkain. "Good evening, Ma'am," rinig ko ang sunod-sunod na pagbati ng mga staff dito sa loob ng Balsa nang nasa gitna pa lamang ako nang pagkain. Awtomatiko naman akong napaangat ng tingin at nakitang bumabati si Tita Norma sa mga staff na bumabati sa kaniya. Nang mapatingin naman siya sa aking aking gawi ay bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata sa pagkakakita sa akin. "Nathen..." she called my name as she went closer to our table. Tumayo naman ako upang magbigay galang sa kaniya at nagmano. "Magandang gabi po, Tita Norma." "Hindi ko inaasahan na makikita kita rito, Nathen," nakangiting sabi niya bago sinulpayan si Kuya Nixon na tumigil na sa pagkain. "May kasama ka pala," pagpuna niya. "Uhm... Tita Norma, si Kuya Nixon po, pinsan ko," pakilala ko naman sa pinsan ko. "Galing po siyang Norte at magbabakasyon lang po rito sa Cagayan Valley." Tumango-tango naman si Tita Norma at saka nilingon ng maayos ang aking pinsan na ngayo'y tumayo na rin upang makipagkamay ng maayos. "Kung may kailangan kayo ay huwag kayo mahiya na magsabi sa mga staffs, okay?" sabi ni Tita Norma sa'min. Tumango naman kami ni Kuya Nixon at ngumiti. Bago umalis si Tita Norma ay hinalikan niya muna ako sa pisngi at saka lumabas na ng Balsa kasama ang kaniyang kasa-kasamang sekretarya. "Sino 'yon?" nagtatakang tanong ni Kuya Nixon nang bumalik kami sa pagkain. "Siya ang may ari nitong The Seacoast,' sagot ko naman. Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Kuya Nixon at parang nabulunan pa. "Bakit mo kilala kung ganoon? Parang malapit din kayo sa isa't-isa." "Siya kasi ang mommy ni Riley," sabi ko. "At sino naman si Riley?" tumigil sa pagkain si Kuya Nixon at nagtaas ng kilay sa'kin saka ngumisi. "Ano... Uhm... Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na boyfriend ko siya o hindi pero parang ganoon..." nahihiya ko namang sagot kay Kuya Nixon at nagngingiti-ngiti. Nagulat naman ako nang biglang pumalakpak si Kuya Nixon at tumawa na para bang tuwang-tuwa siya sa kaniyang nalaman. Napakunot naman ang aking noo sa kaniya. "Tumigil ka nga, Kuya. Nakakahiya!" sabi ko sabay tingin sa paligid bago muling itinuon ang atensyon sa pagkain. "So, kailan mo siya ipapakilala sa'kin? Nandito ba siya ngayon sa Cagayan Valley?" nananabik na tanong sa'kin ni Kuya Nixon. Napanguso naman ako saka umiling. "Nasa England siya ngayon," sagot ko naman. "Doon siya nag-aaral ng kolehiyo." "You must be missing him, huh?" tanong naman sa'kin ni Kuya Nixon. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi bago tumango. "Sobra, Kuya..." sagot ko. "Sobrang miss ko na siya," at iyon ang totoo. If only I can be with him, even just for a day or an hours is okay. Just to see his face, in person, and hold him tight is all I want. If I'd be given a chance to cross over the seas and vast lands that separate us together, I will.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD