Chapter 8

1918 Words
Nakatitig lamang ako ng diretso sa screen ng aking laptop. Nakalog-in dito ang aking Faceboök na sobrang tagal nang naka-deactivate. Nang malaman ko ang patungkol sa bagong girlfriend ni Riley at tila parang may nag-udyok sa'king buksan ulit ito para tignan kung ang itsura nito. I bet his new girlfriend is everything that I'm not. Maybe she's the best example that depicts all the descriptions of the girl who deserves to be called Riley's girl. Dapat ay hindi ko na ginagawa 'to. Dapat ay wala akong pakialam kung sino man ang bagong babae sa buhay niya ngunit nakukuryuso ako. Gusto kong malaman kung sino ang babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon. Wala sa loob kong tinipa ang bawat letra na bubuo sa pangalan ng girlfriend niya sa search box. Panigurado naman ay mayroon itong Faceboök. Imposibleng wala itong ganoon sa social media dahil halos lahat ng tao ngayon ito na ang mas ginagamit sa bawat sulok ng mundo. "Sabeena Rojas..." basa ko sa pangalan nito bago pinindot ang enter. Agad na nagload ang aking Faceboök page at ilang Sabeena Rojas ang lumabas bilang resulta. Nang makita ko ang babaeng hamak ng ganda ay agad ko itong pinindot. Tinignan ko ang location nito at nakitang sa England siya nakatira. Doon din pumunta si Riley upang mag-aral ng kolehiyo. Hindi pa ako tuluyang nakakabasa sa kanyang timeline ay bumungad na agad sa akin ang litrato nilang dalawa si Riley. Nakaakbay sa kanya si Riley habang siya naman ay naka-ulo sa balikat nito. Mukhang nasa beach silang dalawa dahil na rin sa suot nila. Nawala na ako sa bilang ng mga nadaanan kong mga litrato nila habang pababa ako ng pababa sa timeline ni Sabeena. Hindi mo maipagkakailang bagay na bagay silang dalawa. Umabot din ng ilang libo ang mga llikes at comments sa bawat litrato. Dito pa lang ay makikita mong maraming sumasang-ayon sa relasyon nilang dalawa. I stopped from scrolling down her timeline when I saw a familiar video tagged to her. Kusa itong nagplay nang tumigil ako sa tapat nito at kakaumpisa palang ay agad ko nang tinigilan ang panonood. Sinarado ko ang aking laptop at kahit tinigilan ko na ang panonood ag kusang nagpatuloy sa aking isipan. It was like I've memorized the whole video when I repeatedly watched it before, just to make sure if the guy who's the main character of the video is Riley. The girl he cheated with before is his current girlfriend. Akala ko'y matagal nang naghilom ang sugat sa puso ko na dulot nang pagtataksil nilang dalawa. Ngunit ngayon ay walang kahirap-hirap itong bumuka at muling naging sariwa. Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang maging masaya para sa kanilang dalawa kahit na sila ang dahilan kung bakit ako sobrang nasaktan noon. Bakit kung sino pa ang mga nasaktan ay sila pa ang napagkaitan ng kasiyahan? At kung sino pa ang nanakit ay sila pa agad ang nakakahanap ng pamalit? Life doesn't really play fair. It has a hobby of making the good ones suffer, while the bad ones prosper. Kung bakit ganoon ang kanyang napiling pagpapatakbo sa buhay ay hindi ko alam. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakakuha ng sagot. "Sa tingin ko ay kasya sa'yo itong uniporme na 'to. Tamang-tama lang naman ang laki ng katawan mo," sabi sa'kin ng head ng housekeeping department. Binigay niya sa akin ang extra uniform na sa palagay ko'y kasya nga sa akin. Hindi ito ganoong kalaki o kaliit. Tamang-tama lamang para sa akin. "Ito rin ang nameplate mo," sabi niya at kinuha sa kanyang bulsa ang maliit na nameplate na pini-pin sa uniporme. "Magbihis ka na at pagkatapos mo ay pumunta ka sa'king opisina. Ibibigay ko sa'yo ang schedule mo." Wala na akong inaksayang oras at agad nang nagpalit ng uniporme. Inilagay ko ang nameplate sa top left side ng damit at saka itinali ang akong buhok upang hindi maging sagabal sa aking pagtatrabaho mamaya. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. Hindi ako makapaniwalang nagtapos ako sa pag-aaral upang maging housekeeper na hindi man ito ang linya ng tinapos ko. Gayumpaman, babagsak pa rin naman ako dito para pagbayaran ang utang ng mga magulang ko. Wala rin akong kawala. "Ito ang schedule mo pati na rin ang identification card mo na gagamitin mo pang-in at pang-out," sabi sa'kin ng head ng housekeeping department bago inabot ang papel kung saan nakalagay ang schedule at pati na rin ang identification card. Halos maluha ako sa bilang ng oras na kailangan kong trabahuhin. Isang beses lang akong may break at isang oras lamang ito. "Instead of twelve hours shift, ginawang sixteen hours ang shift mo," pagpapaliwanag niya. "Magsisimula ka ng alas-singko ng madaling araw hanggang alas-nuwebe ng gabi. May break kang isang oras mula alas-dose hanggang ala-una para magpahinga at kumain. Ang sobrang apat na oras ay para sa extra pay mo. At isa pa pala! Kapag pinatawag ka ni Sir Palermo ay kailangan mong sundin 'yon agad. Iyan ang mga bilin ni Sir Palermo sa'kin. Ang rest day mo naman ay tuwing Sunday." Nilapag niya ang kanyang kopya ng aking schedule bago nag-angat ng tingin sa akin. "You're the one who's assigned with the rooms on the fifth floor at ang mga offices sa second floor. Bandang alas-sais naman ay lilipat ka sa Balsa upang mag-serve doon. Iba ang uniporme doon kaya mabuti na ring kausapin mo ang manager ng Balsa at sabihin mong ikaw ang bagong pasok," sabi niya. "Kung may katanungan ka ay tanungin mo na sa'kin para masagot ko agad. Kung wala naman ay puwede ka nang mag-umpisa." Umiling naman ako dahil naiintindihan ko naman ang magiging pagtakbo ng trabaho ko dito sa The Seacoast. "Kung ganoon..." Tumingin siya sa kanyang orasan bago bumalik ang tingin sa akin. "Mag-aalas-dose na kaya mamayang ala-una ka na mag-umpisa. Pwedeng kumain ka muna o mamahinga bago mag-umpisa." Tumango ako at saka tumayo. "Thank you po," pasasalamat ko bago lumabas sa kanyang opisina. Dala-dala ang aking schedule ay tumungo ako sa dalampasigan. Wala pang ganoong tao sa labas dahil sa sobrang tirik ng araw at paniguradong kumakain na rin ang iba ng tanghalian bago magpatuloy sa pagsasaya. Umupo ako sa isang lounger at nagpapasalamat akong mayroon itong payong. Malamig din ang hangin na umiihip galing sa dagat kaya hindi masyadong nanunuot ang init sa aking balat. Tinignan ko naman ulit ang aking schedule nang makaupo ako ng maayos sa lounger. Kinabisado at pinag-aralan ko ng mabuti ang aking gagawing pag-iikot sa dalawang palapag na nakatoka sa akin. Mula alas-sais naman hanggang alas-nuwebe ay doon lamang ako sa Balsa para maging waitress. Napabuntong hininga naman ako at saka sumamdal sa backrest ng lounger. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang pag-ihip ng malamig na hangin. I think this is going to be the busiest five years of my life. Nakakapagod ang aking schedule ngunit alam kong kakayanin ko naman. Sa dami ng pinagdaanan ko nitong mga nagdaang taon, walang-wala lang ang mga trabahong nakaabang sa akin. Napadilat ako nang makarinig ako ng tawanan ng mga kalalakihan sa 'di kalayuan. They are group of teenage boys gawking at me. Ang isa sa kanila ay nakita ko pang tinulak ng kasama upang lumapit sa akin. Kumunot ang aking noo habang nakatingin sa kanila para mapakita sa kanilang hindi ako natutuwa sa ginagawa nilang kalokohan. Agad ding nawala ang mga ngiti sa labi nila at isa-isa silang umalis na tila nag-uunahan pa. Napailing na lamang ako at muling tinuon ang pansin sa aking schedule. "I believe you should be working by now." Halos malaglag naman ako sa lounger nang biglang may magsalita sa aking gilid. Nilingon ko ito at nakita si Riley na nakapamulsa habang seryosong nakatingin sa akin. His eyes were about to hypnotize me as they were staring straight into mine, but I immediately looked away to cut the line of vison I had with him for a few seconds. I wouldn't let him drag me into this world again like what he did before. Parang isang portal ang kanyang mga mata na kapag tumitig ka ay madadala ka nito sa kanyang mundo at wala ka nang balak kumawala. That's when you'll start to feel that you're falling for him and trapped into his world. Kaya kahit na ayaw ko pa noon nung una ay napaunlakan ko pa rin ang siya na mapapasok ako sa buhay niya at ganoon din naman siya sa akin. "Break ko ng alas-dose hanggang ala-una," sabi ko naman habang nakatingin sa dagat. "Mamayang ala-una pa ako magsisimula." "Then you should be eating right now," he told me. "It's lunch time." Umiling naman ako at pinirmi ang tingin sa dagat kahit na ramdam na ramdan ko ang kanyang paninitig sa akin. "Hindi ako nagugutom," sabi ko na lang dahil hindi ko pa talaga maramdaman ang gutom. Masyado atang naparami ang kain ko kanina sa bahay bago pumunta dito. Ilang putahe rin kasi ang niluto ni Tita para raw ganahan ako sa unang araw ng trabaho. I heard his sarcastic laugh that made me turn to look at him. I saw his jaw clenched as he stared at the horizon. "Hindi nagugutom, huh?" He sounded like he is mocking me. "Pero kapag may nag-aya sa'yo paniguradong pauunlakan mo." Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. "Ano ba'ng sinasabi mo?" Ngumisi lamang siya at saka umiling bago niya ako nilingon. Tumama naman sa akin ang kanyang malamig na tingin na unti-unti ko nang nakakasanayan. "Make sure to always bring your phone with you. I might call you if I need your assistance," bilin niya sa akin na binalewala ang aking tanong. "And if I were you, I would eat. You're shift won't be done until nine. I don't want my employees starving as it can affect their performance and that might also have an affect on our guests." Hindi pa ako nakakasagot ay agad na niya akong tinalikuran at naglakad papalayo sa akin. I didn't bother following his steps for him to hear my thoughts. Mas gusto ko na ang lumayo na lang siya sa akin at wag nang lalapit pa. Pero syempre'y hindi naman 'yon maaari dahil dito ako sa kanyang resort nagtatrabaho. Talagang magtatagpo at magtatagpo ang landas naming dalawa. Nang bumalik ulit sa akin kahapon ang mga nangyari noong mga nagdaang taon ay marami akong bagay na naisip at napagtanto. Seeing that he's still with the girl he cheated with, I realized that he might bw really in love with this girl that he was able to cheat on me and break my trust. Sigurp ay hindi naman talaga pagmamahal ang naramdaman niya noon para sa akin. Maybe I was just his puppy love or an infatuation. Noong nagkalayo kami ay doon na napatunayang hindi nga 'yon pagmamahal dahil sobrang bilis natibag ng distansya ang kanyang nararamdaman para sa akin na ipinangako niyang hinding-hindi magbabago. Tatayo na sana ako sa lounger upang kahit papaano'y kumain ng tanghalian gaya ng kanyang sinabi ay nilapitan ako ng isang staff ng The Seacoast Breeze restaurant. Natandaan ko ang kanyang uniporme nang kumain kami roon ni Lois kahapon. May dala-dala siyang tray na may tatlong iba't ibang putahe at mango shake. Inilapag nito ng empleyado sa katabing table ng lounger. "Para kanino po 'yan?" magalang kong tanong sa lalaki. Nakangiting lumingon naman siya sa akin. "Para sa'yo." simpleng sabi niya at may iniabot sa aking sticky note bago umalis. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at binasa ang nakasulat sa loob ng maliit na papel. Eat your lunch. —R.J.P.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD