Chapter 1

2624 Words
"Nat, bakit bang ayaw mong pansinin si Riley? Kanina pa siya nandoon sa labas ng library. Gusto ka raw niyang ihatid pauwi dahil wala silang training," sabi sa akin ni Keanna nang maupo siya sa aking tapat. Keanna is one of my closest friends. Lima kaming magkakabarkada. Simula noong Grade 7 kami nina Danzel, Jethro, Erin at Keanna ang magkakasama. We were all inseparable. "Sabihin mo, umuwi na siya at hindi niya ako kailangang ihatid pauwi. Marami pa akong ginagawa," sabi ko na lang at patuloy sa paghahanap ng puwede kong i-recite na monologue para sa speech namin sa makalawa. Napabuntong hininga naman si Keanna at saka tumayo sa kanyang kinauupuan. Siguro'y sasabihin niya kay Riley ang pinapasabi ko. It had been three months already since that guy started to show his interest towards me. He came from Norte. Doon siya nag-aral ng elementary at lumipat lamang sa Cagayan Valley nang mag high school na. Noong Grade 7 ay usapan na ang pagkagusto sa akin ni Riley ngunit hindi ko pinapansin ang mga tsismis na 'yon. Masyado pa kaming mga bata. Nang tumuntong ako sa Grade 11 ay saka lamang siya kumilos at ipinakita sa akin na talagang may nararamdaman siya para sa akin. Other girls envied me for being thw girl that Riley fell for. Honestly, he's very attractive. His body did not depict his age. He was a year older than me pero hindi naman katulad ng katawan niya ang katawan ng ibang mga seniors. Maybe because he has a foreign blood in his veins for being half-Spanish. "Hihintayin ka raw niya hanggang sa matapos ka sa ginagawa mo," tamad na sabi ni Keanna nang makabalik siya sa aking lamesa. "Dapat ay pinilit mo pa rin siyang umalis," giit ko sa kanya. Ayokong-ayoko kapag ako ang tumatanggi sa kanya kaya madalas ay pinapasabi ko na lang sa mga kaibigan mo. "Pinilit ko siya. Ilang beses kong pinaulit-ulit ang sinabi mo pero ang sabi niya, hihintayin ka talaga niya kahit gaanong katagal dahil gusto ka raw talaga niyang ihatid sa inyo lalo na't magkalapit lang naman daw ang bahay niyo at ang bahay nila," kuwento sa akin ni Keanna. Napabuntong hininga ako at sinarado ang libro na binabasa ko kung saan maraking naka-compile na mga monologue speeches. "Alam mo, Nat, hayaan mo na lang kasi sa kagustuhan niyang ligawan ka . Hindi ka rin naman talo sa kanya. Guwapo na nga, matalino at mayaman pa! Ikaw lang ata ang kilala kong aayaw sa kanya." "Iyon na nga ang ayaw ko. Guwapo, matalino at mayaman. Ang mga ganyang lalaki, paniguradong babaero," I bitterly said. "Wow! Ang nega mo naman doon, Nat," sarkastiko niyang sabi. "Hindi mo pa naman gano'n kakilala si Riley. Kilalanin mo kaya muna. Akala mo namang nasaktan ka na ng babaero kaya ka nagkakaganyan eh no boyfriend since birth ka naman." Nakakunot-noong nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Atleast, I'm being cautious." Keanna rolled her eyes at me. "Try not to stereotype, Nat. Baka sakaling may patutunguhan ang lovelife mo." Sasagot pa sana ako nang may biglang tumabi sa akin at binagsak ang kanyang hawak na libro. "I saw my cousin outside who looks like he's waiting for someone..." mapaghinalang sabi ni Erin at saka ako nilingon ng nakangiti. "Seeing you here isn't a surprise anymore." "Of course, it isn't. We texted you earlier kaya alam mo talagang nandito kami," sarkastikong sabi ni Keanna kay Erin. "Alam mo naman ang ibig kong sabihin, Keanna," sabi na lang ni Erin. "Kung nasaan si Nat, paniguradong nandoon din ang pinsan ko." Ngumuso ako't kinuha ang cellphone ko nang makakita na ako ng monologue na gagamitin ko. I took a picture of the monologue because I was too lazy to write this down. "Nakakuha ka na?" tanong sa akin ni Keanna. Malaki naman ang ngiti ko habang tumatango sa kanya. "Buti ka pa," she said under her breath. "Nakakailang monologue na akong nababasa pero 'di ko pa rin makita ang bagay sa akin." "Akin na nga! Tulungan na kita," sabi ni Erin at inagaw kay Keanna ang binabasa nitong libro. Sa amin magkakabarkada ay si Erin ang biniyayaan ng magandang mukha at mukha at matabang utak. Beauty and brains nga raw ika nga nila. Higit pa roon ay mayaman ang kanilang pamilya. Samantalang kami naman ay may kaunting karangyaan lang sa buhay. "Salamat, Erns!" ngiting-ngiting pasasalamat ni Keanna at niyakap pa si Erin. Inayos ko na ang aking gamit at saka tumayo na dahilan kung bakit ko nakuha ang atensyon nina Erin at Keanna. "Uuwi ka na?" tanong ni Keanna. Tumango ako. "Sa bahay na ako gagawa ng assignment natin sa Geometry." Sinikop ko rin ang mga librong kinuha ko. Pagkatapos kong magpaalam sa kanila ay ibinalik ko na sa mga shelves ang mga libro bago lumabas ng library. Napatigil ako nang makalabas ako ng library nang makita ko sa tapat si Riley na nakasandal sa pader. Naka-earphones siya at ang kamay niya'y nakapamulsa. Paulit-ulit din ang mahihinang pag-alog niya sa kanyang ulo, siguro'y nang dahil sa kantang pinakikinggan niya. Keanna was right. Ako lang ata ang kilala niyang aayaw kay Riley. Ever since I saw him when I entered higj school, I already told myself that he was indubitably handsome. Only those blind people wouldn't be able to prove that he's handsome. Even of you tell yourself that he's not handsome, you will find yourself staring at his face — his cherry lips, his manly eyebrows, his long lashes, his well-pointed nose, his intensified jawline ... He has Godlike features that you couldn't deny. Paano pa kaya kapag mas nagmature pa lalo ang itsura niya? We were only teenagers..We had not reached our legal age yet. I doubted kung may igu-guwapo pa siya dahil parang nabuhos at napakita niya na lahat. Besides being handsome, he's also very smart. Nasa lahi ata nila dahil pati si Erin na pinsan niya ay matalino rin. He was the top of his class and in their whole batch. I remembered it right, he was running for Valedictorian. Hindi naman na nakakapagtaka yun. To be honest, I really like him. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko siya gusto. I mean, who wouldn't like him, right? Noong una'y hindi ako makapaniwala nang marinig ko ang usap-usapang gusto niya ako. Nagtagumpay ako sa pagkukumbinsi sa sarili kong sabi-sabi lamang iyon. Pero nitong nakaraang mga buway ay napatunayan kong totoo pala ang mga sabi-sabi lalo na nang siya mismo ang nagkumpirma nito sa akin. "Erin, can I talk to Nathen for a while?" Those words flawlessly flowed from Riley's lips... "alone." Wala sa sariling napapikit naman ako sa palapulsuhan ni Erin. Why does he want to talk to me? I gulped hard, trying to make myself calm. But I couldn't seem to calm! Kakasimula pa lamang ng school year ay siya na kaagad ang bubungad sa akin. "And why, my dear cousin?" mapang-inis na tanong ni Erin sa kanyang pinsan. Nawala ang pagkakakapit ko sa pulso ni Erin nang humalukipkip siya. I saw Riley's jaw clenched at napalunok lamang ako ulit. "None of your concerns, Erns." tipid na sabi ni Riley. "Bawal ko ba siyang makausap?" "Hindi naman ako ang makakasagot niyan, Ril," balik sa kanya ni Erin. "I am not Nathen to begin with. Why don't you ask her yourself?" Bahagya akong tinulak ni Erin na dahilam kung bakit napasubsob ako sa dibdib ni Riley dahil hindi ko agad nabalanse ang aking sarili. His luscious manly scent enveloped my nose when my face fell on his broad chest. I could also feelnhis tight grip on both of my arms tobkeep the both of us from falling. "Are you okay?" tanong niya at agad naman akong natauhan. Agad kong itinulak ang aking sarili palayo sa kanya saka inayos ang aking buhok na nagulo gamit ang aking kamay. "I'm sorry," nagawa ko pang magsalita ng buo at diretso kahit nakabalot na sa kaba at nerbiyos ang aking puso. He chuckled. "It's okay," he said. "Well, uhm, do you mind if I talk to you? Kahit sandali lang. May gusto lang akong sabihin sa'yo." Napaawang naman ang aking mga labi. Mas lalo lamang akong ginapangan ng kaba. Ano ka ba, Nathen?! Kakausapin ka lang naman, e. May sasabihin lang naman siya sa'yo. "Uhm... Sige. Usap tayo," sabi ko at saka umayos na tayo upang maharap siya nang mabuti. Nilingon niya si Erin na nasa aking tabi. Tinaasan niya ito ng kilay at dinig ko ang bayolenteng pagbubuntong hininga ni Erin bago ito umalis upang maiwan kaming dalawa ni Riley. "Kailangan ba talagang wala si Erin? Tungkol ba 'to sa kanya?" tanong ko naman kay Riley nang makaalis na si Erin. Tipid siyang ngumiti at umiling. "Punta tayo sa greenhouse." Kahit nag-aalangan ay pumayag pa rin akong sumama sa kanya papunta sa greenhouse ng aming paaralan kung saan nagtatanim ang estidyante ng kanilang mga halaman na inaalagaan. Pagkapasok namin doon ay agad lumibot ang aking mga mata sa halaman na nakatanim. Wala na akong inaalagaang halaman dito kaya hindi ako madalas na pumupunta. Bagonpa kasi natapos ang Grade 7 ay nalanta na ang mga halaman na inaalagaan ko dahil hindi ko ito nadidiligan ng tama. Mabuti na lang at may grade na ako sa halamang tinamin ko bago ito namatay. Hanga ako sa mga kapwa ko estudyante na masipag sa pag-aalaga ng kanilang nga halaman na hanggang sa nakagraduate na sila ng Senior High ay buhay pa rin. Huminto kami ni Riley sa halaman na may isang rosas na bulaklak. Tiningnan ko sa ilalim ang pangalan ng may-ari nito at bahagyang nanlaki ang aking mga mata. Riley James Antonio Palermo "The rose's already full-grown," sabi niya. I crouched and touched the nameplatw where his full name was written. "Ito ba 'yong tinanim mo noong Grade 7 ka?" tanong ko sa kanya bago tiningala ang nag-iisang rosas. "I planted white corn that time," he replied. "I just planted the rose before last school year." Tumango-tango naman ako. Ang alam ko, ang pinsan nilang dalawa ni Erin ay may white corn farm. Siguro'y kaya iyon ang napili niyang itinanim. Umiral ang aking pagiging kuryoso. "Paano mo naman ito nadidiligan at naaalagaan noong summer?" "I did my best to go to school just like how the others did to take care of their plants here in the greenhouse," he answered. "Noong umalis naman kami ng bansa bandang Mayo, inuutusan ko ang hardinero na alagaan ito para sa 'kin dahil hindi ko maaasikaso." Ngumuso naman ako't hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong sabihin o itanong sa kanya. "How about your plant?" bigla niyang balik ng tanong sa akin. "Ano ang itinanim mo?" Hilaw na ngumisi ako saka tumayo bago tumingin sa kanya. "Namatay na ang halaman ko no'ng Grade 7. Pagkatapos akong mabigyan ng grade, nawala na sa isip kong alagaan," paliwanag ko at bahagya naman siyang natawa. "Kamatis ang tanim ko no'n. Madali lang kasi 'yon. Dapat nga ay munggo pero bawal daw 'yon." He chuckled. "Mung beans are one of the easiest plant to grow." Tumango ako. "Kaya nga iyon ang gusto ko! Sure na magkakaroon ako ng grade. Hindi pa mahirap alagaan." "But you still managed to grow a plant and get a grade without planting a mung bean seed," he pointed out. I smiled widely. "Ang galing ko ba?" Nakuha ko pang magbiro kahit na kanina'y kabadong-kabado ako nang dahil sa kanyang presensya. I didn't know that I'd be comfortable talking to him. Ang akala ko'y pagpapawisan ako nang malamig at hindi mapapakali, o kaya nama'y mauutal ako at hindi makakapagsalita. He nodded and bit his lower lip. "Hindi lang magaling kung hindi maganda ka rin, lalo na kapag nakangita ka o tumatawa." Awtomatikong naglaho ang aking ngiti nang dahil sa kanyang sinabi. Panis akong tumawa. "Ano ka ba? Hindi ko inakalang palabiro ka pala." I know I'm pretty. Hindi sa pagmamayabang ngunit madami nang nagsasabi niyan sa akin. Hindi ko nga lang inakalang pati si Riley ay maririnig kong sasabihin sa akin 'yan. He grinned and took a step closer. Ang akala ko'y lalapit siya sa akin kaya napaatras ako. Dumiretso naman siya papalapit sa kanyang halaman. Pinapanood kp siyang kinuha ang gunting sa kanyang bulsa bago ginupit ang nag-iisang pulang rosas. He smiled while looking at the rose he cut before turning to look at me.. He stretched his arms just enough to bring the rose closer to me. "Para sa'yo..." diretso niyang sabi. Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa rosa na nilahad niya sa akin. Nag-aalangan naman akong kinuha ang rosas mula sa kanya. Inilipat ko ito sa aking dibdib at pasimpleng inamoy. "Thank you," I shyly thanked him while looking at the rose he gave me. Who wouldn't have thought that Riley Palermo would give me a rose? Someone like Nathen Torrano doesn't deserve to receive a rose from the great grandson of Jaime Palermo. "I really like you, Nathen." Gulat akong napa-angat ng tingin kay Riley. His light brown eyes were seriously looking right at me and it almost made me forget to breathe. I really liked him but it didn't mean we should be together that fast— even if he also liked me. Everything takes time. I didn't want to be happy for a moment and regret for a lifetime. And besides, masyado pa kaming bata. Halos igapang ko na nga ang pag-aaral ko para maipasa lang ang mga sibjects ko. I wasn't gifted nor smart. Lalong hindi rin ako masipag. Sakto lang ako. Mas lalo lamang akong hindi makaka-focus at mawawalan ako ng oras sa pag-aaral kapag pinaunlakan ko siya kaya mas mabuting ganito na lang kaming dalawa. Hindi ko rin maipagkakaila na naimpluwensyahan rin ako ng mga nababasa kong lovestory at mga napapanood kong teleserye at pelikula. Madalas ang mga katulad niyang lalaki na guwapo, matalino at mayaman, sila iyong mga malapit sa temptasyon. Kung magkakatuluyan man ay imposibleng tumagal dahil kung sa isang katulad ko lamang na may kaya siya mapupunta ay paniguradong hindi hahayaan ng kanyang pamilya. We were better this way. Less risks, less mistakes. "Nat." Bahagya naman akong nagulat nang makita kong nakalapit na sa akin si Riley. I was pulled away from my thoughts when he called my name to gain my attention. "Uhm, wala kayong trainig?" Tumango siya. "Hinihintay kita," sabi niya. "Pinasabi ko kay Keanna na ihahatid kita pauwi." Sinulyapan niya ang bagpack na nakasukbit sa aking balikat at napangiti siya. "Are you going home already?" he excitedly asked. "Akin na ang bag mo. Ihahatid kita pauwi." Bago pa niya mahablot ang aking bag ay agad ko na itong iniwas sa kanya na dahilan kung bakit nawala ang kanyang ngiti. "Kaya ko namang umuwi mag-isa. Hindi mo naman ako kailangang ihatid," pagtanggi ko sa kanyang pagmamagandang loob. Kita kong dumaan ang sa sakit sa kanyang mga mata na madalas kong nakikita tuwing tinatanggihan ko siya. Napakagat ako sa aking ibabang labi. I had to admit that I really hated seeing those signs of pain in his eyes. "But since you waited so long for me today..." pahabol ko at saka tinaggal ang pagkakasabit ng strap ng bag sa aking balikat upang ibigay sa kanya. "Hahayaan kitang ihatid mo ako." A wide smile instantly appeared on his lips. He carried my bagpack on his other shoulder. He looks so excited like we were going to a party instead of going home. "Ngayon lang 'to, Riley. Huwag mo na akong hintayin ulit sa susunod," paalala ko sa kanya. Ngumuso naman siya at dumirekta ang aking mata sa kanyang mapupulang labi. Mas mapula pa ata sa aking labi ang labi niya. "I can't promise that, Nathen," he said. "Since now I know that waiting for you will make you say yes, I don't mind waiting a lifetime."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD