Habang nakatunganga siya sa lamesa ay kausap niya si Mirabella sa cellphone. "Baka naman kulang ng hilod, best!" "Ano pa bang hilod ang gusto niya? Grabe naman ang pagkamanhid niya. Parang naubos na ang laway ko sa kasasabi sa kaniya ng tunay kong nararamdaman." Hindi talaga maipinta ang mukha niya. Hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin siya. "So, suko ka na?" "Of course not!" mabilis niyang sagot. "Nandito na ako at ginusto ko ito kaya paninindigan ko. At saka, mahal ko talaga siya, best. 'Yong feelings na pilit kong pinapatay noon, umuusbong ngayon at ang hirap ng pigilan." "Iyan nga sinasabi ko sa'yo, best. Habang may buhay may pag-asa kaya fighting lang! At huwag mong pigilan ang nararamdaman mo, sasakit lang ang puson mo." Tumawa ito sa huling sinabi. "Puro ka talaga kaloko