Lumipas ang ilang araw na hindi niya nakikita si Luis. Panay din ang iwasan nilang dalawa. Napag-alaman niya na ang estudyante nito na si Vanessa Gulias ay bunsong kapatid pala ni Mary. Namatay ito sa fraternity hazing sa loob ng University, anim na buwan na ang nakalilipas. At ang masaklap pa ay tatlong buwan itong buntis, sumali sa frat para lang mapatunayan sa boyfriend na kaya nitong makipagsabayan sa iba. Kaya iyon pala ang kasong pinagkakaabalahan ni Luis para ayusin dahil sangkot ang school na pinagta-trabahuan nito. At si Mary na nagpapanggap na nagkaroon ng depression dahil sa nangyari sa nag-iisang kapatid ay sinamantala ang pagkakataon para mapalapit rito. Napailing siya. Buti na lang naglinis siya sa study room nito kahapon kaya nalaman niya ang tungkol sa pangyayari. Nab