Chapter 27

2089 Words

"Breakfast, asawa ko?" Kinusot ni Luis ang dalawang mga mata nang marinig ang malamyos na boses ni Bebe pagpasok niya sa kusina. Kumurap-kurap siya at sa isang kurap lang ay nawala na ito sa paningin niya. Damn it! Napapailing siyang nagtungo sa refrigerator at kumuha ng malamig na tubig. Wala naman siyang lagnat para mag-hallucinate. Panay mura siya habang paakyat ulit sa taas pagkatapos uminom ng tubig. "Luis..." Bigla siyang napatingin sa baba ng hagdan dahil narinig niya na naman ang malambing na boses ni Bebe. f**k! Wala namang tao sa sala. Napapailing siya. Pumasok siya sa kwarto at napatitig sa kabuuan ng silid na kulay pink ang pintura. Nagtagal ang tingin niya sa pinto ng bathroom at mayamaya lang ay bumukas iyon at iniluwa ang nakangiting si Bebe with her sexy lingerie.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD