"L-Luis... teka lang," pigil niya rito. Pero ayaw pa rin nitong paawat. Mas lalo siya nitong hinapit sa beywang at pinupog ng halik ang leeg niya. Kagagaling lang nila sa bahay nina Mang Gido. Nang lumalim na ang gabi ay mismong si Luis na ang nagyayang umuwi. Nakainom ito pero hindi naman lasing. Kanina sa birthday party ay bumalik siya sa table nina Misty, samantalang si Luis naman ay roon sa table nina Mang Gido, nakikipag-inuman. Pero no'ng dumating ang mga kaklase at kaibigang lalaki ni Misty at naki-join sa table nila, napansin niya na halos hindi na humihiwalay ang tingin ni Luis sa kaniya. Minsan nga naiilang na lang siya at nababahala na baka may nagawa siyang mali dahil mukhang galit ito. Hindi maiwasang bumalik sa alaala niya ang nangyari kanina. Ang makapugtong hiningang