"Oy! Okay ka lang diyan?" untag sa kaniya ni Mirabella. Kasalukuyan silang nasa Gazebo. Nakaupo siya sa sahig sa bandang gilid habang ang mga paa ay nakalapat sa tubig. Nakatingin lang siya sa kawalan, iniisip niya kung tama pa ba itong ginagawa niya. Kung tama pa bang ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Luis. "Best, love is sacrifice, love is patient. Kaya konting tiis lang, mapapaibig mo rin si Luis," muling usal nito. Napatingin na siya rito, napangibit siya at napailing. Bilib na talaga siya sa fighting spirit nito. "Pero kung hindi mo na kaya, magpa-buntis ka na lang sa kaniya tapos itakas mo ang bata. Sigurado akong hahabulin ka niya." Ngumisi pa ito. Mas lalo naman siyang napailing. "Bilib na talaga ako sa'yo, Mirabella. Now I know kung bakit patay na patay sa'yo si Trav