"s**t!" malakas na mura ni Luis habang hinahaplos ang pisngi. He didn't expect Bebe to slap him right away. Mukhang ngayon niya lang naranasan ang sampal nito, masakit pala. Muli siyang napamura. Kaagad siya nitong binagsakan ng pinto kaya wala siyang nagawa kundi magpalakad-lakad sa harapan ng unit nito. Iniisip kung ano ang dapat gawin lalo na nang makita niya ang galit at pagkasuklam sa mga mata nito. Nasaktan niya ba talaga ito ng sobra? Damn it! Paano niya ito susuyuin ngayon? Nag-doorbell siya nang paulit-ulit pero parang hindi naman nito naririnig dahil hindi siya binubuksan. Nagsimula na siyang mag-alala. Paano na lang kung nadulas ito at nabagok ang ulo? Muli siyang nag-doorbell hanggang sa mapagod. Siguro nga ayaw siya nitong kausapin ngayon. Umalis siya at bumalik na la