Malalim ang hiningang pinakawalan niya habang nagdidilig ng mga halaman sa bakuran ng bahay. Hindi niya namamalayan na lumaki na ang mga halamang itinanim niya noon sa sobrang boring niya. Dalawang buwan na ang nakalipas at pakiramdam niya walang nagbago sa pakikitungo ni Luis sa kaniya. He still hot and cold. Minsan pa nga ay lukewarm. Hot kapag biglaan silang nagtalik, cold pagkatapos mailabas ang init ng katawan nito. Lukewarm naman kapag nararamdaman niyang parang may pagtingin ito sa kaniya lalo na kapag nagseselos. Bumagsak ang mga balikat niya. Mababaliw na talaga siya. Pakiramdam niya kapag nagtagal pa siya sa ganitong sitwasyon ay baka sa mental na ang bagsak niya. Pero sabi nga nila follow your heart, hindi ba? Madalas sabihin sa kaniya ni Mirabella kapag nakakausap niya ito