Pagkalabas niya ng bar ay kaagad na hinanap ng mga mata niya ang bulto ng katawan ni Luis. Na haplos niya pa ang dibdib dahil malakas talaga ang t***k ng puso niya. Bakit natataranta siya? Pakiramdam niya nakagawa siya nang mabigat na kasalanan. Hindi mahagip ng paningin niya maski ang owner type jeep nito. Humakbang pa siya palayo sa entrance ng bar ngunit napahinto rin sa kalagitnaan nang marinig ang boses ni Paulo. "Belinda, your pouch." Iniabot nito ang pouch niya. Naiwan niya ito kanina dahil sa kamamadaling makalabas sa bar. "Thanks, Paulo." Tipid siyang ngumiti rito. "It seems you're in a hurry, may emergency ba?" nagtataka nitong tanong. "Wala naman. Sige mauna na ako sa'yo." Akma niya itong tatalikuran nang hawakan siya nito sa kamay. "Wait lang, Belinda." Napakunot ang no