Episode 11

1603 Words

"Matagal ka pa ba?" tanong ni Angela sa kaniya habang paikot-ikot ito sa loob ng opisina niya. Animo'y sinisilaban ang puwet nito dahil hindi ito mapakali. "Uwi na kaya tayo?" "Bakit?" "Masama kasi ang pakiramdam ko, eh." "Bakit?" "Mayroon kasi akong dalaw." "Dalaw? You mean, menstruation?" Tumango ito. "May napkin ka ba diyan?" "Ano'ng gagawin ko sa napkin? Mukha ba akong nireregla?" Pabagsak itong umupo sa harapan niya. "Ang hirap maging babae," reklamo nito. "Mabuti pa 'yong mga lalaki kapag tapos ng matuli wala ng problema samantalang kaming mga babae buwan-buwan ay may dalaw kahit ayaw namin. Ipatanggal ko na lang kaya 'tong matres ko? Kaya lang kapag ginawa ko 'yon hindi na ako magkakaanak." Sa halip na makinig sa hinaing nitong walang katuturan ay pinili na lamang niyang t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD