Episode 15

1637 Words

"Angela, hindi pa ba tayo uuwi? Hindi mo ba alam na malapit nang dumilim?" naiinis niyang tanong dahil wala na yata itong balak umuwi. Ayaw naman niya na umuwing mag-isa dahil nga hindi niya kabisado ang lugar. Isa pa, wala siyang dalang sasakyan. "Patayin mo na 'yang tv para makauwi na tayo dahil baka nag-aalala na si Lola." "Bakit naman mag-aalala si Doña Lorenza sa iyo? Menor de edad ka ba? Kahit nga hindi ka umuwi sa loob ng isang taon hindi ka no'n hahanapin, eh." "Kahit na! Porque ba hindi na ako menor de edad ay wala na akong karapatan na umuwi ng maaga?" "Kapag natalo mo ako sa inuman saka tayo uuwi." Tumayo ito at tinungo ang kinaroroonan ng ref sabay kuha ng anim na bote ng beer. Hindi lang isa kung hindi anim. "Magpapakalasing tayong dalawa ngayong araw hanggang sa mawala tay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD