Alex POV "Bakit hindi mo sinabi agad, Lian?" Himig ko pa sa kaniya. Nandito na ako sa sinabi niyang hospital at heto nga ako't katabi siya. Kalalapag lang ng eroplanong sinakyan ko at noo'y dumiretso na agad sa hospital na kaniyang binanggit sa akin sa telepono. Kasama ko siya na nakaupo ngayon sa mini-chapel ng hospital habang kanina'y nakausap at nakilala ko ang mga myembro ng kaniyang pamilya. Mainit akong tinanggap ni madam Cassandra at Don McKenzie. Alam kong magulo ang isip ni Lian ngayon, natatanaw ko ito sa kaniyang mga mata na namumugto sa kakaiyak. Hindi ko alam pero nang tinawagan niya ako kahapon ay tila halos nilipad ko ang Davao papuntang Manila. I can't hide the truth, pero sa totoo lang, hindi lang pakikisimpatya ang hangad ko kay Lian, gusto kong malaman at maramdama