Chapter 4

1016 Words
Dahil pagkabigla ay hindi agad ako nakahuma sa paghalik sa akin ni Marco. Hanggang sa nararamdaman ko na lang ang pag galaw ng mga labi ko dahil sa pagtugon ko sa halik niya. Mas pinalalim pa niya ang halik niya sa akin. Pinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko at ginalugad ang bawat loob nito. “Hhmm.." napaungol ako ng kagatin niya niya ang ilalim ng bibig ko at mas pinang gigilan. "Ahamm.. party namin to kaya naman sana ibigay niyo na sa amin to. Aba’y inagaw niyo pa kami ng saging ko spotlight na para sa amin.” Dinig ko na sabi ni mommy kaya agad kong natulak si Marco na ngayon ay kay lapad ng ngiti. Bigla tuloy akong nahiya dahil sa dami ng tao naka tingin sa amin na dalawa ni Marco at siguradong pulang pula ang mukha ko ngayon dahil sa kahihiyan. “I'm sorry tito, tita, hindi lang po namin napigilan ng baby ko ang nararamdaman namin at madala kami sa isa’t isa.” Nakangiti na sabi Marco sa mga magulang ko na nasa harapan namin na dalawa. “Hoy, Marco hindi porke’t hinahayaan kita sa panliligaw mo sa anak ko ay hahalikan mo na lang siya kahit saan.” ani pa ni mommy sabay pamaywang at seryoso na tumingin kay Marco. “Hindi na po mauulit tita, hahalikan ko na lang po siya kapag kami na lang ma dalawa. Mas maganda nga po pag kami lang na dalawa para walang istorbo sa amin.” Sagot ni Marco na siyang kina ubo ni daddy. “Aba’t may plano ka pa atang buntusin ang anak namin. Upo kayo doon sa mesa at doon tayo mag uusap." Aniya ni mommy sabay tiro ng mesa kung saan nandoon ang mga magulang ni Marco at mga kaibigan nila. Sa kabila namang upuan ay sina ate Suzy at kuya JD kasama din nila sa mesa si kuya Jasper at ang asawa nito na si ate Bella. Nakatingin din ang mga ito sa amin na may panuksong ngiti sa mga labi. Sigurado na sa akin na naman ang tampulan ng tukso mamaya. Si kuya JD lang ata ang seryoso na nakatingin sa amin. Si daddy kasi parang tuwang tuwa pa na nakita niya kami na nag halikan ni Marco sa harap nila. " Wag mo na sila paki alam love, ganyan din naman tayo noon hindi ba?” Dinig ko na sabi ni daddy kay mommy sabay hapit sa bewang nito. " Pag kaiba yon Jeffrey. Tuwang tuwa ka pa dyan sa kalokohan ng mga bata. Baka mamaya magulat na lang tayo dahil buntis na yang anak natin.” Sagot ni mommy. Naiiling na nauna na lang ako nag lakad paupo sa mesa namin kaysa makinig na naman sa bangayan nina mommy tungkol sa love story nilang dalawa. Sa araw araw kasi ata na ginawa ng diyos wala ng ginawa si mommy at daddy kundi balikan ang nakaraan nila. Well nakakatuwa naman yon pero minsan kasi na uuwi na sa away ang pagbabalik natanaw nila sa nakaraan nilang dalawa. “Baby…” tawag ni Marco sa akin kaya napatigil ako at nilingon siya. "Pwede ba wag mo akong tawagin na baby dahil kinikilabutan ako sa pagtawag mo sa akin ng ganyan.” Saad ko at tinignan siya ng masama. " No baby, dahil ng gumanti ka sa halik ko kanina ay naging akin ka na kaya itatawag ko sayo ang gusto kong itawag sa babaeng pag mamay ari ko.” nakangisi na aniya sa akin at hinawakan ang kamay ko at nang hihilahin ko na sana ay nilingon niya ako. “Wag ka na komontra pa kung ayaw mo na halikan ulit kita dito mismo. Mukhang nabitin kapa kasi ata sa halikan natin na dalawa kanina maya mainit pa ang ulo mo." Aniya sa akin na hinapit ako. “Oo na kaya pwede ba lumayo ka." Sagot ko at nag iwas ng tingin sa kanya. “Tsk! Takot ka rin pala na halikan kita dito pero gustong gusto mo rin naman. Wag ka mag alala hahalikan kita kapag tayong dalawa lang.” Aniya sabay hila sa akin sa mesa kung nasaan sina kuya. " Kayong dalawa umamin nga, kayo na ba ha?” Agad na tanong sa amin ni ate Suzy ng maka upo kami na kami. " Ano sa palagay mo?” Sagot naman ni Marco. Hindi na ako sumagot sa tanong nila dahil alam ko na ako kang din ang mapapahiya kung de-depinsahan ko ang sarili ko lalo oa at nakita nila na tumugon ako sa halik ni Marco kanina. “Wow! Congrats bro napitas mo na rin ang mangga na pinahihinog mo." Natatawa na sabi kuya Jasper. " Hoy, Marco ingatan mo yang si Margaret ha at baka mauntog at bumalik sa ex niya.” Si ate Bella na katulad ni kuya Jasper ay tumatawa din. “Siguradohin mo lang na hindi mo sasaktan ang kapatid ko, dahik kahitbna magkaibigan tayo ay hindi hindi ako mangingimi na bugbogin ka.” Si kuya JD na seryoso ang mukha. “Bro alam mo naman siguro kung gaano ako kaseryoso sa kapatid mo. Pero wag ka mag alala dahil hindi ko magagawa yon da kanya. Baka siya pa nga itong manakit sa akin dahil isip bata pa rin at mukhang mahihirapan ako sa kanya." Seryosong sagot niya kay kuya. " Paghahawakan ko yan bro. Alam ko naman siguro na sobrang siyang nasaktan dahil sa nangyari sa relasyon nila ni Xander at sana bumawi ka sa kanya dahil doon.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni kuya na kailangan bumawi ni Marco dahil nasakatan ako ni Xander. “Ano ang ibig mong sabihin kuya na kailangan bumawi ni Marco sa akin dahil sa nangyari sa amin ni Xander?" Tanong kay kuya. Nagkatinginan pa silang dalawanna para bang nag uusap sila sa kanilang mata. “Wala, ang ibig lang sabihin ng kuya mo na dapat mapawi ko ang sakit na ginawa sayo ng gagong ex mo.” Si Marco na ang sumagot sa tanong ko kay kuya at humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD