Chapter 3

1100 Words
“Ano na naman ba kailangan mo sa akin Marco?" Nakasimangot kong tanong sa kanya ng tumabi siya sa akin sa mesa. “Bakit ba nakasimangot ka? Dapat nakangiti ka dahil ang pangit mo kapag nakasimangot ka.” Nang aasar na sabi niya sabay usog ng upuan sa tabi ko. “Pwede ba lumayo layo ka sa akin." Ani ko na tinignan siya ng masama. Pero ang gago ay tumawa lang na para bang wala lang sa kanya. “Come on, let's dance." Aya niya sa akin sabay hawak sa aking kamay. "Bitawan mo nga ako. Ayaw ko makipag sayaw sayo noh. Isa pa baka sabihin ng mga binata dito hindi na ako available at wala ng may manligaw pa sa akin." Pairap na saad ko. Totoo naman kasi na baka isipin nila na boyfriend ko si gago. Paano ba naman kasi todo bantay ito sa akin at kung saan ako ay nandoon din siya. “Marga, hindi kita pinahinog para lang ibigay sa iba. Alam naman yan ng kuya mo na dapat akin ka lang at sa ayaw at sa gusto mo ay magiging akin ka." Nakangisi na saad niya sabay tayo at hinila ako papunta sa gitna. Wala talaga siya pakialam kahit nasa harap namin ang mga magulang namin basta maisama lang niya ako ay ayos lang sa kanya. “Bitawan mo ako dahil ayaw kitang kasayaw." Ani ko na pilit kong hinihila ang kamay ko. “Wag ka nang humindi pa at gumawa ng eksena dito sa party ng magulang mo. Sasayaw ka lang naman kasama ko kaya ano ba ang kinatatakot mo sa akin?” tanong niya na hinapit ako sa bewang palapit sa kanya. “Hindi ako takot sayo, sadyang ayaw ko lang sayo." Ani ko at nag iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko kasi kayang salubungin ang tingin niya. “Alam mo Marga, mahaba na rin ang paghihintay ko sayo. Kaya wag mo na hintayin na ako na mismo ang gumawa ng paraan at baka mabuntis kita ng wala sa oras.” Bulong niya sa akin kaya ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya na tumama sa likod ng tenga ko dahilan para manago ang lahat ng balahibo ko doon. “Ang bastos mo talaga." Saad konat hihiwalay na sana sa kanya pero mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkahawak niya sa bewang ko. “Yes baby, bastos ako pero sayo lang. Alam mo ba na hindi ako makatulog sa gabi mula ng matikman ko ang matamis mong labi na gumigising sa nahihimlay na p*********i ko." Nakangisi pa niyang saad kaya tinignan ko siya ng masama. Napaka bastos talaga niya, at hindi man lang niya iniisip na babae ako. Kaya ayaw ko talaga sa ugali niya. Inaamin ko naman na crush ko siya noong bata pa ako psro ng makita ko na may babae siya na kasama ay nawalan ang pagkagusto ko sa kanya lalo na at nakilala ko noon si Xander at naging matalik na kaibigan pagkatapos ay naging boyfriend ko. Pero nasaktan pa rin ako dahil niloko ako ni Xander at nakipaghiwalay ito sa akin na wala man lang rason. Basta ng sinabi lang niya napagod na siya sa akin. “Bakit ba hindi ka na lang humanap ng ibang babae diyan? Alam ko naman naarami ang nagkakagusto sayo bakit kailangan na ako pa ang guluhin mo Marco?” Naiinis na saad ko. Nauubusan na rin ako ng pasensya sa kanya. “Dahil ikaw ang gusto ko" “Baliw ka na!" Gusto ko na talaga siyang bulyawan at iwan sa gitna pero hindi ko magawa dahil ayaw ko masira ang party ni mommy at daddy. Para sa kanila ang gabi na to at ayaw ko na agawin sa kanika ang spotlight na para sa kanila. “Oo Marga baliw ako. Baliw na baliw sayo. Ano ba ang ginawa mo sa akin para maging ganito ako ka baliw sayo ha?” sagot niya sa akin sabay pugay ng mata niya. “Marco naman hindi naman ako nakikipag lokohan sayo.” Ani ko na tinanggal ang kamay sa leeg niya at tumitig sa kanya. “Ako rin naman Marga, hindi ako nakikipag biruan sayo dahil seryoso ako.” Aniya na na seryoso ang mukha. “Marco kasi–” " Gusto mo ba talaga malaman kung gaano ako ka seryoso sa sinabi ko sayo?” Putol niya sa sinabi ko. Nagkatitigan kaming dalawa perk ako din ang unang umiwas sa kanya. “Seryoso ako sayo, lahat ng sinabi ko sayo mula noon ay totoo at seryoso ako doon. Katulad ng sinabi ko Marga, pinahinog kita para maging akin at hindi para ibigay sa iba kaya dapat lang na ako ang aani sa pinahinog ko. “Pero bakit ako? Alam mo naman na may mahal akong iba at hinihintay ko pa rin siya." Sagot ko. Totoo naman na hinihintay ko pa rin si Xander na bumalik sa akin at baka nabigla lang siya sa pakikipaghiwalay sa akin dahil hindi naman ganun kadali bitawan ang limang taon namin na pagiging mag nobyo namin. “Sa palagay mo ba, ibabalik pa kita sa kanya? Hinding hindi kita ibibigay sa kanya dahil akin ka. Mula pa noong baby ka ay minarkahan na kiya na maging akin kaya akin ka.” sabi niya na puno ng determinasyon ang boses. Humugot ako ng malalim na hininga at muling humarap sa kanya. “Ayaw ko na makipag talo pa sayo Marco, napapagod na din ako sa laging bangayan natin na dalawa. Ang mabuti pa iwasan na lang natin ang isa't isa para hindi tayo laging nag babangayan na dalawa.” Ani ko na tinanggal ang kamay niya sa bewang ko para makaalis na sa gitna at iwan na lang siya doon. “Yun ba talaga ang gusto mo?" Tanong niya kaya napatigil ako. “Oo yun ang gusto." Sagot ko. “Sige kung yan ang gusto mo pero sa tuwing magkikita tayo ay may dapat akong gawin sayo na dapat ay bayaran mo." Aniya sa akin. “Ano ang ibig mong sabihin na may gagawin ka sa akin?” Kunot ang noo na tanong ko sa kanya. Ngumisi siya sa akin at hindi muna ako sinagot. "Gusto mo malaman kung ano ang gagawin ko sayo?” Nalilito pa rin na tumingin ako sa kanya. "Ito ang gagawin ko sayo.” Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya at siniil ng halik sa labi. *** HELLO PO, SANA PO AY SUPPORTAHAN NIYO RIN ANG STORY NG ANAK NI JEFFREY AT MJ NA SI MARGARET. MARAMING SALAMAT PO. MAG DA-DAILY UPDATE NA PO AKO DITO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD