Halos sampong minuto nang nakatitig si Monique sa screen ng kaniyang cellphone, naka ligo na siya’t lahat at bihis na bihis na, kung tutuosin ay handa na siyang umalis. Hindi siya ngayon mapakali kung tatawagan niya ba o hindi ang contact number ng bago niyang boss na nag ngangalang Samuel De Silva dahil sa hindi niya malamang dahilan ay bigla biglang gusto siyang maka usap ng lalaking iyon. Pwede naman kasi nitong hintayin na pareho silang makabalik sa New York at doon sila mag usap sa opisina ng tungkol sa trabaho para mas pormal hindi iyong itatawag at ipag uutos pa sa kaniyang secretarya na akala mo’y kung ano nang emergency na nagyayari at agad agad ay gusto siyang kausapin. Hindi ba naisip ng Samuel na iyon na madaling araw na ngayon sa New York? Na curious naman si Monique kung