Kasalukuyang nag papahinga si Monique sa malaking sofa habang kumakain ng ilang prutas, kakatapos lamang kasi niyang kumain ng lunch dahil kakagising lang niya. Alam niyang late na at kinastigo naman na niya ang kaniyang sarili dahil doon. Madalang lamang siyang malate ng gising at alam na alam niya ang dahilan ngayon kung bakit halos mag a-alas dose na siyang nagisig ngayong araw na ito, ayos lamang naman kung tutuosin na ma late ng gising ngayon dahil araw naman ng lingo kaya lamang ay halos umaga na silang naka uwi kagabi galing sa bar ni Anthony. Katakot takot pa na sermon ang natangap nila mula sa kanilang mama na mag damag din palang nag hintay sakanila at galit na galit dahil mamatay matay daw sa pag aalala ang kanilang mommy sa pag iisip kung baka daw ay kung may anong masama nang