XIAMARA HALOS himatayin ako dahil sa ginawa ni Papa kanina. Mabuti na lang at naawat namin siya ni Kuya at nakuha sa kamay niya ang hawak niyang itak. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib dahil sa kaba kaya heto at hingal na hingal ako. "Papa naman! Minsan niyo na nga lang ako makita ganyan pa kayo!" maktol ko sa kanya. Nakalapit na sa akin si Zi at hinawakan niya ang braso ko. Kanina ay nilalayo niya ako kay Papa at pinapatigil pa sa pag-awat. Baliw ba siya? Gusto niya ba talagang pakasalan 'yung itak? "Ei nang-gagago yata ang lalaking 'yan. Pinangarap ka pang pakasalan!" galit na naman niyang sigaw at dinuro pa si Ziggy na nasa tabi ko lang. Hawak naman siya ni Kuya kaya kampante ako na hindi siya makakalapit kay Ziggy. "I'm sorry po, tito- "Sinabi ng 'wag mo akong tatawaging tito
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books