XIAMARA "ARE you ready, baby?" tanong ko kay Y nang palabas na kami ng kanyang kwarto. Nakaligo na kami pareho at nakapag-bihis na rin. Hinihintay na lang namin si Zi na naligo sa kwarto niya. Dito na rin siya kasi natulog sa kwarto ni Y kagabi at nasa gitna naman namin ang aming anak kaya hindi naman ako masyadong kinabahan. "Saan po tayo pupunta, Mima?" inosente niyang tanong. "We're going to your lolo and lola!" masaya kong anunsyo. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat kaya mas lumawak pa ang ngiti ko. Napaka-cute talaga ng anak ko lalo na ang kanyang mga mata dahil sa haba ng pilikmata. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang kulay baby pink dress, may design iyon na barbie na paborito niya. Tinirintas ko naman ang buhok niya na laging gusto niyang ayos ng kanyang buhok. Kapag tinit