XIAMARA "ANG SABI mo Xi na nakita mo si Ziggy sa function room nang nakapikit at may kahalikang babae?" tanong ni Brixton. Doon lamang ako natauhan mula sa pagkatulala nang banggitin ni Brixton ang pangalan ko. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon dahil tila nawalan na ako ng boses. Hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi nila kanina na tungkol sa proposal. Hindi ako maka-focus at nawawala ako sa aking sarili. "Zi, sino 'yung babae?" kunot ang noo na tanong ni Ridge. "I don't know who the hell is she!" frustrated na sagot ni Zi at napahilamos pa siya sa kanyang mukha. Parang may nag-uudyok sa akin na lapitan siya at hawakan ang mga kamay niya upang pakalmahin siya. Pero matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa ko. "She'd better hide herself from me. Oras na makita ko siya, sis