"Pakakasalan mo ako." Bulong ng lalaki habang marahan nitong hinahaplos ang hita ko. Agad akong nagsabi rito na uuwi na lang ako. Natakot kasi talaga ako sa sinabi nito. Pero hindi ko iyon ipinahalata rito. Nakasakay na kami sa sasakyan nito pero hindi pa umuusad ang sasakyan. Ang bestidang suot ko ay medyo nalihis na dahil tuloy pa rin ito sa paghaplos n'ya. Sinubukan ko namang pigilan ngunit parang balewala lang iyon sa lalaki. "Magiging asawa kita at magiging ina ng magiging anak ko."
Wala pa rin akong kibo. Ang bobo ko naman kasi talaga. Bakit sa ganitong klase pa ako ng lalaki sumama at bumukaka? Yes, 13 years akong tigang. Pero bakit naman hindi man lang ako nakapili ng lalaking mabait at okay na okay?
"S-top." Walang lakas na pakiusap ko sa lalaki. Pero narating na ng palad nito ang gitna ko. Bahagya pa nitong pinaghiwalay iyon. Ayaw ko. Pero ramdam kong gusto iyon nang p********e ko na ngayon ay marahan na nitong hinahaplos.
"Hindi ka lugi sa akin, Andrea. Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Kailangan mo lang akong pakasalan."
Nang hawiin nito ang underwear ko ay napakapit na ako sa hawakan. Bahagya ko na ring ibinuka ang hita ko para malaya nitong magawa ang paglalaro sa gitna ko.
"Hindi kita mahal, Rojan."
"Sino ang mahal mo? Iyong namayapa mong kasintahan? Kaya pa ba n'yang gawin sa 'yo ito?" ipinasok nito ang daliri sa basang gitna ko. Napapikit pa nga ako dahil sa kumalat na kilabot sa aking katawan.
"Hindi lang s*x ang foundation ng marriage---"
"Pero habang kasal tayo ay mai-enjoy natin ang s*x, Andrea."
"Tama na!" sinubukan kong alisin ang kamay nito roon. Pero nang gawin nitong dalawa ang nakapasok na daliri ay nakalimutan ko na iyong nararamdaman kong pagtutol.
--
"Mama Andeng!" excited na salubong ni Elio sa akin. Malawak ang ngisi ng anak ko. Ilang oras din akong wala rito sa bahay. Hindi agad nakauwi dahil hindi naman kami natuloy ni Rojan sa pag-alis kanina. Bumalik kami sa loob ng apartment nito. Nagpakasawa sa katawan ng isa't isa. Pinairal ang libog.
Iyong pagtutol na nararamdaman ay nakalimutan sa haplos lang ng lalaki.
Parang gusto kong magpasampal kay Anais. Baka sakaling matauhan ako. Kaso kung sasabihin ko naman ang problema ko rito ay baka hindi nito iyon magustuhan.
Okay na ang buhay ng kakambal ko. Tahimik at masaya na sila. Guguluhin ko pa ba naman? Ayaw ko ring maging pabigat sa kanila.
"Anak, masayang-masaya ka ah!" niyakap ko ito. Saka inakbayan at iginiya patungo sa couch.
"Mama, siyempre po. Magkaka-papa na ako. Nararamdaman ko nang masasagot na ngayong taon ang matagal ko ng hiling."
"Anak, gustong-gusto mo ba talaga ng papa?" curious na tanong ko rito.
"Opo, mama. Kaya please po, bigyan n'yo na ako ng papa." Pinisil ko ang baba nito.
"Anong feeling mo kay Tito Rojan, anak?" curious lang. Gusto kong marinig ang side ng anak ko sa bagay na iyon.
"He's fine, Mama Andeng. Mukha po siyang mabait at halatang iba kung tumitig sa 'yo."
"Paanong iba?" takang tanong ko rito.
"Iba. Parang gustong-gusto ka n'ya."
"That's impossible, anak. Kakikilala ko lang sa Tito Rojan mo."
"Basta... iyon po ang napansin ko sa kanya, Mama Andeng. Ibang-iba po siya tumingin sa 'yo."
Kasi may sungay ang taong iyon. Gusto ko sanang sabihin sa anak ko. Pero hindi ko kayang sirain ang kasiyahan na nararamdaman nito.
Boto ito sa lalaki. Lalo na no'ng araw-araw na ito rito para lang nakipaglaro sa anak ko.
--
"Ma, maglalaro lang kami mg basketball ni Tito Rojan." Paalam ng anak ko. Nagpatimpla ito ng juice sa akin kaya narito ako sa kusina. Dumating si Rojan na may dalang bagong bola para sa anak ko. Kaya naman excited na excited si Elio na maglaro ng basketball. Wala ang pamilya Aiden dahil lumuwas sila ng siyudad. Kami lang ni Elio ang narito at ang mga kasambahay.
"Sige, anak. Isusunok ko na lang itong juice n'yo."
"Ma, pakisamahan po ng sandwich."
"Okay, 'nak." Tugon ko sa batang lalaki. Hindi ko na narinig pa ang tinig nito. Kahit si Rojan na mukhang sumama na sa anak ko.
"Tulungan na kitang maghatid." Offer ng bagong kasambahay na si Didith. Agad naman akong tumango. Good for 2 naman itong inihanda ko. Sakto lang para kay Elio at Rojan.
Ako na ang nagdala ng pitsel. Habang ang tray na may lamang baso at sandwich ay si Didith na ang nagdala.
"Ma'am, ang gwapo po nang manliligaw mo." Tudyo ng babae sa akin habang naglalakad kami patungo sa likod ng mansion kung saan nagpagawa si Storm ng basketball court para kina Elio.
"Gwapo ba iyon?" tanong ko rito. Kinikilig namang agad na tumango ang babae.
"Yes, ma'am. Bagay na bagay po kayong dalawa." Bagay? Hindi kami bagay no'n. Paano ako magkakagusto sa kanya kung idinadaan n'ya ako sa pananakot? Flowers with death threats? Chocolates with death threats? Ganitong klaseng lalaki ba ang nanaisin kong tumayong ama sa anak ko? No way.
Pagdating namin ay rinig na rinig namin ang malakas na pagtawa ng dalawang lalaki na naglalaro ng basketball.
Ipinatong ko sa table ang dala ko. Gano'n din ang ginawa ni Didith. Tapos dali-dali na siyang umalis. Si Rojan at Elio ay agad huminto sa paglalaro at sabay pang tumakbo patungo rito sa pwesto ko.
"Inom ka muna, Elio." Agad kong sinalinan ng juice ang baso para sa anak ko.
"Thanks, Mama Andeng. Bigyan mo rin po ng juice si Tito Rojan. For sure nauuhaw na rin po siya." Napangisi si Rojan dahil sa sinabi ng anak ko. Napilitan naman akong kumilos para gawin ang nais ni Elio. Sinalinan ko ang isa pang baso at ibinigay iyon sa lalaki.
"Thanks, Andrea." Nang tanggapin nito iyon ay parang nananadya pa ito na magdikit ang kamay naming dalawa. Pero agad ko ring binawi ang kamay ko.
"Ma, ang galing mag-basketball ni Tito Rojan. May mga tricks pa po siyang alam na napakaastig talaga."
"Wow, talaga? Eh 'di goods." Sasabihin ko sanang eh 'di wow. Kaso hindi naman magandang marinig ng anak ko iyon.
"Ang sarap ng juice mo, Andrea."
"Thanks." Tipid na sagot ko rito.
"Tito Rojan, masarap din pong magluto si Mama Andeng."
"Talaga? Kapag niyaya ko ba siya sa bahay ko ay pwede bang ipaghanda n'ya ako?" tanong nito na nakakuha na naman ng opportunity. Gustong-gusto nito kapag narito si Elio, eh. Kapag kasi kinumbinsi na rin ako ng anak ko ay hindi ako nakakatanggi. Iyon iyong opportunity na nakikita rin ni Rojan.
"Oo naman po, Tito Rojan. Para po matikman mo po ang mga specialty ni mama ko."
"Gusto mo rin bang sumama?" tanong ng lalaki sa anak ko. Agad namang napatingin si Elio sa akin.
"Gusto ko, ma. Pwede po ba?"
"O-oo naman, anak. Ano bang gusto n'yong iluto ko?" weakness ko talaga ang anak ko, eh. Kahit ayaw kong pumunta sa bahay ni Rojan ay hindi ko matanggihan dahil kay Elio.
"Masarap po ang bilo-bilo ni Mama Andeng. Kumakain po ba kayo no'n, Tito?"
"Of course. Isa nga iyan sa favorite ko, eh. Sige, bago tayo umuwi later ay dadaan muna tayo sa market. Bibili tayo ng ingredients. Gusto mo rin bang mag-movie marathon? Habang kumakain ng bilo-bilo ay manood tayo."
"Naku! Sige po. Gusto ko po iyan." Wala na. Masyado ng excited ang anak ko. Hindi ko na matatanggihan pa.
Bumalik sila sa paglalaro. Matiyagang tinuturuan ni Rojan si Elio ng mga trick sa basketball. Ako naman ay matiyagang nanonood sa kanila.
Nang bumalik sila sa akin ay pagod na raw sila at mas mabuti raw na umalis na kami.
Kaya naghanda na muna kami ni Elio. Hindi ko rin nakalimutan magpaalam sa kapatid ko na aalis kami ng anak ko at si Rojan ang kasama. Tinawagan pa ako ni Anais para lang tudyuin.
"Tara na?" yaya nito nang lumabas kami ng mansion. Ako ang may bitbit ng bag na may lamang gamit ni Elio. May extra naman akong damit. Pero extra lang iyon, dahil uuwi rin naman kami later.
Agad kinuha ni Rojan iyon at isinakay sa sasakyan. Saka kami pinagbuksan ng pinto. Gentleman ang loko sa harap ng anak ko. Kaya gustong-gusto ito ni Elio, eh. Pero kapag may makuha akong pagkakataon. Ilalayo ko ang bata rito.
I don't know... I don't trust him. Lalo't pinagbabantaan ako nito. Go with the flow lang muna ako ngayon... kapag may perfect time ay titiyakin kong ilalayo ko ang anak ko sa lalaki.
Habang nasa biyahe kami patungo sa palengke ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Saglit kong in-check iyon.
Nang makita kong si Rowan ang nag-message ay pasimple kong binasa iyon.
"Hi, beautiful! Available ka ba today? Gusto sana kitang imbitahan dito sa bar." Ano bang dapat kong i-reply sa lalaki? Ilang invitations na nito ang tinanggihan ko. Ilang beses na rin itong nagpunta sa hacienda pero wala ako. Kung naroon man ay sinasadya kong magtago.
"I'm with my son, Rowan. Pasensya na. Hindi ako available today." Mabilis kong in-send iyon. Mabait naman si Rowan. Nag-enjoy naman ako no'ng date namin. Pero tiyak kong magkakaproblema kung makikipag-ugnayan pa ako rito habang ginugulo ni Rojan ang buhay ko. Masakit na nga sa ulo si Rojan, dadagdagan ko pa ba naman ng sakit sa ulo? Hindi ko kayang i-handle iyon.