? Lyric 105 : kay tagal kitang hinintay ?

1598 Words

Tumingin din si Alas at poker face lang siya. Nakangiti naman si Rocket at Danger. Itinulak na ako ng staff na kausap ko, kaya nagtuloy-tuloy na ako sa paglakad papunta kay Rhode. Halos matunaw ako sa mga titig niya. Seryoso ang mukha niya na para bang matagal na niya akong hinihintay, eh kakatapos lang naman ni Danger. Nang isang dipa na lang ang pagitan namin, ay nakita ko ang itsura nung mga babae sa unahan, yung iba kinikilig at yung iba ay naiinis sa akin. Nang makalapit na ako ng tuluyan sa kanya, ay naramdaman ko ang kamay niya sa may bandang bewang ng likuran ko at nag-tayuan agad ang mga balahibo ko sa kaliwang tenga nang bumulong siya ng… "Congrats." kinagat niya ang labi at napalunok ako. Tinitigan niya ako sa mga mata and he smirked. Inalis niya ang kamay sa likuran ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD